66 - One Drunken Night

140 8 13
                                    

Hindi ako mapakali nang mawala sa paningin ko si Simile.  Bigla na lang s'yang nawala na parang kabote— sabagay, talent n'ya 'yon eh yung bigla na lang mawawala.

Sinalubong ako ni Irish na nakasimangot, "ano na?  Wala pa ring progress ang operation 'bawiin ang dating pag-ibig'? I'm so disappointed with you, Doc.  Bakit ang weak mo?" aburido n'yang sabi na halos ikabusangot ng muka n'ya.

Natawa ako tapos kinurot ko ang pisngi n'ya, "pahinga ka na ah.  Maglalakad-lakad lang ako," paalam ko.

Ipinagtanong-tanong ko kung nasaan si Simile, gusto ko kasing malaman kung nasa kwarto na ba s'ya o kung nasaan na naman.  Gusto ko lang makasiguradong safe na s'yang natutulog.

Kaso iba ang nakasalubong ko, si Devo. Hindi ko sana s'ya papansinin kaso halatang gusto n'ya akong makausap. 

"Mabuti naman at marunong kang sumuko," pang-aasar n'ya.

Hindi muna ako sumagot kasi baka imbes na matino masagot ko kamao ko ang kumausap sa kanya.

"Hindi pa 'ko sumusuko," sagot ko na may pagtitimpi.

Ngumisi lang s'ya at bago n'ya ako layasan ay tinapik n'ya ang balikat ko, "natutuwa akong marinig yan."

Anong problema n'on?  Hindi ko maintindihan pinagsasabi n'ya.

"Blaire!" halos tumalon ang puso ko nang sumulpot si Elavel at hinatak na lang ako bigla. Hindi na nga ako nakapalag lalo na nang makita ko na magkasama sina Errol at Simile.  Teka umiinom ba sila?  Kaya pala amoy alak 'tong si Elavel.  Kanina pa siguro sila nag-iinuman.

Para akong nakakakita ng manginginom sa kanto.  Ang lakas n'yang uminom tapos tawa nang tawa.  Mapungay na mata tsaka rosy cheeks na rin.  Si Errol naman ang daming sinasabi na hindi ko maintindihan.  Si Elavel naman kinukulit akong uminom.

"Sige na.  Onte lang promise," pamimilit n'ya.

"Ako na!  Ako na iinom!"

Parang zombie na inagaw sa 'kin ni Simile ang inumin ko.  Ang lakas n'ya uminom.  Ilang bote na nauubos nila.  Teka, isa, dalawa! Lima! Sa maikling oras na 'yon nakalima na sila?

"Ayoko na.  Magbabanyo lang ako," paalam ni Errol na pagewang-gewang na ang lakad kaya ayun inalalayan s'ya ng asawa n'ya.

Kapag nakikita ko sila naaalala ko lang mga drama nila noong mga bata pa kami tapos sila rin pala magkakatuluyan.

"Oy ikaw ba bahala sa kaibigan namin," pahabol ni Elavel.

"'Wag n'yo akong ibilin sa kanya!  Kaya ko sarili ko!" masungit na sabat ni Simile habang salubong ang kilay at tumatagay pa.

Hindi ko muna s'ya inawat sa pag-inom at pinapanood ko lang s'ya.

"Tatawagan ko na ba ang boyfriend mo?" akto na sana akong tatayo pero tumawa lang s'ya.

"Boyfriend?  Tsk!"

Kaya siguro umiinom 'to kasi magkaaway sila?  Nagpapakalasing s'ya kasi masama loob n'ya. Hindi kaya magkaaway sila?

"Iwan mo na 'ko!  Doon ka na sa girlfriend mo! Asikasuhin mo s'ya!" pananaboy n'ya sa 'kin na pasigaw.

Tumayo ako para sana alalayan s'ya kaso bigla s'yang tumungo sa mesa at humagulgol ng iyak.

"Tama yan, Blaire Caryle!  Lagi ka naman ganyan eh!  Lagi namang iba ang inuuna mo! Puntahan mo na si Calmae! Si Karina! Si Irish! Sino ba 'ko!" pagwawalwal n'ya. 

Wala na ata s'ya sa sarili at kung ano-ano na ang pinagsasabi.

Napakamot ako sa ulo. Ano bang problema nito?  Bakit sa 'kin s'ya nagagalit?  Tinataboy n'ya ako tapos ako na naman ang may kasalanan.

Our Fancy Romance | #Wattys2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon