26 - Sweet Goodbye

1.1K 18 10
                                    

"Late na naman ako!"

Nyemas na alarm clock tunog lang ng tunog hindi man lang nag-extra effort na yugyugin ako para magising kaya eto nagkakandarapa nanaman ako sa kakamadali.

Sa fire exit ako dumaan dahil mabilis doon at hindi ako masisita ni Ms. Bailey. Sabog-sabog pa nga ang buhok ko habang bumababa. Wala nang ligo-ligo at suklay-suklay basta bira na lang ng layas. Kapag nauna si Mrs. Betina sa'kin papatayuin nanaman nya 'ko sa labas ng room at mag-aala-exibit nanaman ang kili-kili ko hallway. Mapapa-huhu ka sa inis kaya bago mangyari yun kailangan ko nang kainin ang bato at sumigaw ng Darna para makalipad na.

Hindi kasi ako pinatulog ng kakaisip sa sinabi ni Caryle, "Masaya ka na ba na ganito lang tayo?" shemay! Ano yun? Anong tanong yun tapos bumira na lang bigla ng layas hindi man lang nilinaw kung ano yung sinabi nya.

Hingal na hingal akong tumigil sa pintuan pero nasayang lahat ng effort. Mas malakas ata super powers ni ma'am pero maaga pa naman. Bakit masama ang tingin nya sa'kin?

"Ma'am may two minutes pa po," unfair kung malilista nanaman akong late. Isa na lang kasi ipapatawag na 'ko sa guidance at makakatanggap na parents ko ng notice.

"Oo maaga ka hija kaso incomplete uniform ka," pagtingin ko sa paa ko nginitian ako ni bugs bunny. Oh men! Slippers ang suot ko imbes na black shoes na nagiging black lang dahil sa kiwi.

"Magpalit ka muna," bumabait si ma'am ah. Dang saya nento, "at after mo magpalit dumiretso ka nang tayo sa hallway."

***

Shina-shower ako ni Daillie ng pang-ookray dahil sa nangyari kanina pero sorry na lang sya, mas maingay ang kalam ng tyan ko. Ang ingay-ingay nga nya habang naglalakad kami papuntang canteen. Si Rhea mukang malalim ang iniisip kaya hindi ko na rin iniistorbo.

Habang naghahanap kaming tatlo ng mauupuan pagpasok namin sa canteen nakita ko si Elavel na mag-isang kumakain kaya dali-dali akong lumapit sa kanya at tumabi. Sumunod naman sina Rhea at Daillie.

"Patabi ha?" nakangisi kong sabi sa kanya pero kinunutan lang nya ko ng noo at tuloy-tuloy pa rin sya sa pagkain.

"Ah sakto may bakante," may naglapag din ng tray sa tabi ko, "Oh? Kayo pala," mga padali mo Caryle minsan gasgas na eh.

"Bakit ba kinikilig ako kapag nakikita ko kayong dalawa," sige Daillie, manukso ka pa. Wala ka nang ginawa kundi itukso sa'kin ang lalakeng 'to na hindi ko naman natukso-tukso. Ay shemay! Ano ba yung huli kong sinabi? Kung kumilos sya ngayon kala mo wala syang sinabi na kung ano kahapon o baka ako lang ang umaasang may laman yung tanong nya kahit ang totoo naman ay wala. Hoping lang.

"Ang close nyo na noh? Pa'no kaya kung magkalayo muna kayong dalawa?" Natigilan kami sa sinabi ni Rhea, minsan na nga lang sya magsalita mga kakaiba pa na di maarok ng brain cells ko.

"Anong pinagsasabi mo Rhea?" natatawang tanong sa kanya ni Daillie.

"Kasi andyan na si Niel," pagkasagot nya sakto namang dating ni Niel at pumagitna sa'ming dalawa ni Caryle. Makatulak wagas ah.

"Alam kong kulang ang tanghalian kapag walang appetizer kaya hindi ko na kayo papahirapan. I'm here~" na-pause yung baduy nyang punch line nang makita nya sa tabi ko si Elavel. "My angel," ay syemay!

"Pwede wag sa tabi ko Niel, utang na loob. Ayokong mawalan ng gana sa kinakain ko," reklamo ko pero wa effect, hindi nya 'ko pinansin at titig na titig sya kay Elavel.

Bahala sya basta kakain na 'ko bago pa 'ko mawalan ng gana sa mga da moves ng katabi kong 'to.

"Blaire, labas naman tayo," nasagap agad ng radar ko ang isang kerengkeng na junior. Seryoso? Bulgarang kaharutan? Dito talaga sa canteen habang busy akong kumain?

Our Fancy Romance | #Wattys2020Where stories live. Discover now