15 - Smell of Chocolate

888 32 12
                                    


Day 3.

Pagdaan ko sa hallway nakita si Rhea,  huwarang talaga 'tong estudyante, ang aga pumasok eh. Tatawagin ko na sana kaso bigla s'yang huminto sa paglalakad nang may makasalubong na pusa.

"Nandito ka pa pala. Tumutupad ka pa rin ba ng wish tulad noon?"

Kinakausap n'ya yung pusa? Sabagay, ako nga sarili ko yung kinakausap ko.

"Maghihintay ako hanggang ikaw na ang kusang maghanap sa 'kin para humiling."

Napalunok laway ako habang isa-isang nagtayuan ang balahibo ko sa katawan. Kaninong boses yun? Hindi naman siguro sa pusang kausap n'ya. Baka nananaginip lang ako. Baka hindi 'to totoo.

"Hindi mangyayari 'yon. Hindi hihingi ng tulong ang tulad ko sa mahinang tulad mo."

Tinampal-tampal ko ang pisngi ko para magising na ako kung saan man ako nakatulog. Kinikilabutan na ako sa mga naririnig ko.

Pagpasok ko sa klase para pa rin akong lutang. Panaginip pa rin siguro 'to.

"Parang gusto kong makarinig ng kpop. Kumanta ka nga Elsa."

Si Elsa yung classmate kong patay na patay sa kpop na madalas i-bully ni Zindlou bago mag-start ang klase.

Alangan pang tumayo si Elsa pero obvious naman na sinisindak ni Zindlou sa tingin ang classmate namin. Wala talaga 'tong magawa sa buhay.

Tumayo si Elsa at kumanta tapos pinagtatawanan s'ya ng mga classmate ko.

Hindi ko na talaga matiis 'to.

"Idol mo ba si Elsa? Hinahanap-hanap mo ba ang boses n'ya?" malumanay kong tanong na umalingawngaw sa buong kwarto.

"Depende. Kung papalitan mo si Elsa pwedeng boses mo naman ang hahanap-hanapin ko."

"Bakit hindi kaya ikaw ang kumanta? Mangbu-bully ka pa ng iba. Insecure ka siguro? Sample nga. Kanta ka naman," dagdag ko pa kaya lalong na-excite ang mga kaklase ko. Mga gusto ng eksena eh.

Napikon ata, tumayo at nilapitan ako, akala n'ya ba masisindak n'ya 'ko? Kahit ibagsak n'ya pa ang kamay n'ya sa desk ko buong araw.

"Matagal na talaga akong nagtitimpi sa'yo promdi girl."

"The feeling is mutual," nang biglang may pumasok sa room namin na halos ikasira ng pintuan. Anong ginagawa nya dito? Natahimik ang lahat nang makita s'ya. Si Zindlou lang ang maingay na dada nang dada sa harap ko.

Anong ginagawa ni Elavel sa room namin?

Sa'kin ba sya pupunta? Sa angas n'ya lahat umiwas ng tingin.

"Alis," paghinto n'ya sa tapat ko habang ngumunguya ng bubble gum. si Zindlou ata ang sinasabihan n'ya.

"Who are you? Sino ka para utusan ako?" pabalang na sagot ni Zindlou kaya sinipa ni Elavel yung silya sa tapat ko, buti na lang absent yung nakaupo dun. Mukang nasindak na n'ya si Zindlou pero ano bang ginagawa nya dito sa room namin?

Tinitigan n'ya lang ako. Ano bang problema n'ya? Tapos umismid s'ya sa'kin, "Layuan mo si Daillie,"

Bakit n'ya ba 'ko binabantaan? Tibo ba s'ya! Bakit ko kailangang layuan ang kaibigan ko?

Pag-alis n'ya nakahinga ng maluwag ang lahat. Anong meron? Bakit takot silang lahat doon?

"S'ya si Elavel diba? Balita ko maimpluwensyang tao ang father n'ya kaya malakas ang loob n'yang magsiga-sigaan dito," bulong-bulungan ng mga classmates ko.

"Businessman-slash-politician daw ang papa n'ya."

Hindi nauubusan ng mga weird na tao ang school na 'to.

Our Fancy Romance | #Wattys2020Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt