8 - F-L-A-M-E-S

1K 38 13
                                    

Pag-uwi naming tatlo sa Oxbridge nagpahuli ako sa kanila, hindi nila pwedeng malaman na magroommate kami ni Mr. Hambog.

Nakapasok na sila sa dorm, ako naman naupo muna sa gilid ng fountain. Muni-muni mode.

"Hoy," paglingon ko nakita ko si Mr. Hambog na nakabusangot..l

"Bakit na naman?"

"Mauna ka na sa loob dali dali.."

"Saglit saglit," s'ya talaga yung literal na paulit-ulit eh. Ano na namang problema n'ya!

"Inaasar mo na naman ba 'ko?"

Hindi ko na nga s'ya pinansin pero hinatak n'ya ang kamay ko. May kasamaan na naman ata 'tong balak sa'kin eh kaya gusto n'ya 'kong mauna. Akala n'ya siguro mahina ako at madali n'yang mahatak pwes mali s'ya.

Kaso sa paghatak n'ya bigla s'yang napabitiw sa pagkakakapit sa'kin. Tumalsik s'ya sa loob ng fountain! Oh my gulay! Yari ako! Ako na naman ang may kasalanan! Ako na naman ang sisisihin n'ya!

"U-Una na 'ko," tinakbuhan ko s'ya. Pa'no ba naman mukang kailangan ko na kasing maglabas ng shield, mukang magbubuga na kasi ng apoy sa galit.

12 midnight.

Napabangon ako de-oras kasi may narinig akong umiiyak. Multo ba yun, guni-guni? At dahil hindi ako mapalagay lumabas ako ng kwarto para malaman kung saan galing yung ingay na yun.

Pinakinggan ko, mukang galing sa kwarto ni Mr. Hambog. Lumagpas ako sa partition. Malay n'ya bang lumagpas ako.

Pinakinggan ko pa, sa kwarto n'ya talaga galing at dahil ugali n'yang hindi mag-lock ng pinto nabuksan ko agad.

Nakita ko nga si Mr. Hambog. S'ya nga yung umiiyak.

Binuksan ko yung ilaw ng bedroom n'ya. Grabe, mugtong-mugto ang mata. Ano kayang nangyari sa kanya?

"O-Okay ka lang?" tanong ko sa kanya pero tuloy-tuloy pa rin s'ya sa pag-iyak. Hinawakan ko yung noo n'ya, ay nyemas ang init n'ya! Ang taas ng lagnat, pawis na pawis pa.

"Tatawag lang ako s—" lalabas sana ako para pumunta sa office ng dorm pero pinigilan n'ya 'ko.

"'Wag na. Lagnat lang 'to. Hindi naman ako mamamatay dahil dito. 'Wag ka nang mang-abala ng iba," tapos iyak ulet. Hindi s'ya dumidilat.

"May gamot naman ako sa bag, kukunin ko lang. Hintayin mo 'ko ah.."

Pagbalik ko may dala na kong gamot at tubig. Pinabangon ko s'ya para maka-inom pero iyak pa rin ng iyak..

"May masakit ba sa'yo?" tanong ko kasi non stop s'ya sa pag-iyak.

"Yung likod ko."

"Sige wait lang ulet ha, may kukunin lang ulit ako."

Kinuha ko yung katinko ko para hilutin yung likod n'ya..

"Magpalit ka muna ng damit bago kita hilutin, pawis na pawis ka e."

"Nahihilo nga ako. Ayoko tumayo."

"Okay. Edi ako ang kukuha."

Pagbukas ko ng closet n'ya nakakatawa mga damit n'ya, pare-pareho ng design pero iba-iba ng kulay. Kumuha na lang ako ng preskong damit at ibinigay sa kanya, iyak pa rin ng iyak.

"Palit ka na."

"Nahihilo ako."

Napakamot na lang ako sa ulo bago ko s'ya hinubadan ng pangtaas—walang malisya. Sinasabi ko sa inyo hindi s'ya sexy na tipong kapag nakita mo ang katawan mamapa-OMG ka, normal lang. Sakto.

Our Fancy Romance | #Wattys2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon