60 - Would You Choose Me Now?

123 7 12
                                    

May pinuntahan kaming event ni Miss Febe at ang nakakaloka, special guest ako.  Pambihira!  Ang daming camera na nakatutok sa 'kin ngayon.  Pwede ko bang i-request na i-blurred nila ang pes ko?

May bagong bukas kasi na sports house sa Manila.  May court ng kung ano-anong sports at may swimming pool.  Sa kabilang building naman halos karamihan ng water sports meron sila.  Amazing!

Habang busy ako ngumiti sa harap ng camera may nakita ang mata ko na naglulumiwanag sa nilalang mula sa malayo, nakangiti sa 'kin.

Bakit nandito s'ya?

Gusto ko na nga s'yang iwasan eh!  Nagkakasala na 'ko nang dahil sa kanya oh!  Pasabi-sabi pa ako na last ko na yun noong lunch tapos ngayon kakaway-kaway s'ya.

Lumapit s'ya sa 'kin after ng pagpapa-cute ko sa harap ng camera.  Hindi pa talaga s'ya nakuntento na ngitian lang ako sa malayo, lumapit pa nga at nginitian ako ng malapitan.  Gusto n'ya bang mahulog ang puso ko sa lupa?

"Anong ginagawa mo dito?" awkward kong tanong.  I feel uneasy sa tabi n'ya.  Nahihirapan akong magtago.

"Resident Physician ako nang establishment na 'to," sagot n'ya.

"Kumusta ka nga pala? Magaling ka na ba?" tatlong araw din mula nang magkasakit s'ya.

Ang liit-liit naman ng mundo oh.  Gusto ko nang umuwi sa Amerika para hindi ko na s'ya makita, atleast alam kong buhay s'ya at may normal na buhay.

"Tara, libutin natin 'to.  First time ko lang dito eh," pag-aaya n'ya.

"Ah eh.  Kailangan ata ako ni Miss Febe.  Hahanapin ko muna s'ya," pagdadahilan ko.  Sabi ko sa sarili ko iiwasan ko na s'ya, kaya tukso layuan mo ako!

Inikot namin ang lugar na 'to at oo, magkasama kami.
Ang hirap n'yang tanggihan, may hatak na kasama, 'kala mo batang-paslit na nawawalan ng ina.  Mahina ang puso ko sa mga ganun eh.  Pambihira naman.

Medyo nagtagal kami sa pag-ikot sa may olympic size na pool.  Ang daming kabataan na tini-train dito. 

Naglakad-lakad kami sa paligid ng pool nang may ilang kabataang lalake na nagtatakbuhan, mukang nag uunahan sa shower pero sa kamalas-malasan nasanggi nila ako at tumilapon ako sa pool, sa malalim na pool, sa olympic size na pool!

Pinapakalma ko ang sarili ko habang inaalala kung pa'no nga makakasurvive dito pero may tumalon para iligtas ako.

Inalalayan n'ya ako nang makarating kami sa pang-pang, char! sa gilid pala ng pool. 

"Nag-panic ka ba?" Worried na worried n'yang tanong sa 'kin.

Bakit n'ya tinatanong kung nag-panic ba ako? Bigla ko rin naalala yung pag-uusap namin dati tungkol sa palagi kong pagtakbo papasok ng klase.  Pati yung sing-sing, bakit nakasabit 'yon sa kotse n'ya?  Bakit hindi na lang n'ya tinago o itinapon nang mas maaga?

Umiling lang ako at tumayo.

"May extra akong damit sa quarters namin," natataranta n'yang sabi.

Nakasimangot lang ako na nakaupo habang naghihintay sa paglabas n'ya mula sa quarters nila.

Pagdating n'ya umupo s'ya sa tapat ko at takang-taka nang makita ako.  Nakatitig lang ako sa mga mata n'ya, bakit hindi ko agad nahalata? Yung mga mata na dating tumitingin sa 'kin, tulad pa rin naman noon.

"Bakit ka umiiyak?" pagtataka n'ya na halatang naguguluhan.

Nagpipigil ako.  Nagtitimpi.  Hindi ko alam kung magsasalita ba ako o mananahimik na lang.

"B-Bakit nagsisinungaling ka?" pranka kong tanong sa kanya.

Tinitigan n'ya ako at nagawa ko lang ay titigan din s'ya.  Ayaw kong galawin ang damit na bigay n'ya at pinipilit n'yang magpalit na ako. 

Our Fancy Romance | #Wattys2020Where stories live. Discover now