44 - No More Fancytale

296 11 3
                                    

Simile

"Kating-kati na ang paa ko. Gustong-gusto ko nang tumakbo ulit," mukmok ko kasi sabi ng doktor matatagalan pa daw bago ulit ako makatakbo at makasali sa mga competition.

Nakaka-frustrate kaya yun!

"Kapag totally na magaling ka na makakatakbo ka ulit kaya don't bother yourself."

Nagpintig ang tenga ko sa sinabi ni Blaire. Ang dali lang kasi sabihin nun kasi hindi naman s'ya ang nasa kalagayan ko.

"Hindi mo kasi naiintindihan eh."

"Anong hindi ko naiintindihan?"

Hindi naman kasi s'ya nakikinig sa 'kin. Ang sabi ko tanggapin ang alok na sponsorship ni kuya Lavi ayaw naman. Puro pride pinapairal. Mapapakain ba s'ya ng pride na yun in future?

"Wala. Never mind. Umalis na nga lang tayo dito," iritable kong sagot dahil kahit anong paliwanag ko naman hindi s'ya nakikinig.

"Ang gusto mo bang sabihin eh hindi ko naiintindihan ang nararamdaman mo kasi ikaw alam mo kung ano ang gusto mo sa buhay samantalang ako hanggang ngayon hindi ko pa rin ma-pinpoint kung anong gusto ko? Yun ba?"

Nag-iinit talaga ang ulo ko kapag parang hinahamon n'ya ako ng away. Ganyan naman yan eh. Palibhasa hindi nagpapatalo. Lagi naman s'yang tama eh.

Sa inis ko pilit kong hinubad ang sing-sing na binigay n'ya at inihagis yun.

Namalayan ko na lang ang katangahan kong nagawa nang makita ko sa muka ni Blaire ang lungkot.

Ang tanga mo talaga, Simile! Nagpadala ka na naman sa galit.

Kaso nangyari na eh. Bahala na.

Umalis na lang ako at nagkulong sa kwarto pagbalik ko ng dorm.

Sa kakaiyak ko siguro nakatulog ako agad. Bakit ba lagi akong nagagalit kay Blaire? Bakit ko ba laging inaaway yung tao samantalang kapag kailangan ko s'ya lagi s'yang nasa tabi ko.

Naalimpungatan ako nang maramdamsn kong puno na naman ang pantog ko. Sisilipin ko sana sa phone ko kung anong oras na kaso dead battery na.

Paglabas ko ng bedroom at pagsilip ko sa wallclock sa sala namin ala-singko na pala ng umaga.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at napa-iling ako nang makita ko ang eyebags ko.

Napasampal tuloy ako sa muka. Puro kagagahan ang inaasta ko ngayon.

Napansin ko ang kamay ko. May kulang.

Yung sing-sing nga pala!

Dali-dali akong lumabas ng dorm at dumaan sa fire exit para makapunta sa oval.

Kahit anong pagmamadali ko hindi pa rin ako pwedeng tumakbo. Ang saklap naman nito.

Hindi ko pala pwedeng isisi sa sugat ko ang lahat kundi sa ugali ko pala.

Pagkarating ko sa oval para hanapin sana ang sing-sing, iba ang nadatnan ko.

Nakita ko si Blaire na nakahiga at natutulog. Ang lamig-lamig pa naman ngayon. Bakit dito s'ya natulog?

Naluluha ako habang nakatitig sa kanya pero inayos ko ang sarili ko para makita ko na ang sing-sing na itinapon ko.

Pero nahagip ng mata ko ang kamay n'ya. Nakasuot sa pinky finger n'ya ang sing-sing ko.

Kaya ba s'ya dito na nakatulog kasi hinanap n'ya ang sing-sing ko?

"Ang aga-aga umiiyak ka," boses n'ya. Nagising ko ata dahil sa kakaiyak ko. Bumangon s'ya at inayos ang buhok n'ya.

Our Fancy Romance | #Wattys2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon