5 - Tears and Rain

1.2K 45 30
                                    

"Nawalan na ako nang gana pagkakita ko sa 'yo."

Speechless ako. Ang dami kasing laman ng tray. Seryoso ba s'yang ibibigay n'ya sa 'kin ang mga 'yan? Ano kayang kapalit nito?

Umalis s'ya pero gusto ko sanang habulin, gusto kong alamin kung bayad na ba ang mga 'to. Aba mahirap na, wala nga kasi akong dalang wallet ngayon.

***

Pabalik na sana ako ng dorm kaso biglang umulan. Wala akong payong. Malas naman. Nakatunganga lang tuloy ako habang nagpapatila ng ulan. Naupo ako at nakatingala habang pinapabasa ko ang kamay ko sa ulanan.

Bakit kaya ang senti kapag umuulan lalo na kapag hapon?

Biglang dumaan sa harap ko si Mr. Hambog, panira ng moment, kung kailan feel na feel ko mag-senti biglang nagpakita. May payong s'yang dala, sana yayain n'ya 'kong makisukob para makabalik na ko sa dorm kaso inisnab n'ya lang ako, parang walang nakita. Wala talagang puso.

Bahala na nga, tatakbo na lang ako kahit mabasa.

Nakabwelo na sana ako para tumakbo nang may humawak sa braso ko, "Magkakasakit ka nyan," paglingon ko bigla na namang tumugtog sa isip ko ang Chinito ni Yeng Constantino.

"Sukob ka na lang sa payong ko?"

Mukang hanggang pagtulog ko mamaya iri-replay ko nang paulit-ulit ang moment na 'to na parang sirang plaka. Sana 'wag nang tumila ang ulan, sana malayo pa ang dorm, sana forever na 'to.

"Hindi ka ba nababasa? Ang liit mo kasi hindi kita mapayungan ng ayos," asar nya sa'kin, loko din 'to eh.

"Ikaw nang matangkad," tapos nagtawanan kami, ang saya. Sana araw-araw ganito.

Kaso natanaw namin si Calmae na tumatakbo sa ulanan. Wala ring payong. Pagtingin ko sa muka ni Davenant halatang nag-aalala s'ya, siguro iniisip n'yang sana naghintay ako sa kanya para nakasabay ko s'ya o kaya sana hindi ko na sinabay ang epal na 'to para ikaw sana ang pinapayungan ko.

"Malapit na naman ang dorm. Tatakbuhin ko na lang," pero ang totoo, sana may payong na lang si Calmae para kasama ko pa rin sya.

"Ihahatid kita noh kung kailan malapit na saka pa kita iiwan," ang gentleman n'ya talaga kaso ang epal ko naman kung feel na feel ko pa rin moment na 'to habang nababasa naman ang babaeng gusto n'ya.

Umalis ako sa tabi n'ya, "Okay na ko, salamat ulit," tapos tumakbo na 'ko palayo. Paglingon ko, nakita ko nga na hinabol ni Davenant si Calmae at pinayungan.

Napako ako sa kinatatayuan ko habang pinapanood silang dalawa sa ilalim ng iisang payong. Parang kanina lang ako ang kasama n'ya pero ngayon, si Calmae na. Nung pagtakbo ko kanina umasa akong ako ang hahabulin n'ya para payungan, pero assumera nga lang talaga ako.

"Wala ka bang pambili ng payong?"

Paglingon ko, nakita ko sya. Pinapayungan ako.

"A-Akala ko ba ayaw mong may makakita ng iba na magkasama tayo?" pagsusungit ko mapagtakpan lang na pinapanood ko kanina sina Davenant at Calmae.

"Wala nang ibang tao dito."

Biglang bumagal ang takbo nang oras nang sabay kaming maglakad ni Mr. Hambog sa ilalim ng iisang payong. Hindi ako mag-e-effort magsalita kung alam ko namang mauuwi lang yun sa away.

Pagdating sa tapat ng dorm, inabot n'ya sa'kin ang payong, mabait din naman pala.

"Sa likod ka dadaan diba? Isabay mo na 'to, ayokong magbitbit n'yan, basa eh."

Binabawi ko na.

Pag-akyat sa kwarto ang lamig-lamig sobra. Maglagay kaya ako ng katinko sa likod para uminit? Hindi naman ako sakitin pero ayoko talaga ng malamig. Bigla akong natakam sa noodles ahh tama may shingaling akong idea.

Nandito kami ni Mr. Hambog sa sala pero hindi kami magkatabi, baka lumipad na naman ang paa n'ya sa muka ko, mahirap na. Dito ako sa likod ng sofa, inilabas ko ang study table ko para dito kumain. Hinihintay ko kasing matapos sa panonood ang kumag na 'to ng news, ako kasi ang next. Saging ang kinakain n'ya, unggoy nga talaga.

Ang sarap humigop ng mainit na sabaw at malinamnam na noodles—

"ANG INGAY MO KUMAIN!" bulyaw n'ya, galit ata kasi hindi ko s'ya niyayang kumain, tutal pinayungan naman nya 'ko kanina aalukin ko na.

"Gusto mo?"

"No thanks, aalukin mo ko kung kailan tapos ka na at hindi ako makikisalo sa'yo, may laway mo na yan noh, mahawa pa ko sa'yo," nyemas talaga 'tong taong to sana hindi na lang ako nag-abalang alukin s'ya, dang arte.

"Edi 'wag tsaka wala akong sakit noh! Ang arte mo! Hinding-hindi na kita aalukin sa susunod!"

"Mabuti kung ganun." tapos umiling pa sya, ano na naman!

"Amoy matanda ka na naman!"

"Ang OA mo."

"Amoy matanda!"

***

Mahilig ako sa mga nakakatakot. Sa mga kwentong multo at mga misteryo.

Narinig ko ang kwento ni Daillie about sa hagdanang nawawala at campus white lady kaya na-excite ako.

"Seryoso ka ba? Pupunta talaga tayo doon? Baka mahuli tayo ng guard!" takot na takot na pagpigil sa 'kin ni Daillie habang si Rhea naman mukang excited.

"Sisilip lang tayo."

Ang kwento, pagpatak ng alas nuebe ng gabi at dumaan ka sa hagdanan na 'yon aabutin ka ng buong magdamag para makaakyat o makababa doon kasi bawat paghakbang mo daw nadadagdagan ang baitang.

"Sana pala hindi na ako nagkwento," bulong ni Daillie habang si Rhea naman ang naglakad papunta sa hagdanan.

"T-Teka! Sisilip lang tayo. Hindi natin ita-try! Paano kung hindi ka na makaalis dyan?" nagulat kasi ako dahil wala 'yon sa plano.

"Gusto kong masubukan," mahinhin na pagkakasabi ni Rhea at hindi na namin napigilan ni Daillie.

Umakyat si Rhea at ilang sandali lang nakababa na rin agad. Nagkatinginan kaming tatlo. Walang nangyari.

"So hindi totoo," tanong ko kay Daillie.

"Baka maaga pa tayo."

Natanaw ko ang guard na nagra-rounds sa campus kaya nataranta kaming nagtatakbo para hindi mahuli.

Nagkahiwa-hiwalay kaming tatlo sa dorm at dahil no choice na, sa main door ako dumaan.

Pagkasara ko ng pinto nagulat ako nang maramdaman kong may tao sa likod ko. Baka nasundan ako ng espiritu ng hagdanan.

Sa pagkagulat ko napatalon ako napahawak sa balikat ng taong sumalubong sa 'kin sa pinto.

Oh no! Mali. Mali 'to!

Bakit ako nakahawak kay Mr. Hambog at nakatitig sa mata n'ya!

Our Fancy Romance | #Wattys2020Where stories live. Discover now