CHAPTER 41: Alexandrite Monroe-Vaughn

Beginne am Anfang
                                    

"Huwag kana rin umasa Denise, i know Alpha Tyler. He's too loyal and inlove to his WIFE para tumingin sa ibang babae." Sabi ko bago tumalikod at pumasok na rin sa mansion.


Pinagdiinan ko talaga ang salitang wife upang matauhan siya at huwag na guluhin ang dalawang nagmamahalan.


Hindi na ako nag-abalang alamin ang reactions nila sa sinabi ko. Hindi ko alam pero hindi nako natutuwa sa presensya nila Drey, lalo pa at kasama nila ang babaeng labis kong kinaaayawan. Tsk.

*****

LEXA's POV

Mahimbing ang tulog ko ng magising ako bigla dahil sa magaan na pagyugyog sa balikat ko.



Pagmulat ng mata ko ay si Yxan ang nabungaran ko, nginitian niya ako bago umupo ng maayos sa kama ko.


"What?" Inaantok pa sa tanong ko.

"Umaga na kaya bumangon kana diyan. Bantayan mo rin mate mo sa labas at baka mabingwit ng iba." Biro niya sabay tawa.

"Ha?" Lutang pa ako.


"Alpha Tyler and Denise combination? Not bad." Sabi niya sabay ngisi.


Iniinis ba ako ng isang ito? Umagang umaga gusto sirain araw ko. Napabangon tuloy ako bigla at hampas ng unan sa kaniya.


"Nakakainis ka! Ano bang sinasabi mo dyan?" Tanong ko.


"Mag-ayos kana lang at bumaba na." Sabi niya at tumayo na.


Binato ko ang unan sa kaniya pero sa pintuan na ito tumama. Ginulo ko ang buhok ko, badtrip na ako.

Padabog akong pumunta sa banyo upang maligo. Isang white dress ang suot ko, well halos lahat naman ng damit ko ay dress e. Sila tito Andreighus ang nagbigay ng gamit ko.

Pero may iba ngayon, kasi sa kama ko isang white dress ang nakapatong at may white din na flat shoes. Bago ito sa akin, yung may nakahanda ng isusuot ko.


Paglabas ko kumulo agad dugo ko sa nakita ko. Si Denise kinakausap si Klaude na busy sa pagbabasa ng dyaryo sa sala. Hindi pinapansin ni Klaude si Denise pero bakit hindi niya layuan? Tama nga si Yxan. Tsk.



Napalingon sa direction ko si Klaude pero yumuko nalang ako at sa kusina dumiretso. Gusto ko magalit sa kaniya pero kapag titingin na siya sa akin ay makakaramdam na ako ng hiya. Haaay.




Nagsasalin ako ng tubig sa baso ng mapatalon ako sa gulat ng may kamay na humawak sa bewang ko. Pagharap ko ay ang seryosong mukha ni Klaude ang nakita ko. Hindi ko na tuloy nagawang uminom dahil sa mga titig niya.


"B-bakit?" Tanong ko.


"Ignoring me?" Taas kilay na tanong niya pabalik.



"H-hindi ah. M-may kausap k-ka kasi kaya h-hindi na kita i-inistorbo." Nauutal na sagot ko at napayuko sa hiya.


"Hindi ko iyon matatawag na usapan kung siya lang ang dumadada, ni hindi ko nga nakita ang mukha niya." Seryosong sagot niya.


"Hindi nakita? Katabi mo siya kaya imposibleng hindi mo siya titignan." Sabi ko naman.


"Why would I? Mukha mo lang ang gusto kong tignan at titigan kahit magdamagan pa." Seryosong sabi niya.


Ramdam kong namula ako sa sinabi niya. Simpleng mga salita lang galing sa kaniya ay sobrang lakas na ng epekto sa akin. Tapos napakakaswal pa ng pagkakasabi niya, parang napakanormal lang ng nasabi niya.



"Manahimik ka nga." Sita kong nahihiya.



Hinawakan niya ang baba ko at iniangat, hinalikan naman niya ako sa noo bago hawakan ng mahigpit ang kamay ko. Hinila niya ako palabas ng mansion, nadaanan pa namin si Denise sa sala na nanlalaki ang mga mata sa gulat na nakatingin sa magkahawak namin na kamay.



"Saan moko dadalhin?" Takang tanong ko dahil palabas na kami ng gate.


"Sa tahanan natin." Sagot niya na diretso lang sa paglalakad.


"Hindi ako nagpaalam na aalis, baka hanapin-" Hindi ko na natuloy sasabihin ko.



"Tapos na. Stop worrying, kapag nawala ka alam nilang nasa akin ka." Seryosong sabi niya.


Pumasok kami sa kotse niya at pinaandar na ito papunta sa Vaughn Village. Ano kayang trip nito? Bakit pabigla-biglang nag-aaya, hindi man lang sinabi ng maaga.


Pagdating sa pack niya ay parang normal lang naman ang lahat. Ano bang event? O baka trip niya lang talaga. Sabagay, okay lang naman sa akin basta kasama ko siya.


Pagdating sa mansion ay hinatid niya ako sa kwarto niya, may dalawang tagapagsilbi ang naroon at may hinahanda.


Nang makakita ako ng mga gamit pang-ayos at mga bulaklak ay nakaramdam ako ng kaba, bumilis bigla ang tibok ng puso ko. Parang may ideya ako sa magaganap pero ayoko mag assume dahil baka mali hinala ko at masaktan lang sa huli.


Napakabilis ng pangyayari, nakaharap ako sa salamin ngayon. Light make up lang ang nilagay at pinatungan ako ng flower crown sa ulo at binigyan ng isang bouquet of flowers pang kasal. Oo para akong ikakasal sa ayos ko.



Inalalayan nila ako sa paglabas ng kwarto ni Klaude. Iniwan nila ako sa labas ng mansion na kinagulat ko dahil may mga red rose petals na sa daan na kanina ay wala.



Sinundan ko ang petals. Patungo ito sa labas ng mansion, i mean sa gate. Napakatahimik ng paligid at parang nawala ang mga tao.


May nakita akong malaking plywoods na pinagdikit-dikit at sa gitna ay may kurtinang puti. Patungo roon ang petals. Kinakabahan ako sa makikita ko sa kabilang parte ng plywoods.




Dahan-dahan akong naglakad patungo roon. Huminga muna akong malalim bago hawiin ang kurtina, pagpasok ay siyang hiyawan ng mga tao, doon ko lang narealize na maliit na stage pala ang tinatapakan ko at lahat ng pack members ng Dark Sky Pack ay narito.



Sa gilid ng stage ay naroon ang naka white suit na alpha. Si Klaude, nakangiti ito sa akin. Nasa tabi niya sina tito Andreighus at Yxan na kapwa nakangiti rin sa akin, mukhang masaya sila.


Bigla tuloy akong naluha. Is this real? Lumapit si Klaude sa akin at hinila ako sa harapan.


May umakyat na may katandaan nang lalaki, i think siya ang magsisilbing pari sa amin? Nagsimula ang kasal namin, naiiyak ako. Kung surprise wedding man ito ay sobra akong nasorpresa talaga. Syempre never nabanggit ni Klaude ang kasal saka hindi pa namin nagawa ang mate bondin kaya hindi ko naisip na ikakasal kami ng biglaan. Biglaan nga ba o matagal na nila itong napagplanuhan?



"I, Tyler Klaude Vaughn, the alpha of Dark Sky Pack would like to introduce to all of you my wife Alexandrite Monroe-Vaughn, your Luna!" Malakas na sabi ni Klaude.


Naghiyawan naman at nagpalakpakan ang lahat ng naroon. Naiyak nako ng sobra sa tuwa, kahit mga werewolves kami ay pinili pa rin ni Klaude ang normal na kasalan. Bahagya kong hinalikan ang singsing na nasa daliri ko.


Natapos ang event nang mga alas singko. Umuwi na sina tito Andreighus at Yxan after nila kaming i-congratulate.



Kinakabahan ako, knowing na ngayon magaganap ang mating process. Ready na ba ako? Halaaa. Napakabilis naman kasi ng pangyayari e! Nagsisink in pa sa utak ko ang lahat ng naganap.


Nabalik lang ako sa huwisyo ng marinig ko ang pagbukas at pagsara ng pintuan ng banyo. Napalingon ako at tumambad sa inosente kong mga mata ang isang Klaude na nakatapis lang ng tuwalya habang sinusuklay ng kamay ang basang buhok, ang ilan sa tubig ay tumutula sa dibdib niya pababa sa tiyan niya. Napalunok ako sa napakagandang view.




Halos himatayin ako sa pagpigil sa paghinga, lalo ako kinabahan at hindi na alam ang gagawin. Naghalo-halo na ang nararamdaman ko gaya ng kaba, takot, saya at excitement.



"Are you ready?"

THE SIGHTLESS LUNAWo Geschichten leben. Entdecke jetzt