20 - The Letter

874 22 7
                                    

"Si Dave may sinabi s'ya sa 'kin."
Kumunot ang noo ko. Ano na namang kinalaman ni Davenant dito?
"Humingi s'ya ng favor—"

Tumayo ako dahil wala na ako sa mood makinig, "kung ano man yang hiningi sa 'yong pabor ni Davenant bahala kayo."  Binitbit ko yung bagahe kong panay pagkain at palabas na nang fire exit pero bigla n'yang hinawakan ang braso ko at ipinihit n'ya 'ko paharap sa kanya. Hinihintay ko ang sasabihin n'ya kung meron man, kung ano man yun gusto ko yun marinig.

May biglang tumawag. Dinukot ko sa bulsa ang cellphone ko at inagaw n'ya yun.

"Kaya pala wala ka nang pakielam,noh?"  Inihagis n'ya ang cellphone, lakas maka-abnormal nang taong 'to! Pa'no kung masira ang phone ko!

Pagtingin ko sa screen, si Davenant ang tumatawag.

Habang pinag-iisipan ko pa kung papatayin ko ba yung cellphone ko o hihintayin ko na lang na matapos ang tawag para isipin n'yang tulog na 'ko, pinagtulakan ako ni Caryle palabas nang fire exit sabay padabog na inilock ang pinto. Ang abnormal talaga!

"May pa-lock-lock ka pang nalalaman! May susi ako!"

***

Sabog ang utak ko ngayong umaga, pa'no ba naman katabi ko kasi si Daillie na ubod nang likot matulog. Ilang beses akong na-kick out sa kama n'ya at nakatikim nang di mabilang na tadyak, yun na ang huling gabing pagsasamahan namin. Hindi na 'to mauulit.

Pero hindi lang naman dahil malikot si Daillie kagabi kaya hindi ako nakatulog nang ayos, iniisip ko kasi kung bakit bigla na naman akong pinansin ni Caryle.

Lakas maka-abnormal talaga nang taong yun.

Ilang linggo n'ya 'kong hindi pinapansin tapos malalaman kong sila na ulet ni Calmae and suddenly aawayin na naman n'ya 'ko. Hindi mo maintindihan ang power trip n'ya sa buhay.

And speaking of power trip. Natatanaw ko na si Niel na papasok sa room namin.

"Hey everyone, it's me. The one and only handsome in the city," sabay hagod pa ng buhok at kindat sa mga classmate kong babae pero ayun, inisnab lang s'ya. Inaasahan ko naman yun. S'ya lang yung hindi sanay.

"Ano? Handa ka nang manalo?" tanong sa'kin ni Niel.

"Malaki talaga ang kumpyansa mong ipapanalo ni Niel ang laban. Hindi ka ba nabibigla Simile? May ilang oras ka pa para magbago ang isip," asar ni Daillie kay Niel.

"Baka magulat ka kapag narinig mo ang napakaganda kong tinig. Hinay-hinay sa pakikinig, baka mainlove ka sa 'kin. Ayokong masira ang friendship natin, okay?"

Wala ako sa wisyo makinig sa pag-aasaran nila kasi abala ang lahat para sa music festival na magaganap mamayang gabi. F na F na nga ni Niel na contestant s'ya mamaya kasi suot na n'ya yung outfit n'ya para mamaya. Sana hindi ako nagkamali sa desisyon kong s'ya ang kumanta ng gawa ko.

Inihiga ko ang ulo ko sa desk nang may mapansin akong nakasiksik sa ilalim ng table ko. May papel. Kinuha ko yun at binuklat. Halos nanlamig ako sa takot nang basahin ko yun sa isip ko.

"Wag kang magkakamaling bangitin 'to sa iba. Pinapanood kita kaya malalaman ko kung magsusumbong ka. Magkita tayo sa lumang building sa likod, 8pm. Kapag hindi ka sumipot. Hindi na mo na talaga makikita si Daillie."

"Ano yan Simile? Anong sulat yan?" buti na lang naitago ko agad sa bulsa yung sulat ko.. "Ah ehh wala, wala 'to."

"May patago-tago pang nalalaman oh! Love letter ba yan? Kanino galing?" napatitig ako kay Daillie habang nakangiti s'ya, hindi naman sa nagpapaniwala ako sa kalokohang 'to pero pa'no nga kung totoo yun? Pa'no kung hindi ko na makita ang kaibigan kong 'to?

"Ah eh may gustong makipagkita sa'kin mamaya. Mukang magtatapat ng pag-ibig. Dang ganda ko talaga oh oh," pagtatakip ko.

Binalot ako ng takot. Mukang kilala ko na kung sino ang nagpadala sa 'kin nito.

Our Fancy Romance | #Wattys2020Where stories live. Discover now