38 - Misunderstanding

481 15 4
                                    

Bitbit ko ang mga labahin ko para dalhin sa school laundry kung saan kanya-kanya ang mga estudyante sa paglalaba ng damit. Ginabi na 'ko kasi ito lang naman ang time na hindi gaano karami ang tao.

Sakto pagdating ko ako lang mag-isa pero sandali lang pala ang pagsasaya ko kasi may biglang dumating na marami ring bitbit na labahin.

"Whatta coincidence," banat na naman n'ya sa 'kin. Hindi ko alam kung ilang seconds 'kong hindi natanggal ang mata ko sa pagkakatitig sa kanya. Pa'no ba naman naka-sando lang s'ya at naka-snapback pa ng suot ng cap. Olala! May biceps na s'ya? Ah hindi baka taba lang na nagkaroon ng korte.

Isinalang na n'ya sa washing machine ang mga labahin n'ya at pagkatapos ay naupo na, naka-de quatro pa nga. Ang sexy. Olala! Anong mga pinag-iisip ko! Dapat sa utak ko isama sa labahin at ipaikot sa washing machine, ang dumi na kasi.

"Kudos," bati ko sa kanya at umupo na rin pero may distansya kami sa isa't isa.

"Kudos?" nagtataka n'yang tanong na halos ika-straight ng kilay n'ya.

"Kudos. Congratulations."

"Fow what?" natatawa n'yang tanong na kinaasar ko. Ayaw pa magpahuli e huling-huli naman. E bakit ba kasi ako nakikielam, hayaan ko na nga lang umamin.

"TH," napatingin tuloy ako sa kanya habang s'ya ay sabay iwas ng tingin at ngingiti-ngiti.

"Anong TH?" ako naman 'tong nagtanong. Ginantihan pa 'ko.

"Tamang hinala," tipid n'yang sagot kaya pakiramdam ko ayaw n'ya ngayon ng kausap, hindi na tuloy ako sumagot.

"Tinigil ko na ang pagtu-tutor kay Karina," nabigla ako nang s'ya ang nagsimulang magkwento, "alam mo ba kung bakit ako lumipat ng school noon?"

Umiling lang ako at naghintay ng susunod pa n'yang sasabihin.

"Ang mama ko, hindi sila kasal ng papa ko. Kasal s'ya sa ibang babae. Second family kami. Mahina ang loob ng mama ko kaya she end up an alcoholic at dinala ni Papa sa America for rehab para lang hindi malaman ng first family ang totoo. Ako naman pinadala dito. Tapos noong umuwi na si Mama, akala ko magiging kumpleto na kami pero hindi pala. Sinundo ako ni Papa dito at late ko na nalaman na ititigil na n'ya ang pagsuporta sa pag-aaral ko dahil maghihiwalay na sila ni Mama. Nag-aral ako sa public school pero may tumulong sa 'kin para makabalik dito at maging scholar."

Nakonsensya tuloy ako. Yung mga panahong akala ko nakalimutan na n'ya ako ay yung mga panahon palang ang dami n'yang pinagdadaanan.

"Minsan talaga hindi mo ma-gets ang mga plano ni Lord diba? Pero thank you kasi nagkwento ka sa 'kin. Na-appreciate kong pinagkatiwalaan mo 'ko."

Bigla s'yang natawa sa mga sinabi ko at tiningnan ako ng nakakalokong sulyap.

"Sa mga sinabi ko hindi ka man lang ba nabigla? Wala ka man lang reaksyon?"

"Hindi ako nabigla sa mga sinabi mo, ang nabigla ako ay yung bigla mong pagku-kwento."

"Nagbago ba tingin mo sa 'kin?"

"Nagbago? Yung dating Blaire na sobrang hambog na medyo pangbanas at etong kasama ko ngayon na Blaire na kaibigan ko na medyo pang-asar pa rin, iisa pa rin naman sila. Parehas na ikaw pa rin yun, may nagbago man."

Nagulat ako nang tumayo si Blaire at tumabi sa 'kin at pinisil ng todo ang magkabilang pisngi ko. Pang-asar talaga! Ang sakit-sakit kaya!

"Ayyy parang naiiyak ako ngayon. Pinatataba mo ang puso ko," lalo n'ya pang diniinan ang pagpisil sa pisngi ko kaya napapapikit na ako sa sakit at kahit anong palag ko ay hindi ko maalis ang muka ko sa mga kamay n'ya.

Our Fancy Romance | #Wattys2020Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora