41 - Yellow Shoes

276 12 9
                                    

Simile

Hingal na hingal ako nang tumigil ako sa finish line. Naunahan ko na naman si Errol. Weak talaga oh. Todo practise na kasi ako. Ilang araw na lang competition na. Mukang kalmado si sir Nathan pero deep inside kabado yan. Naisip ko pa lang na ilalaban ako sa ibang school nararamdaman ko nang gusto kong magbanyo dahil sa kaba.

"Oh! Talo ka na naman! Panalo na naman ako sa pustahan- ay shu! Ang daldal mo! Baka marinig tayo ni Sir Nathan."

"Ako pa madaldal ah! Yang bibig mo kaya yang pasakan mo nang manahimik!" asar na asar na bara sa 'kin ni Nemic. Pikon din eh. Hindi sports.

Para ganahan kasi kami sa practise nagpupustahan kami ni Nemic. Syempre lihim lang yun dahil kung makarating yun kay sir Nathan eh yari kami.

Kapag nanalo ako, makakalibre na naman ako ng three-patty burger with love. Kaya ganado akong unahan s'ya lagi dahil yung masarap na burger ang inspirasyon ko. Hindi ako tatakbo para sa kasikatan o para sa karangalan ng school. Hindi, joke lang. Syempre kasama na yun pero top priority ko ay manalo at makakain ng premyo ko sa pustahan.

After ng practise dumiretso na kami sa napag-usapan. Lately napansin ko na seryoso na 'tong nemic na 'to. Mukang nagpapakamature na 'tong si totoy mula nang maging sila ng kaibigan kong si Daillie at umamin na sa aming lahat.

"Ano nga palang kukunin mo sa college?" tanong ni matured na nemic.

"Ano bang course dapat kunin kapag gusto kong maging astronaut?"

Tiningnan ako ng masama ni nemic. Problema nito? Seryoso kaya ako. Paki n'ya sa pangarap kong makarating sa outer space?

"Ikaw ba? Baka gusto mo din maging astronaut. Sabay na tayo mag-enroll. Patulong tayo kina mama. Marami yung tropa sa NASA," biro ko.

Umismid lang s'ya saka suminghal. Pang-asar talaga 'tong nemic na kasama ko.

"Architecture ang kukunin ko. Panis ka dun!" pagyayabang n'ya pa sabay tirik na mata. Na-engkanto ata 'to ah. Bakit kailangan timirik ang mata? Budbudan ko yan ng hot sause, makita n'ya.

"Medyo ang hangin mo sa parteng yan ah. Don't me!"

Pagdating ng order namin biglang kumunot ang noo ni nemic, senyales yan may itsi-tsismis s'ya.

"Nagtataka ako sa roommate ko. Ilang linggo na s'yang gabi kung bumalik sa dorm. Hindi naman siguro kayo lihim na nagkikita?"

Pinaningkitan ko s'ya sa mata, senyales naman yun na masasaktan s'ya.

"Aray! Makaapak ka ng paa ah! Kapag nalumpo talaga ako!" reklamo n'ya.

"Wala akong kinalaman sa pag-uwi n'ya ng late."

Matapos ang tagpong 'yon hindi na kami gaano nakakapag-usap ulit. Busy ako sa practice habang s'ya busy sa kung ano na hindi namin alam. Mukang sa kagagahan ko hindi na n'ya ako kakausapin kahit kailan.

Ilang buwan na nga lang pala hashtag goodbye highschool life na kami. Saan kaya kami dadalhin ng mga pangarap namin? Ano kaya ang magiging future ng bawat isa sa tropa? Nakaka-excite na may halong konting takot.

Laman ng isip ko habang pabalik kami sa dorm ang napag-usapan namin ni Errol. Parehas kaming tahimik. Magkatulad din kaya kami ng naiisip nitong kababata ko.

"Ilang kembot at kandirit na lang, new chapter of life na tayo," pambasag ko sa seryosong aurang bumabalot sa'min. Mahirap na baka manuot sa balat eh magstay ng matagal hahaha.

"Okay lang yan. Buklat lang ng buklat," nakangiti n'yang sagot.

Tama nga siguro si Errol. Go with the flow lang sa life at ngumiti na laging may pag-asa. Yan kami eh.

Our Fancy Romance | #Wattys2020Where stories live. Discover now