59 - The One That Got Away

113 7 10
                                    

Ilang araw na lang babalik na ako sa Amerika at bago mangyari yun gusto ko sanang mag-rewind ng isang kabanata ng buhay ko.

Inimbitahan ko sa isang lunch ang mga kaibigan ko para muli kaming magkasama-sama at ang nami-miss kong parte ay ang pagkain namin ng tanghalian nang sama-sama.

Unang dumating ang mag-asawang Errol at Elavel na sinundan nina Daillie at Niel. Pinakiramdaman ko sila at sa tingin ko, wala na silang issue sa isa't isa. Marami talagang pinaghihilom ang panahon pero sa parte ko, pinili kong namnamin ang mga sugat ng nakaraan ko.

Masaya kaming nagtatawanan nang may kumatok at nang pumasok ay lahat sila ay natigilan.

Nakakunot ang noo ni Errol na pinagmamasdan si Blaire at parang praning na paulit-ulit na binabanggit na buhay nga s'ya. Muka s'yang puyat dahil malalim ang mata n'ya. Okay lang kaya s'ya? Wow! Concern ka talaga, Simile?

"Mas pogi ka na ngayon, Blaire. Alam mo bang president ako ng fans club mo noong highschool pa lang tayo," hirit ni Daillie kaya nagtawanan kaming lahat. Naalala tuloy naming lahat ang pagka-fangirl n'ya noon.

"May amnesia ka daw," tanong ni Elavel tapos halos lahat kami napatingin sa nagtanong. Nagtanong kasi ang babaeng nagdrama na may amnesia at hindi daw noon kilala si Errol. Imagine, si Errol lang ang hindi makilala. Praning lang eh.
"May problema kayo? Eh sa hindi ko talaga kilala noon si Errol eh," mataray n'yang sabat kaya natawa na lang ulit kami, hindi talaga s'ya nagbago. Paano kaya napaamo 'to ng kababata ko?

"Nag-iisip ka siguro kung pa'no ka napasama sa grupo ng makukulit na babae at poging lalake na 'to. O sya, ikukwento ko sa 'yo. Idol na idol mo kasi 'ko noon dahil natalo kita sa isang quiz bee kaya nagkandarapa kang nagmakaawang sumama sa 'kin para mahawa ka ng kasikatan ko-" natatawa kami dahil sa reaksyon ni Blaire. Nakakunot ang noo n'ya na pinakikinggan ang sinasabi ni Niel. Duda s'ya for sure, 100%.

"Ako ba? Hindi mo 'ko natatandaan?" seryosong tanong ni Errol kaya medyo naging seryoso ang aura ng lugar na 'to.

Nagkatinginan si Errol at Blaire.

Iba ang pakiramdam ko sa mangyayari.

"Ikaw ang huli kong kasama bago ako naaksidente," walang ka-emosyon-emosyon na sagot ni Blaire. Medyo iba rin ang boses n'ya. Okay lang kaya talaga s'ya?

Tumahimik ang lahat.

"Utang na loob ko sa 'yo ang buhay ko, pare. Kung wala akong kasama nang panahong yun baka huli na ang lahat bago pa ako nadala sa ospital," nakangiting pagputol ni Blaire sa katahimikan, "kaya salamat."

Siguro kailangan ko nang putulin ang kaseryosohan namin.

"Dahil kumpleto na tayo, kumain na tay—"

"Hindi pa tayo kumpleto," nakangiting pagtutol ni Blaire.

Napaisip kami kung may kulang pa sa 'min pero kami-kami lang naman talaga ang magkakasama noon. May nakalimutan ba kami?

Napalingon kami sa pintuan nang dumating si Miss Febe. Nagulat nga s'ya nang makita kaming magkakasama. Hindi ko nga pala nabanggit sa kanya na magsasalo-salo kami dito sa hotel room namin.

"Please don't mind me, go ahead and enjoy yourself. May kukunin lang ako sa kwarto."

"Kumpleto na tayo. Kain na," tumayo si Blaire at hinila ang upuan na parang inaaya si Miss Febe na sumalo sa 'min.

Nagtaka kaming lahat. Ano bang sinasabi ni Blaire?

Hindi pa nakuntento si Blaire at hinila n'ya pa si Miss Febe para maupo.

"Ah si Miss Febe, manager ko s'ya. Kumain ka muna bago umalis. We insist," pangungulit ko na rin. Baka iniisip ni Blaire na nakakahiya kung hindi namin iimbitahan ang manager ko na naabutan kaming kumakain.

Our Fancy Romance | #Wattys2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon