"I'm Hera's cousin, Eleni." pag-papakilala niya na dahilan para saglitan akong mawalan ng imik, malalim ko siyang tiningnan at parang sa isang iglap ay bumalik sa akin ang itsura ni Hera. Ang babaeng iyon ang sumira sa akin noon pero bakit kailangang makita ko pa ang pinsan niya?

I sighed and smiled at her sarcastically, "Nice meeting you, ako pala nag-pakulong sa pinsan mo." I played at my tone the reason why I saw her raging for a while. I'm kind of scared because after Hera, her cousin came.

"Tss, tama lang na nag-karoon ka ng scandal...masyado kang mayabang." ang sabi niya niya sa akin na dahilan para mas lalong lumawak ang ngiti sa aking labi na para bang nakikipag-laro lang ako sa isang batang spoiled-brat.

At ano ang sabi niya? Tama lang na nag-karoon ako ng scandal? Hindi ba siya nahihiya sa ginawa ng pinsan niyang maka-sarili? Alam ng lahat na mali ang ginawa ni Hera pero mas pinili pa rin nilang kampihan 'to, mga makikitid ang utak.

"Tama lang rin na makulong ang pinsan mo, ang pangit kasi ng ugali at..." tiningan ko siya muli ulo hanggang paa at mahinang natawa.

"Parehong-pareho kayo, baka ikaw na ang isunod ko. Ayaw mo nun? Bonding kayo ng pinsan mo sa kulungan?" 

I became stronger when my scandal happened, and I will not let anyone ruined me again. If being hard is the only way I can protect myself, then I will do it.

"Atsaka bago ka palang dito pero grabe ka na umasta, wala ka pa sa talampakan ko kaya wala kang karapatan na sabihan ako ng kung ano-ano." tinulak ko ng bahagya ang kanyang braso gamit ang hintuturo ko na dahilan para marinig ko ang pag-singhap niya.

"You're just my junior and I don't fucking care on your tantrums about me, hindi kita ka-level kaya hindi counted ang opinyon mo." hindi ako mag-papatalo sa isang kagaya niya, hindi niya naman naabot ang mayroon ako kaya wala akong pakielam kung ano man ang sabihin niya sa akin.

Mahina akong natawa at nag-lakad na dahilan para mahiwa ang mga nag-titipon na mga modelo sa aming dalawa, nang makapasok ako sa cubicle ay hindi ko maiwasang mapa-pikit nalang.

Bakit ba ang pasmado ng mga bibig ng ibang mga tao? Nakakapag-salita ba sila ng masama dahil sa inggit sila? Mali ba na ginalingan mo sa propesyon mo at mali ba na makakuha ng isang achievement?

"Bakit ang tagal mo naman?" ang tanong sa akin ni Sharla, naka-suot na ako ng simpleng jeans at white hoodie na may kasamang white shoes. Komportable kasi ako sa suot na ganito at pupunta lang naman ako sa kompanya kaya ayos na itong suot ko.

"Nag-pakilala lang naman sa akin yung pinsan ni Hera." malamig kong sabi at nilagay sa luggage ang mga gamit na nilabas ni Sharla para ayusan ako ng bahagya.

Kahit na nalabanan ko ang mga salita niya ay hindi ko maiwasang masaktan pa rin, kahit alam ko namang hindi totoo ang mga sinasabi nung Eleni na 'yun ay hindi ko pa rin maiwasang masaktan.

Bakit kaya ganon? Sa tingin ba nila sa pisikal lang sila nakaka-sakit ng tao? Kahit nga sa salita palang ay masakit na paano pa kaya kapag pisikal ka ng sinaktan?

 Iyon ang natanggap ko kay Hera na pilit ko ng binabaon sa hukay, kahit pangalan niya lang ang naririnig ko ay hindi ko maiwasang mawala sa ulirat.

"She's your junior, bago palang siya sa pag-momodelo." ang sabi ni Sharla na dahilan para mahina akong matawa, ang lakas na kaagad ng loob na harapin ako e' bago palang naman siya sa pag-momodelo.

Sorry but it's funny to know that she dares to say bad things on me even though she's not yet on the level.

"Wala na rin naman akong gagawin ngayon hindi ba?" pag-babago ko ng diskusyon kay Sharla na dahilan para tingnan niya ang phone niya para i-check kung mayroon pa ba akong kailangang puntahan.

Color Of Surrender (High Class Issue Series #3)Where stories live. Discover now