55 - CTRL + Z

121 13 10
                                    

"Kumusta?"

Tanong na hindi ko mabigyan nang matinong sagot. Ilang taon akong umiwas sa kanila tapos heto s'ya sa harap ko't kausap na.

May dalawa akong dahilan kaya pinanatili ko ang distansya ko sa kanila.

Una, dahil naging sila ni Errol. Hindi ba naisip ni Elavel na kaibigan n'ya si Daillie? Kahit sabihing bata pa kami noon, nabaliw-baliw si Daillie kakaiyak noon sa kababata ko. Hindi ko alam kung anong iisipin ko, dati na ba silang may something kaya nakipaghiwalay yung nemic na yun sa kaibigan ko?

At pangalawa, nasagasaan si Blaire nang dahil sa pagsunod ko sa plano ni Errol. Alam ko, kasalanan ko yun dahil may sarili naman akong utak para sumunod o hindi, pero yung utak ko sinisigaw na sisihin s'ya. Baka kaya naiinis ako sa kanya kasi naalala ko ang katangahan ko at maling desisyon noon.

Ni hindi ako makatingin sa mga mata ni Elavel.

"Hindi alam ng asawa ko na makikipagkita ako sa 'yo ngayon. Sabi n'ya kasi hahayaan na lang daw n'yang magalit ka sa kanya habang buhay kung yun ang makakabuti sa 'yo."

Nawiwindang ako. Kararating ko lang sa Pinas at wala pa ako isang oras mula nang lumapag heto ako sa harap ni Elavel at may confrontation na nagaganap. Feeling ko magha-hyperventilate ako sa nangyayari.

Kung hindi nagbago si Elavel at yun pa rin ang pagkakakilala ko sa kanya, panigurado babrasuhin n'ya ako hanggang makuha n'ya ang sagot na gusto n'yang marinig.

"Alam ko pati sa 'kin may tampo ka."

Lumapit s'ya sa 'kin at niyakap ako. Nawala yung pagkabalisa ko. Hindi man ako nakapagsalita, sumagot naman ako sa pamamagitan ng malakas kong paghagulgol. Ang dami kong iniyak. Ang dami kong luhang inubos.

Hinahaplos n'ya ang likod ko habang patuloy pa rin ako sa pag-iyak. Namiss ko sila. Namiss ko silang lahat noon pero wala akong magawa dahil nasa Amerika ako at malayo sa kanila. Umiwas pa ako dahil sa mga pagtatampo ko.

"Tama na nga yan. Hindi ka talaga nagbago," biro n'ya. Iniharap n'ya ako sa kanya at pinunasan ang pisngi kong basa ng luha.

"Sorry kung umiwas ako. Hindi ko alam kung kanino ako magsasabi ng nararamdaman ko noon dahil lahat kayo nasa malayo. Hindi ko alam ang gagawin ko noon, namatay si Blaire dahil sa 'kin. Iniwan ko kasi s'ya. Gusto kong isisi sa iba ang kasalanang ako naman talaga ang may gawa. Sorry."

"Naiintindihan ka namin. Sorry din dahil wala ako sa tabi mo nang mga panahong 'yon."

Lumapit sa 'min ang manager ko at ipinakilala ko si Elavel. Nagpunas muna ako ng luha, nakakahiya kasi naabutan n'yang nag-iiyakan kami ng kaibigan ko.

"Miss Febe, si Elavel nga pala. Kaibigan ko po. Elavel, si Miss Febe pala, manager ko," pakilala ko at agad kinamayan ni Miss Febe ang kaibigan ko.

"Nagkakilala na ba tayo before?" tanong ni Elavel sa manager ko.

"Hayaan mo, sanay na 'ko sa mga ganyang tanong. Ang muka ko kasi medyo generic, maraming kahawig," biro ng manager ko. "Pupunta na kami sa hotel, if you want you can come and join Simile."

"Not the right time. May naghihintay kasi sa 'kin. May papakainin pa kasi akong malaking bata. Hindi kakain yun nang wala ako," biro ni Elavel at kilala ko na kung sino yun.

***

Habang nasa byahe kami papuntang hotel, pinag-iisipan ko kung pupunta ba ako kina ate Eunjean at kuya Lavi. Ano naman ang gagawin ko doon? Parang ang awkward lang.

"Bukas pa naman ng hapon ang interview mo. It's up to you if you'll take a rest or have fun."

Nag-slouch lang ako sa kinauupuan ko dito sa van.

Our Fancy Romance | #Wattys2020Where stories live. Discover now