29 - Not Yet Over

687 17 10
                                    

Pinunasan ko agad ang muka kong panay putik gamit ang tshirt ko para lang makumpirma kung tama ang tumatakbo sa isip ko. Bakit ako kinutuban ng ganito?

"Nakita mo ba kung saan sya nagpunta!"

"Ha? Ah papunta sya sa way ng dorm. Anong meron? Bakit nagmamadali ka?"

Hindi ko na naintindihan ang ibang sinasabi ni Errol dahil nagtatakbo na 'ko papunta sa dorm. Nanlalamig ang kamay ko sa sobrang excitement at kahit nanlilimahid na 'ko ngayon. Sana tama ang nasa isip ko. Sana sya na nga.

Hindi ko inintindi ang ulan at ang maputik na daan makita lang sya.

Pagdating ko sa dorm hindi ko naman sya nakita. Baka dumaan lang sya dito sa school at paalis na din, baka nasa gate na sya.

Nag-abang ako dito sa gate hanggang matuyuan ako ng damit. Gusto kong magmaktol. Gusto kong mainis. Pinaaasa ko lang kasi ang sarili ko sa wala.

Naiinis ako dahil hanggang ngayon umaasa pa rin akong magkikita kami. Hanggang ngayon umaasa pa rin ako sa sinabi n'ya na bibisitahin n'ya ako araw-araw pero ilang taon na ang binibilang ko at wala ako ni isang balita mula sa kanya.

***

Ang sama ng pakiramdam ko paggising ko. Pakiramdam ko lalagnatin ako dahil ang sakit ng balat ko kapag hinahaplos. Ang sakit din ng ulo ko na parang mabibiyak. Hirap din akong lumunok, maga pa ata tonsils ko. Ang saya lang, ngayon pa ko magkakasakit e wala pa nga isang linggo since nagstart ang klase.

Nakatungo lang ako sa desk ko kahit dumating na si ma'am, "Chararat, oh my gush mahihimatay ka kapag nakita mo kung sino ang kasama ni ma'am! Dali tingnan mo," pakiramdam ko masusuka ako dahil kanina pa umiikot ang paligid ko sa sobrang hilo. Sana pala nagpahinga na lang ako sa kwarto o kaya pumunta ako sa clinic. Ang ingay-ingay ng mga classmate ko na kala mo nakakita ng artista kaya lalong sumasakit ang ulo ko.

"Chararat, okay ka lang ba? May sakit ka ba?" hinawakan ni Daillie ang noo ko kaya hindi na 'ko nakapagdahilan na okay lang ako, "ang taas ng lagnat mo!"

Pagkasabi nya nun biglang lumapit si Errol at binuhat ako, isinakay nya 'ko sa likod nya at nag-excuse kay ma'am. Kahit naiinis ako minsan sa taong 'to maasahan ko naman sya sa mga ganitong sitwasyon.

Ipinikit ko na lang ang mata ko dahil kapag nakamulat ako ay umiikot ang paligid, ang saya talaga.

Ilang beses akong sumuka sa clinic, ayoko na, bakit sumakit ang ulo ko ng ganito.

"Tsk tsk baka may naka-usog sa'yo. Ang lakas nya ah. Kita mo napataob ka," hindi ko lang masabi na kaya siguro ako nagkasakit dahil nagpatuyo ako ng damit na basa ng ulan. Dang ige ko talaga.

"Gawin mo yung ginagawa ng Mama mo sa buhok ko kapag masakit ang ulo ko," minsan lang ako humingi ng favor, nawawala kasi sakit ng ulo ko noon kapag ginagawa yun. Hindi na sya sumagot at ginawa na nya, hinihila nya yung ilang hibla ng buhok ko nang biglaan tapos may tutunog, masakit pero nababawasan ang sakit ng ulo ko. The best pa rin ang mga tradisyunal na panggagamot. Buti na lang albularyo 'tong si Errol.

Sa clinic muna ako nagstay kasi bumaba na rin yung lagnat ko, pagkaliyo na lang ang problema. Alaga naman ako ng mga nurse, dinalaw na din ako ng mga kaibigan ko. Dinalhan na rin ako ng damit ni Elavel. Ang saya talaga ang dami kong kaibigan. Makakabawi rin ako sa kanila.

Kalagitnaan na siguro ng gabi nang marinig kong nagwarning ang cellphone ko, ay cellphone pala ni someone, hindi ko na-charge kaninang umaga. Dim light na lang yung liwanag sa kwartong 'to. Nanlaki ang mata ko nang mapatingin ako sa bandang harap ko. May nakatayong lalake at nakacross ang mga braso nito habang nakasimangot na nakatingin sa'kin. Panaginip lang ba 'to o totoong nakatayo sya at tinititigan ako? Naloko na, nagdidiliryo pa ata ako.

Our Fancy Romance | #Wattys2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon