21 - Voice of My Heart

899 29 9
                                    

Habang masayang-masaya ang lahat para sa music festival ako naman 'tong balisa at hindi mapalagay. Nasa back stage kami to support Niel.

"Tol okay ka lang? Mas muka kang kabado kaysa sa'kin. Ako kaya ang kakanta sa audience, hindi ikaw," puna sa'kin ni Niel, 6pm na kasi. Hindi ko alam kung ano yung sasabakan kong gulo.

"Nakita n'yo si Daillie?" tanong ko kay Rhea.

"Nagpaalam lang papuntang CR."

"Pero diba kanina pa yun?" pag-aalala ko.

"Mga twenty minutes ago."

Tumakbo ako agad para hanapin si Daillie, bigla akong kinabahan pero nakabunggo ko si Junjie, "S-Sorry."

"Para kang takot na takot."

"Ha eh hindi. Si-sige una na ko."

Pinasok ko agad ang CR. Inisa-isa ang mga cubicle pero wala eh, naloko na, baka kinuha na sya ng psycho na yun.

"DAILLIE! DAILLIE!" sigaw ko habang naluluha na. Nakarinig ako nang mga yabag, b-baka si Elavel na yun. Bakit ako biglang natakot sa kanya? Hinawakan n'ya ang balikat ko.

"O? Bakit gulat na gulat ka? Hinahanap mo daw ako sabi ni Rhea, nagkasalisi tayo kanina, chararat," bigla akong napayakap sa kanya at humagulgol nang iyak, "Hala girl, anyare? Bakit ka umiiyak? Hindi ka ba makawiwi mag-isa?"

Tumango ako habang humihikbi, natakot lang kasi ako na baka totohanin ni Elavel ang banta nya, "Sira."

"Ngek 'wag kang kabahan. Kahit mukang ewan si Niel muka namang keri n'ya yun."

Nakita kami ni Rhea at tinawag, ni-reserve n'ya kami ng upuan, "I'm so excited na marinig yung kinompose mo Simile, for sure pak na pak yun."

Habang nakatitig ako sa kaibigan ko bigla na ang akong kinalabit ni Rhea, "Dala mo ba ang cellphone mo? Baka kailanganin mo yan mamaya."

"Dala ko." Kakailanganin mamaya? Habang iniisip ko yung sinabi ni Rhea nag-start na yung music festival pero ako lutang ang isip ko. Ang pinakahihintay kong music festival ay masisira lang dahil sa psycho na yun.

Ipinakilala ang mga judges at tama nga, kasali si Caryle. Para nga s'yang may hinahanap sa audience tapos ewan ko kung nagkataon lang na pagkatingin n'ya banda sa pwesto namin tumigil s'ya sa paghahanap at tumalumbaba na sa mesa nila. Ang MC naman ay yung adviser ng 2A.

"Uy mukang may hinahanap si Papa Blaire. Sino kaya yun?" sabay siko sa'kin ni Daillie, ako naman patay-malisya, tsaka asa naman akong ako ang hahanapin nya e diba nga gustong-gusto n'ya na kong lumayas sa kwarto?

Unang sumalang si Junjie, ang galing. Ang dami tuloy kilig na kilig pero biglang huminto si Junjie sa pagpa-piano at tumayo. Ayun yun walk out? Ah mukang hindi. HALA. Nilapitan n'ya yung adviser nila at niyayang sumama pabalik sa piano at tumabi sa kanya habang tinutuloy ang pagkanta at pagpa-piano.

NAKAKAKILIG. PWEDE MAHIMATAY?

Sa next contestant naman natahimik lahat. Siguro pare-pareho naming sinisuguradong tamang mga tao ang nasa stage ngayon o malabo lang mga mata namin.

ANG PRESIDENT NG STUDENT COUNCIL NA SI HOYA AT ANG VICE NA SI LOQUI SUMASAYAW AT KUMAKANTA.

Ba't ang galing nila? Pa'no ako mananalo n'yan?

Hindi mo akalain na yung mga nerdy at tatahimik-tahimik lang e ubod pala nang astig sa stage. Synchorinze pa sila at ang ganda ng steps.

Nawala ang saya ko nang bigla kong naalala ang oras, ilang minuto na lang pala, "O san ka pupunta?"

Our Fancy Romance | #Wattys2020Where stories live. Discover now