6 - Pursue or Give Up?

1.1K 41 14
                                    

Bakit kami nagkatitigan nang ganito kalapit sa isa't isa!

Ipinatong n'ya ang dalawa n'yang daliri sa noo ko para ilayo ang muka ko sa kanya. Pambihira! Sa sobrang diin parang isang taon magmamarka 'yong daliri niya sa noo ko!

"Pwede ka bang umuwi sa dorm nang hindi amoy-pawis? Didikit sa mga gamit ko ang amoy mo! Ano bang ginawa mo sa labas! Nag-luksong baka ka ba kung saan?" sermon n'ya na diring-diri ang tingin sa 'kin at may pagtakip pa ng ilong.

Bumalik s'ya sa kwarto n'ya na hindi matapos ang kakareklamo. Inamoy ko ang sarili ko, oo nga. Ang baho ko na.

***

May swimming class kasi kami ngayon pero hindi naman sa hindi ako marunong lumangoy. Ayoko lang talaga magsuot ng swimsuit. Kumusta naman ang mga baby fats ko?

Pagpunta ko sa locker room, ako na lang pala ang nahuli. Lahat sila nakabihis na. Excited ata 'tong mga classmates kong ibalandra ang mga katawan nila.

Pagbukas ko ng assigned locker sa'kin..nyemas na yan. Yung swimsuit ko kulay PINK!!!!

"Dali Simile! Wait ka namin ha?" si Daillie yun na halatang excited.

"Marunong kang lumangoy?" tanong ko sa kanya.

"Hindi. Bagay lang sa'kin 'tong swimsuit kaya excited ako."

"Halata nga, sige na una na kayo."

Nang maiwan ako mag-isa dito may pumasok na girl. Ngayon ko lang sya nakita, classmate ko ba sya? Matangkad s'ya tsaka maputi. Chinita pero parang may mali sa kanya bukod sa mala-alambre n'yang buhok.

"Hi?" bati ko pero pagkakita n'ya sa'kin bigla syang tumili, nagulat ko ata. "Ngayon lang ata kita nakita. Classmate ka ba namin?"

"Ah eh, b-back subject ko lang 'to."

"Ako nga pala si Simile, ikaw?"

"A-Ako? Ako si Ligaya. Ligaya ang itawag mo sa'kin."

"Ligaya? Wow, classic. Sige na magpalit na tayo ng swimsuit baka ma-late pa tayo."

Natanggal ko na ang unang botones ng uniform ko pero bigla akong nagtaka kasi parang hinihintay nya kong maghubad.

"Sabay na tayo," sabi ko sabay hablot sa damit n'ya kaso may iba akong nakapa, wala s'yang dibdib. Hindi s'ya flat chested! WALA TALAGA SYANG DIBDIB!

"Lalake ka? Manyak ka! Gusto mo ba kong bosohan!" sigaw ko pero tinakpan n'ya ang bibig ko..

"Please don't make a scene. Napilitan lang akong gawin 'to."

Buti na lang sakto na dumating si ma'am na instructor namin sa swimming class.

"Bakit andito pa rin kayo?"

Sinikmuraan ko s'ya na hindi nahalata ni ma'am, "ma'am may dysmenorrhea po s'ya. Namumutla na po. Dadalhin ko lang po sa clinic."

Ang galing kong gumawa ng excuse diba? Nakaligtas na ko magsuot ng pink na swimsuit, mahahanap ko pa kung sinong may pakana nito.

"Salamat hindi mo 'ko sinumbong, pero ang sakit ng sikmura ko. "

"Dadagdagan ko pa yan kapag hindi mo 'ko dinala sa nag-utos sa'yo nito."

Buti na lang masunurin ang pervert na 'to at madali ko pang masindak. Dinala n'ya 'ko sa rooftop ng sophomore building.

Natatanaw ko na may dalawang lalake ang nakadungaw sa baba, mukang sila yung kasabwat ni Mr. Pervert.

"Andito na ko," -Mr. Pervert.

"Tapos mo na ba yung—" paglingon nila napasigaw ako habang naduro sa muka n'ya ang daliri ko, hindi naman ako nagtataka kung bakit n'ya gagawin 'to pero bakit kasama rin yung isang kakilala ko?

Our Fancy Romance | #Wattys2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon