30 - Lost and Found

543 15 8
                                    

Nang magbell na tumayo ako agad at kinuha ang bag. Hindi ako pwedeng magpahuli.

"O pupuntahan mo na si Blaire para makapag-usap na kayo?" tanong ni Chararat. Yung iba naming classmate isa-isa na ring naglalabasan.

"Hindi. Saka na sya. Gutom na ako, kain muna tayo sa canteen," determinado kong sagot kaya nag-iba ang expression nya. Tummy first noh. Nang hagilapin ko si Errol aba walastik, naunahan pa akong lumabas, tindi ata gutom, intindihin na nga lang.

Bago pa man kami makalabas ng room may dumating na tatlong lalake ay yung isa sa kanila ay sumipa ng teacher's table. Sino ba 'tong mga sigang 'to? Taga-anong section kaya sila?

"Tara na, Elavel! Gugulpihin pa kita!" umurong ang gutom ko nang marinig ang pangalan ng kaibigan ko. Mukang mapapaaway pa si Elavel ngayon.

Hinagilap agad ng mata ko si Elavel pero parang wala syang pakielam na nakaupo sa desk nya. Ano nanamang pinasukan mong gulo babaita ka!

Lumapit yung lalake, nakablue syang ID lace kaya nalaman kong senior din syang tulad namin. Pambihira naman oh! Tanghaling-tanghali gulo agad?

Dahil nasa gitna na ako dahil pa-exit na ako sana kanina para pumunta sa canteen, makakasalubong ko tuloy 'tong si kuyang siga na papalapit kay Elavel, ang dami nya ngang pasa sa muka at putok pa ang labi nya. Yung totoo? Sya ba ang mangugulpi o sya yung ginulpi? Hindi nya nga man lang ako inintindi dahil halos mabunggo nya ako, halos matanggal nga ang balikat ko nang tamaan nya yun, ni hindi man lang magsorry.

"Hoy! Wala ka bang manners? Hindi mo alam kung pa'no magsorry?" kalmado kong tanong kasi style yun ni Elavel, ginaya ko lang dahil nagbabakasakaling makasindak ako, kaso nagkamali ako. Lalo ko lang napainit ang ulo nya. Bumalik sya sa kinatatayuan ko at hinawakan nya ng baba ko at inilapit ang muka nya para tingnan ako nang malapitan.

"Ang tapang mo. Hindi mo ba 'ko kilala?" pasinghal nyang tanong. Medyo kabado na ako at puno na ng regrets, sana pala dumiretso na ako sa canteen para kumakain na sana ako ngayon, pero hindi! Kailangan ako ni Elavel! Sina Daillie naman at Rhea alam ko na ang iniisip, nangielam nanaman ako kaya napasok nanaman ako sa gulo.

"Dapat ba kilala ka nya?" narinig ko ang boses ni Caryle na naka-upo pa pala at nag-aayos pa pala ng gamit.

Patulak nyang binitiwan ang baba ko at napatingin sya kay Caryle. Yari. Baka mapaaway sya.

"Teka! Kilala kita ah!" imbes na galit ang makita sa ekspresyon ng muka ni kuyang siga ay mukang nag-iisip ito kung sino yung bumara sa kanya. Don't tell me admirer din sya ni Caryle? Wow ah? Peymus lang?

Gusto ko sana makinig pa sa kanilang dalawa kaso kinaladkad na ako ni Elavel palabas ng room at sumunod naman sina Daillie at Rhea. Hala! Baka kung anong mangyari kay Caryle dun e hindi pa man din sanay sa basag-ulo yun.

"Bakit natin sila iniwan? Baka mabugbog si ano, si~" anobeyen kainis baka isipin nila worried ako masyado dun, pero sa totoo lang, concern lang ako bilang classmate, ganun lang, walang labis, walang kulang, ganun.

***

Inabangan ko si Caryle na lumabas ng room para makausap pero may kutob akong alam nyang hina-hunting ko sya ngayon kaya lalong nagtagal sa loob ng room. Sya na lang ata ang nasa loob kaya imbes na hintayin ko sya pumasok na 'ko sa loob at nilapitan sya na naka-upo at tulala lang sa bintana.

Napansin nya ako pero binalin nya ulit ang atensyon nya sa bintana, sa itsura nya muka syang may malalim na iniisip.

"Hindi ka pa ba nya sinabihan na wag mo na 'kong lalapitan?" tipid nyang sabi na hindi man lang ako tinitingnan.

"Si Errol? Kababata ko lang sya, gawa-gawa nya lang yung mga pinagsasabi nya kanina."
"Nagpaliwanag pa," suplado nyang bara sa'kin kaya medyo napipikon na ako. Hindi nya man lang na-appreciate na mas inuna ko sya ngayon kesa sa hapunan ko. Ni hindi man lang ako tingnan at kausapin ng matino.

Our Fancy Romance | #Wattys2020Where stories live. Discover now