2 - Day of Disaster

1.7K 64 76
                                    

Sa canteen ng dorm, swipe lang ng ID namin libre na ang dinner. Wapak diba? Ang kaso lang wala na kong makitang bakanteng upuan. Gutom na gutom na talaga ako kaya nakatatlong sandok ako ng kanin.

Natigilan ako nang makakita ako ng kakaibang nilalang na mukang magpapatibok ulit ng puso ko.

"Dito oh,"  alok n'ya.

Tagumpay! Kami talaga ang meant to be! Paglingon ko biglang tumunog ang soundtrack tapos nag-blurred ang paligid. Ang cute ni kuya, umupo ako agad sa tabi nya baka magbago pa isip eh. Hindi naman pala lahat dito masama ang ugali tulad ni Mr. Hambog.

"Thank you, kuya," sabi ko pero hindi n'ya ko pinansin kasi sa laman ng plato ko s'ya nakatingin.

"Hindi ka naman masyadong gutom n'yan?" pansinin ba daw ang laman ng plato ko? Tapos na s'yang kumain kaya mukang tatayo na pero kinuha n'ya yung tinidor n'ya at kumuha ng ulam ko saka umalis. Next time nga aagahan ko ang punta sa canteen.

Busog na busog ako nang bumalik sa dorm, tiba-tiba ang mga alaga ko. Pagbukas ko ng pintuan na-shocked ako, nagliliparan ang mga damit ko sa sala. Teka underwear ko ba yung hawak n'ya! 

"Kung gusto mong manghiram dapat magpaalam ka, 'wag mo ngang gawing confetti ang underwear ko!" nyemas araw-araw ko ba 'tong mararanasan?

"Hiramin? Sira-ulo ka ba! Bakit hindi ka sa fire exit dumaan?"

"Fire exit nga diba? Edi sana fire entrance ang tawag d'yan? Common sense?" pabalang kong sagot habang isa-isa kong pinupulot ang mga damit ko sa sahig.

"Wala kang galang ah senior mo 'ko pero kung makasagot ka kala mo mas matanda ka sa'kin."

"Panu kita re-respetuhin, ako ba ginalang mo?" Pumasok na 'ko agad sa kwarto, wala akong gana makipagtalo sa kanya, magbabasa na lang ako ng manga comics ko, anong volume ba ang natapos ko kagabi?

***

Pagdating sa room namin mukang bitin ako sa tulog. Anong oras ba ko nakatulog kagabi este kanina?

"Hoy Rhea, amin na nga yung Math notebook mo," naririnig ko mula sa likod ko.

"E-Eto oh Zindlou," teka, bully scene ba 'to? Bakit ba s'ya nagpapaapi sa Zindlou na 'to e pwede naman s'yang lumaban.

Paglingon ko, nakita ko si Rhea. Ang cute nya kahit medyo may kaliitan at wavvy ang mahaba nyang buhok.

"Oy Rhea, eto na yung notebook mo," inihagis nila yung notebook ni Rhea pabalik, kaso tumama sa ulo ko kaya tumayo ako at pinulot yung notebook sa sahig. Lumapit ako kay Zindlou na bruha.

"Anong sasabihin mo sa kanya?" tanong ko na parang naninindak pero tumawa lang sya. "Should I say, pakisole na lang sa kanya kasi humarang yang ulo?" asar nya pa. Akala nya ba natutuwa ako?

"Kinuha mo sa kanya to kaya isauli mo ng maayos, magthank you ka." Hindi naman ako tagapagtanggol ng naaapi, sadyang epal lang. Tsaka remember tumama sa ulo ko ang notebook na inihagis nya? Kaya damay na ko dito.

Tumayo si Zindlou bago padabog na inagaw sa kamay ko ang notebook ni Rhea.

"Sabi ng heroine mo isauli ko daw sa'yo to at sabihin kong THANK YOU RHEA FOR YOUR NOTES!" Padabog nyang ibinagsak ang notebook sa desk ni Rhea tapos nakangiti pang bumalik sa upuan nya. "Happy?" asar nya pa sa'kin.

Nagtimpi na lang ako dahil baka madala pa ko sa guidance office kapag pinatulan ko 'to, pag-upo ko tumingin ako kay Rhea. "Sorry ah. Mukang lalo kang napahamak dahil sa ka-epalan ko," paumanhin ko sa kanya pero nakangiti pa rin sya.

"Ako nga pala si Rhea, finally nagkita na rin tayo, Simile Rhyme."

Ano daw? Bakit finally?

"T-Teka kilala mo na 'ko?"

Our Fancy Romance | #Wattys2020Where stories live. Discover now