This Strange Feeling

294 13 4
                                    

Elavel

"Hoy! Bumaba ka nga dyan!" napalingon ako sa baba nang may humawak sa paa ko mula dito sa inakyat kong bakod. Balak ko kasing mag over the bakod. Magsisimula na yung karerang sinalihan ko. Sayang naman kung hindi ko maaabutan. Baon ko ng buong buwan ang pinangpusta ko. Epal naman 'tong promdi na 'to oh!

"Itikom mo nga yang bibig mo, Errol! Kapag nahuli talaga ako makakatikim ka!" banta ko pero ayaw pa rin niyang bitiwan ang paa ko. Hindi pa nakuntento, hinatak pa ako ng loko. Na-out balance tuloy ako at nahulog.

Nahulog ako at sinalo ako ni Errol.

Dito ata nagsimula ang lahat.

Lagi n'ya akong ginugulo. Inuusisa n'ya ang magulo kong buhay at mga bisyo ko. Natatakot tuloy ako sa kanya. Natakot ako na baka malaman n'ya ang sikreto ko at lumayo lang s'ya.

Lumipas ang mga araw at lagi n'ya akong tinatawagan at madalas kaming mag-away. Mabait s'yang kaibigan. Sabi nga ni Simile inborn na s'yang ganyan, concern sa mga kaibigan. Bigla akong nainis.

Kaibigan lang pala.

Napansin ko rin ang closeness nila ni Daillie. Kinumpirma ko kung nililigawan n'ya ang kaibigan ko pero ilang beses n'yang itinanggi kaya naniwala na ako. Kung nagkataon na nililigawan n'ya nga si Daillie, ako na ang magpipigil. Magpipigil dito sa wirdong nararamdaman ko.

"Guys. May sasabihin pala ako sa inyo," hindi ko pinansin ang sinabi ni Daillie. Muka syang excited na masaya. May kakaiba sa ngiti n'ya.

Magkakasama kasi kaming tropa dito sa canteen habang kumakain ng meriendang libre n'ya. Noong una nagtaka ako kasi hindi s'ya si Daillie kung manlilibre s'ya pero siguro nagbabago naman ang tao kaya hinayaan ko na.

Kasama rin namin sina Simile at Blaire pati rin si Errol na mukang balisa. Magkatapat sila ng upuan ni Daillie. Ako naman andito sa dulo na parang ako ang padre de pamilya ng tropa.

Seryoso naman ang muka ni Simile habang naghihintay ng sasabihin ni Daillie. Bakit lahat mukang aligaga? Si Rhea lang ang kalmado ang itsura.

Tiningnan ko ulit si Errol. Hindi ko mahuli ang mata n'ya dahil nakatingin lang s'ya pababa. Parang iniiwasan n'ya lahat ng mata lalo na ang mata ko.

Minsan nga nahuli kami ni Simile. Iba daw ang tinginan namin ni Errol. Para daw may something. Deep inside natanong ko nga sa sarili ko, may something nga ba kami? Tinatawagan n'ya ako tuwing gabi at tulad nga ng napansin ni Simile may something ang tinginan namin pero napabuntong-hininga na lang ako dahil alam ko naman ang sagot sa kabila ng lahat.

Dumating kami sa puntong nagkahulihan kaming dalawa. Nahuli namin ang nararamdaman ng isa't isa. Umamin s'ya na gusto n'ya ako, syempre dahil nakuha ko na ang gusto kong sagot noon hindi ako umamin pero obvious naman sa 'kin na gusto ko rin s'ya.

"Ang weird n'yong lahat. Ano ba kasing sasabihin mo, Daillie?" wala kong ganang tanong habang nakatitig lang sa platong nasa harap ko.

Natigilan ako sa pagnguya ng kinakain ko nang marinig ko ang mga sinabi ni Daillie.

"Si Errol, tsaka ako, kami na."

Parang nanghina ang tuhod ko sa narinig kong 'yon. Tama ba ako ng dinig?
Tiningnan ko agad si Errol pero hindi s'ya makatingin sa 'min.

Bakit ganun? Anong nangyayari? Parang noong isang araw lang umamin s'ya na gusto n'ya ako tapos ngayon ibabalita ni Daillie na sila nang dalawa?

Ang gulo. Ang labo.

No comment si Blaire.
Ang daldal ni Simile.
Tahimik si Errol.
Sabog ako.
Tumingin sa 'kin si Rhea at hinawakan nang mahigpit ang kamay ko. Wala naman s'yang alam sa mga pinagdadaanan ko ngayon pero pakiramdam ko kinu-comfort n'ya ako.

Niloko ba ako ni Errol?

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko kaya imbes na pumasok ako sa afternoon class namin, nagcutting na lang ako. Parang kailangan ko ng ibang mapagbabalingan ng atensyon.

Nakabalik siguro ako sa dorm bandang hating gabi na. Ingat na ingat na hindi mahuli ng gwardya. Kaso may iba palang huhuli sa 'kin.

"Saan ka nagpunta?"

Ang boses na yun, ang boses na nagpaalala sa 'kin na may pinagdadaanan pala ako kanina.

Tiningnan ko lang s'ya saka tumalikod at umalis na parang hindi ako interisadong makita s'ya.

Sinundan n'ya pa rin ako kahit hindi ko s'ya pinapansin hanggang sa pigilan n'ya ako sa paglalakad.

"Ano bang problema mo?" pagalit kong tanong.

"Yung kanina. Mali yun eh."

Masama ang tingin ko kay Errol. Gusto ko s'yang sikmuraan ngayon dahil sa inis ko sa kanya pero siguro maya-maya na lang. Gusto ko pang marinig ang mga sasabihin n'ya.

"Pa'nong mali? Pinaglalaruan mo ba ang kaibigan ko? Pinaglalaruan mo ba kaming dalawa?"

"Hindi. Hindi ganun yun. Hindi kasi-"

"Wala akong oras para makinig sa mga wala mong kwentang sasabihin. Hayaan mo, hindi makakarating kay Daillie 'to. 'Wag mong lolokohin ang kaibigan ko kung ayaw mong mamaga yang nguso mo," banta ko sa kanya na halos ikataas ng boses ko.

Binitiwan n'ya ang kamay ko. Dapat hindi ako nasasaktan pero ang sakit. Bakit ganito? Bakit gusto kong ipaglaban n'ya ako ngayon? Diba kung totoong gusto n'ya ako kahit sila na talaga ni Daillie iiwan n'ya yun para sa 'kin? Kaso hindi eh. Binitiwan n'ya ako. Hahayaang umalis mag-isa.

Baliw ka Elavel.

Ano bang iniisip mo?

Na ikaw ang pipiliin ni Errol?

Sasaktan mo si Daillie?

"Sabihin mo lang na iwan ko si Daillie, gagawin ko."

Tumawa ako ng malakas. Matagal at alam kong ikinaiinis na n'ya.

"Sorry for the laugh. Ano nga ulet ang sabi mo? Pwede pakiulet?" pinahid ko pa ang luha sa gilid ng mata ko dahil sa kakatawa. Kahit pala pekeng tawa nakakaluha noh? Hahaha! Sinong niloko ko? Normal lang na naluluha kapag nasasaktan.

"Aayusin ko muna lahat," sabi pa n'ya.

"Oo. Ayusin mo! Ayusin mo buhay mo at 'wag mong saktan ang kaibigan ko. Out na 'ko sa problema n'yo. Bahala na kayong dalawa d'yan."

"Elavel," masuyo n'yang pagtawag sa pangalan ko, "ikaw ang gusto ko."

Tumawa lang ulit ako at umalis sa harap n'ya. Naghanap ako ng matataguan kung saan malaya akong magpakatotoo. Parang kulang ang buong gabi para mailabas ko 'to.

Ang sakit ah. Ang bigat sa dibdib. Ang bigat-bigat.

Namalayan ko na lang ang sarili ko sa school chapel. Dito ako dinala ng mga paa ko. Tinalukuran ko na S'ya noon pero heto ako at umiiyak sa kanya ngayon.

"Kaya mo yan," napalingon ako at nakita ko si Rhea na nakaupo na sa tabi. Ni hindi ko namalayan ang pagdating n'ya. Pinahid ko agad ang luha ko para sana maitago ko pa pero huli na.

"Bakit nandito ka?" tanong ko.

"Paalis na rin ako. Kung ano man yang pinagdadaanan mo, Elavel, isipin mo na lang na hinahanda ka lang n'yan para sa mas mabibigat pang pagsubok. Kung papatalo ka dyan pa'no na yung parating pang mas mabibigat?"

"Haha wala 'to. Sige na okay lang talaga ako. Si Elavel ako diba?" pagyayabang ko pa pero ang totoo hindi ko alam kung pa'no ko malalagpasan 'tong pinasok kong gulo.

Gusto ko ang lalakeng gusto rin ng kaibigan ko?

"Normal lang na umiiyak ka. 'Yan ang normal na response ng tao kapag nasasaktan kaya 'wag kang mahiyang umiyak. Ilabas mo lang yan."

Ginulo-gulo ko ang buhok ni Rhea dahil sa mga pinagsasabi n'ya. Nawiwirduhan talaga ako kapag kausap ko 'to. Para kasing ang tanda na n'ya kung magsalita.

"Gabi na. Balik ka na sa dorm. Okay lang ako dito," muli kong pananaboy. "Wag kang magsalita na parang matanda, kinikilabutan ako."

Lumayo si Rhea para itigil ko ang pangugulo sa buhok n'ya. Lalo tuloy naging wirdo ang tingin ko sa batang yon. Nakatingin lang s'ya sa 'kin na may kakaibang ngiti. Tumatayo ang balahibo ko.

"Kung alam mo lang Elavel. Kung alam mo lang."

Our Fancy Romance | #Wattys2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon