16 - Revenge

929 30 8
                                    


"Oy. Bakit may pagdadabog d'yan sa kwarto mo?"

Hindi ko na sana aabalahin kasi bala pagod kaya may toyo kaso nakakaasar mga pagdadabog n'ya sa loob ng kwarto. Pakiramdam ko tuloy ako ang dinadabugan.

Nagulat ako nang pagbuksan n'ya ako. Ang seryoso kasi ng muka.

"Ano nga pala 'yong sasabihin mo?" tanong ko na nakangiti. Baka sakali magbago ang mood kapag ginamitan ko na nang charm ko. Naks. Charm pa nga.

Kaso bigla akong nagsisi nang hawakan n'ya ang kamay ko at inilapit niya ako sa kanya. Ang lapit-lapit n'ya.

























"Amoy chocolate ka."

Ano! Inaamoy n'ya lang ang hininga ko? Sinasabi ko na nga nagseselos sya sa'kin eh. Gusto n'ya ata s'ya lang ang binibigyan ni Davenant ng chocolate eh.

Akala ko naman— ay! Bakit ko iniisip yun? Bakit n'ya naman gagawin yun? Maghunos-dili ka!

"Nagseselos ka ba?" tanong ko tapos nanlaki mata n'ya. Natumbok ko ata.

"Ako nagseselos? What makes you think that I'm jealous?" ayun, halatang-halata na, defensive eh.

"E bakit ka nagagalit? Ayaw mo na rin sabihin yung sasabihin mo? Nagseselos ka nga!"

"Oo na. Nagseselos na nga ako if that's the term for it," halos nanggagalaiti n'yang sabi.

"EDI SANA SINABI MO! EDI HINDI KO SANA NAUBOS YUNG CHOCOLATE, 'WAG KA SA'KIN MAGALIT KUNG WALA KANG CHOCOLATE KAY DAVENANT TSAKA 'WAG MO KONG PAGSELOSAN, HINDI KO AAGAWIN SA'YO SI DAVENANT. SAYONG-SAYO NA SYA."

"Ano!" nakakunot pa ang noo sabay iling-iling. "Ibang level yang ka-tangahan mo. Improving."

"Hoy! Ang bibig mo! Makasabi ka ng tanga ah! Bawiin mo yun!" habol ko sa kanya kaso nilayasan na 'ko at sinarahan ng pinto. Napakasalbaje talaga! Ang sama ng bibig! Ang sama ng budhi!

***

Saturday Morning..

On the way na ako papunta sa mall para bumili sa bookstore ng ilang gamit. Tsaka para makasilip na rin sa booksale. Sana may bago silang Manga comics na hindi ko pa nababasa. Tapos bibili rin ako ng maraming-maraming pagkain para sa oras ng pangangailangan hindi ako magugutom.

"Simile," napalingon ako nang may tumawag sa pangalan ko.

"Sa'n lakad mo?" tanong ko kay Davenant. Posturang-postura eh.

"Magkikita kami ng manager ko. Papagalitan ata ako," nakangiti n'yang sabi. Parang ewan. Papagalitan daw pero nakangiti s'ya.

"Well, goodluck."

Iiwan ko na sana kaso sinundan pa rin ako.

"Ang cold mo naman. Hindi tayo pwedeng sabay maglakad?"

Sabay kaming naglakad dahil same way lang naman ang dadaan namin at no choice na naman din ako, makakasabay at makakasabay ko rin s'ya kahit ayaw ko.

Habang naglalakad kami may biglang sumalubong sa'min ni Davenant, may hawak s'yang kamera. Lagot, mukang reporter.

Wrong timing naman!

Kamalas-malasan. Kumuha s'ya nang picture naming dalawa nang harapan. Hindi ba 'to marunong kumuha ng patago? Aa harap talaga namin? Anong problema n'ya!

Inawat s'ya ni Davenant pero makulit talaga eh. Basher siguro 'to kaya desperado makahanap ng negative or ikakasira ng pangalan ng ibang tao.

"Please, stop what you're doing," pakiusap ni Davenant habang ako kanina ko pa gustong lapitan ang lalakeng kuha nang kuha ng picture sa 'min at wasakin ang camera n'ya. Malapit na akong mapikon.

Our Fancy Romance | #Wattys2020Where stories live. Discover now