Love Conquers All

179 8 12
                                    

Binibisita n'ya ako oras-oras pero hindi ko s'ya pinapansin kapag tungkol sa amin ang gusto n'yang pag-usapan, sumasagot lang ako kapag tungkol sa operation ko. Bukas ng hapon gagawin ang paglalagay ng bakal sa lumbar spine ko. Matagal ang recovery pero aasa ako sa sinabi n'yang kahit matagalan makakatakbo pa ulit ako.

Ni hindi ko s'ya matingnan sa mata dahil sa pagtatalo namin.

Tinawagan ako ng manager ko at malungkot kong ibinalita ang nangyari. Tapos na ang career kong pinaghirapan naming igapang noon. Naluluha pa rin ako pero siguro hanggang dito na lang, baka dapat ipagpasalamat ko na lang na matagal na panahon akong nakatakbo at may bonus pang gold metal.

Tinawagan ko din sina mama at pinalakas nila ang loob ko, kailangan ko ngayon ng mga taong magsasabi sa 'kin na 'wag matakot, natatakot kasi ako ngayon, punong-puno ako ng takot.

"Kumain ka muna," pag-aaya ni Blaire pero hindi ko pa rin s'ya tinitingnan.

"Iwan mo na lang please," sagot ko bago ko tinaklob ang kumot sa buo kong katawan at muka.

Ilang oras pa ang lumipas at hindi na s'ya bumalik para mangulit pero dumating si Doc Elmer na sobrang bubbly na naman. S'ya daw ang mag-aassist kay Blaire sa operation ko.

"Kumusta naman ang pakiramdam mo ngayon?" tanong n'ya.

"Kinakabahan ako, Doc."

"'Wag kang kabahan, si Doc Blaire ang hahawak sa 'yo eh. S'ya pinakasikat ditong orthropedic at ako naman ang pinakasikat na assistant n'ya," pagpapatawa ni Doc Elmer. "seriously, kahit kaibigan ko 'yon hindi ko 'to iyayabang sa 'yo kung hindi totoo. S'ya ang pinipilahang orthro dito. Ang baba pa maningil ng professional fee, minsan TY na lang kapag walang-wala pasyente n'ya."

Hindi ko alam kung pinapunta s'ya ni Blaire para ma-build up s'ya sa 'kin eh, pero sa mga naririnig ko natutuwa akong ginamit n'ya sa mabuti ang pangalawang buhay n'ya matapos ang aksidente.

"Matulog ka ng mahimbing para maganda ang kondisyon mo bukas ah. Oh pa'no, ipag-pray mo ang operation mo bukas ah. See yah," paalam ni Doc Elmer.

Tama, ipagppray ko 'tong nangyayari sa 'kin at 'tong bigat ng puso ko. Wala akong ibang malalapitan kundi S'ya.

Pag-alis ni Doc saka ko naman napansin na tumatawag pala ang papa ko.

"Pa?"

"Kumusta ka naman ngayon?" napangiti ako kasi wala pa ilang oras nang tumawag sila kanina.

"Okay lang po ako. Andito naman po si Nemic para alalayan ako," biro ko pa para hindi na sila lalo pang mag-alala.

"May asawa na s'ya, 'wag mo nang abalahin masyado. Nakakahiya kay Elavel. Kailan ka ba kasi mag-aasawa para may mag-aalaga na sa 'yo kapag wala kami."

Hindi ako nakasagot kay papa kasi kahit ako hindi ko naman alam ang sagot.

"Si Blaire daw ang tumulong sa 'yo," tanong ni papa.

"Opo," tipid kong sagot.

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni papa.  Para saan kaya 'yon?

"Sorry hija kung inilayo kita sa kanya, masyado pa kasi kayong bata noon at ayokong masira ninyo pareho ang isa't isa."

"Matagal na po 'yon, Pa."

Hanggang ngayon ata iniisip pa rin 'yon ni papa.  Masyadong naging masalimuot ang resulta ng pag-alis ko noon sa Pinas.  Ang daming nangyari na ngayon ay inaani ko.  Hindi man nila aminin ramdam ko noon na may pagsisisi sila lalo na nang mabalitaan nga nilang namatay si Blaire.

"Hindi ko sinabi sa inyo 'to noon pero bago naging kayo ni Devo, nakita ko si Blaire sa tapat ng apartment natin sa California."

Nanlaki ang mata ko sa sinasabi ngayon ni papa, para ngang bumibilis ang bawat pintig ng puso ko.

Our Fancy Romance | #Wattys2020Where stories live. Discover now