"Hindi na mainit yung hapunan ko, Tavi. Nagugutom na ako." pag-bibiro ko pa sa kanya na dahilan para mahina siyang matawa, napunta ang tingin niya sa dining kung sana nandoon ang plato ko na dapat kakainin ko ang kaso ay dumating siya.

"Tss, your dinner is already served in front of you." pag-bibiro niya na dahilan para mahampas ko ang matipuno niyang dibdib gamit ang kamay ko, ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko dahil sa biro niya na dahilan para alisin ko ang dalawa kong kamay na naka-palibot sa braso niya.

Kumunot ang noo ko dahil hindi niya pa rin tinatanggal ang mga braso niya sa beywang ko na dahilan para hindi ako makawala, "Let go already, Tavi." paalala ko sa kanya na dahilan para umiling siya na parang isang bata.

I raised a brow on him because of his childish act, "I'm hungry, alisin mo na 'yang mga braso mo at umuwi ka na." pag-tataboy ko sa kanya dahil kita ko na rin naman na pagod na siya, gusto ko pa naman siyang makasama pero kailangan niya na ring umuwi.

"Can I stay here?" he asked the reason why my jaw dropped, parang noon lang ay inaasar ko pa siyang dumito sa bahay ko tapos biglang siya na ang nag-kusa na manatili? 

Parang sa isang iglap ay nag-bago si Tavi, parang mas lalong lumiwanag ang ekspresyon niya simula nung maamin niya sa akin ang lahat.

"Want me to drive you home? You look tired already." our interaction became normal, and I heard him grunt as if he doesn't want to go home. I chuckled because of him being childish. This is not what I'm expecting, he's different when it comes to me, and I think I'm special.

"Umamin ka lang ang lakas na ng loob mong manatili sa bahay ko, akin na yung susi ng kotse mo at ako na ang mag-mamaneho." prinisenta ko ang libre kong kamay sa harapan niya na dahilan para mapa-nguso siya, kailangan niya ng umuwi dahil sa kita ko na ang pagod sa kanyang mukha.

"I'm not yet tired and do you think I'll let you maneho my car with your foot's condition?" pagiging makulit niya na dahilan para mapa-tango ako na may ngisi sa aking labi, mautak rin pala ang sundalong ito at gagawa talaga siya ng paraan para manatili lang dito sa bahay.

Tuluyan na nga niyang tinanggal ang dalawang braso niya sa beywang ko, wala na rin naman akong magagawa dahil sa tingin ko ay kahit anong pilit ko sa kanya na umuwi na siya ay hindi niya pa rin ako susundin.

"Let's have dinner, then." mabuti naman at nakakalakad pa ako ng maayos, tumungo ako sa kusina at kumuha na ng mga balak kong lutuin dahil sa hindi inaasahan na bisita. 

"Do you want to enjoy the dinner?" he asked all of a sudden, the reason why I closed the refrigerator and furrowed my brows on him. He playfully chuckled the reason why I rolled my eyes, he's saying non-sense things already, and I don't know if I can handle

"Stop teasing me, Captain." linabas ko ang steak at pumunta na nga sa mismong kalan para lutuin na ito, mabuti nalang at may natira pa kaya madali nalang itong lutuin. Hindi ko naman kasi inaasahan ang pag-bisita ni Tavi dito at akala ko hihingi lang ng tawad pero mananatili pala dito ng isang gabi.

Binuksan ko ang kalan at handa ng lutuin ang steak ng biglang may humaplos sa likod ko na dahilan para maagaw nito ang atensyon ko, "Just sit down already, I'll do it." malalim niyang sabi at natigilan ako ng bahagya dahil ang lapit niya nanaman sa akin.

Inagaw niya ang pan sa akin na dahilan para gumilid na ako at hinayaan siya na mag-luto ng hapunan, nag-handa naman ako ng plato naming dalawa at bigla nalang sumilay ang isang ngiti sa aking labi.

Ito kasi ang unang pag-kakataon na may makakasama ako sa hapag-kainan sa bahay, hindi ko naman kasi nakakasama si Sharla sa gabi dahil sa may kailangan pa siyang asikasuhin pero si Tavi ang pinaka-unang tao na makakasama ko sa hapag-kainan ng bahay ko.

Color Of Surrender (High Class Issue Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon