A Scar Story I

139 5 0
                                    

That Love, This Memories

Daillie

Parang panaginip pa rin ang lahat. Habang binabaybay ng paa ko ang bawat baitang patungo sa bagong simula ng kabanata ng buhay ko, naluluha ako.

Hindi dapat araw ng pagtatapos ang tawag dito kundi araw ng bagong simula.

Naalala ko pa kung pa'no ko isumpa noon ang pananatili dito. Araw-araw ko ipinagdarasal na sana dumating ang araw na 'to. Dumating na nga at ang dami kong panghihinayang.

Na sana pala sinulit ko ang bawat araw dahil hindi na pala mauulit ang mga 'yon. Hindi ko na-enjoy ang pananatili ko dito dahil lagi akong nangagarap na sana matapos na 'to, sana fast forward na.

Sayang.

Sayang. Sana tinodo ko ang tawa ko sa mga joke ni Simile noon. Sana hindi ko tinalikuran si Elavel dahil lang gusto kong takasan ang katotohanang taga-silbi lang kami ng pamilya nila. Sana mas naghintay pa ako noon at hindi nagmadali sa feelings ni Errol edi sana hindi ako nasaktan. Sana. Ang hirap aminin pero sana hindi ako umabot sa puntong ito na nanghihinayang.

"Congratulations, Daillie. Valedictorian ka," bati sa 'kin ni Sir Nathan na pumapalakpak.

Parang nag-uulap ang diwa ko sa saya. Nakarating ako dito. Nakarating kaming lahat dito. Ang saya. Walang kasing saya. Sa kabila ng lahat nakatapos na kami sa kabanata ng buhay namin na dito. Next chapter na.

Matapos ang ceremony nag-iyakan ang iba, may mga sobrang tuwa ang makikita sa muka nila at meron namang kasama ang magulang na panay ng kuha ng picture.

Masayang-masaya si mama sa achievement na nakuha ko at tulad ng pangako ko sa kanya pagsusumikapan ko pa 'to. Malayo-layo pa ako sa pangarap ko.

Nakaramdam ako ng saya nang mapansin kong nasa harap ko si Errol at nakikipagkamay.

"Congrats," nakangiti n'yang bati.

"Thank you," sagot ko nang makipagkamay ako sa kanya.

Sapat na sa 'kin yung ganito para matuldukan na yung sama ng loob ko noon. Hindi naman pwedeng habang buhay galit ka sa isang tao.

Maikli lang ang buhay. Kapag nadapa ka, pwede ka namang umiyak pero pagkatapos nun, bumangon ka.

Dumating si Devo na hatak-hatak si Simile at nagyayayang magkaroon kami ng group picture. Hinagilap naman ni Errol si Blaire at kinaladkad ko naman si Elavel.

Ayoko ulit panghinayangan in future na wala kaming group picture ng mga kaibigan ko.

After ng picture taking hindi ko na naka-usap si Simile dahil kung saan na naman s'ya hinatak ni Errol. Kaya ayun habol naman si Devo sa savior n'yang si Simile.

Si Blaire naman na nananatiling celebrity ng Oxbridge hindi matapos ang request ng mga schoolmate naming gustong magpapicture sa kanya. S'ya na talaga. Taas na talaga ang kamay ko sa kanya. Peymus talaga eh.

Naiwan naman sa tabi ko si Elavel. Hanggang sa puntong ito kahit maraming nangyari kami pa rin pala ang magkasama hanggang dulo.

Niyakap ko si Elavel nang mahigpit.

"Okay lang ako Elavel. Kung saan ka magiging masaya, masaya na rin ako. Hindi mo kailangang magpanggap na walang naaalala para lang hindi ako masaktan. Naappreciate ko pero this time kaligayahan mo naman ang isipin mo."

"Hindi kita ma-gets. Ano ba yang dramang pinagsasasabi mo? Sinong nagpapanggap na walang maalala?" nakakunot pa ang noo ni Elavel nang sabihin n'ya yun.

Alam ko naman na sa simula pa lang, s'ya na ang gusto ni Errol pero ako 'tong umepal sa kanila dahil sa inggit. Naingit ako na may nagmamahal kay Elavel. Later on na-realize ko at naalala ko ang buhay na meron si Elavel. Mas kailangan n'ya nga pala ng tunay na pagmamahal at dahil sa 'kin nasira yun.

Muli kong niyakap si Elavel pero pinagtatawanan n'ya lang ako sa inaasal ko ngayon.
"Until we meet again," bulong ni Elavel kaya lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya. Pakiramdam ko kasi ito na ang huli naming pagkikita.

"Hindi ka na ba magpapaalam sa kanila? Magpaalam ka. Siguradong hahanapin ka nila," pangungulit ko.

"Mas mahihirapan lang ako kapag ginawa ko yun."

Nakatungong tinalikuran ako ni Elavel at naglakad palayo sa 'kin. Alam kong sobrang lungkot ang umalis na hindi man lang makapagpaalam sa mga kaibigan.

Sana hindi ito ang huli naming pagkikita. Ipagdarasal kong maging maayos si Elavel sa pinili n'yang buhay.

Lahat man kami na magkakahiwa-hiwalay ngayon, alam kong ang mga pinagtagpo ng buhay ay pagtatagpuin ulit kahit magkalayo-layo man. Darating ulit ang panahong magkikita-kita kami, matagalan man. Abutin man ng mahabang panahon.

Our Fancy Romance | #Wattys2020Where stories live. Discover now