/58/ Killing Spree

Start from the beginning
                                    

"15..."


Kill!



"14..."

KILL!

"13..."


KILL!


Finnix, Lucas, Hydra, Winwin, Heaven, Ten and Crystal almost fell on their own feet when they saw Ester on that state. Maging ang mga propesor ay muntik nang makalimutang huminga. Labis na takot naman ang naramdaman ng mga estudyanteng napapanood kung paano isa-isang paslangin ni Ester ang mga drakos na kanina lamang ay nahihirapan silang gawin kahit pa sama-sama nila itong kinalaban. Nawala ang mahinhing imahe ni Ester sa kanilang isipan. Napalitan ito ng ideyang si Ester ay isang nilalang na nilikha upang pumatay. Ester became a killing machine.


Ang bawat tamaan ng talim ng kaniyang dagger ay kaagad na natutumba at nangingisay habang umaawas ang dugo. Nakangiti silang nalalagutan ng hininga. They are feeling the satisfaction from Uno's illusion but in reality, they are dying without even knowing it. Blood splattered like a fountain everywhere Ester goes. A second equalled two to three lives being ended mercilessly. Para bang bumagal ang oras sa mga mata ni Ester dahil pati ang pagtalsik ng dugo ng kaniyang napapatay ay nagso-slow motion sa kaniyang paningin.


"5..."

"4..."

Lumipas ang dalawamput pitong segundo at yaong mga SS-ranks na drakos na lang ang natira. Tatlong segundo na lang ang natitira ngunit napakarami pa nila. 'Nawawala na ang bisa ng ilusyon. I have to kill them in one go.'


"NEEDLES OF PAIN!" Ester summoned 12 needles. "WINGS OF ARCHANGEL!" tumubo mula sa kaniyang likod ang dalawang pares ng maiitim na pakpak. Lumipad siya nang paikot habang itinatapon ang mga karayom. Tumama ito sa mga natitirang drakos.

"2..."


"1..."



Nawala ang bisa ng ilusyon ni Uno at nanumbalik sa huwisyo ang mga drakos. Nangilabot  sila nang matagpuang sila nalang ang natitirang drakos na buhay. Napatingala sila sa himpapawid dahil sa naririning nilang pagbagwis. Doon nakita ang babaeng lumilipad gamit ang mala-uwak nitong mga pakpak..

Ester felt their bodies manifesting their signus and they are planning to attack her. Naging maagap si Ester, and she activated the needles. "Tenth Level, PAIN OF DEATH!"


Bago pa sila makapagpalabas ng signus ay natumba silang lahat at nangisay. Walang dugong lumabas ngunit namimilipit sila at sumisigaw. May ibang pinupunit nila ang kanilang kasuotan. Ang iba'y sinasabunutan nila ang kanilang sarili maibsan lamang ang sakit na hindi nila maipaliwanag. Hindi pa isang minuto ang lumipas ay nagsimulang lumabas ang puting likido sa kanilang bibig at nangitim ang kanilang mga mata. They all left a loud screeching cry before their body gave-up.


Tumayo ang balahibo ng lahat ng nakapanood lalo na ang kaniyang mga kaibigan. The cries of the drakos made them feel fear but the fact that only one person made them scream made them feel frightened. Hindi sila makapaniwala. Parang palabas lang ang lahat ngunit nang makita nila si Ester na nakalutang pa rin sa hangin at may dalawang pares ng itim na pakpak ay napagtanto nilang totoo ang lahat.  Wala silang kaalam-alam na kaya itong gawin ni Ester. Nasaksihan nila ang hindi kapani-paniwalang ginawa niya. Tapos na ang palabas na ginawa ni Ester ngunit nanatili pa rin ang ekspresyon nila nang ipakita ni Ester ang kaniyang tunay na kakayahan. Their mouth remained open. Their eyes remained wide. And their eyebrows remained curved in confusion.

"Ester, WATCH OUT!" tila nabuhusan ng malamig na tubig si Crystal nang mamataan niya ang aninong bigla na lang sumipot sa likod ng lumilipad ni Ester. But it was too late. The shadow became a female drakos and it hugged Ester from the back. The drakos legs locked on Ester's waist and her left arm locked Ester's neck. Ester's wings couldn't flap her wings anymore so she felt herself falling. The drakos's right hand held a knife na kumintab nang matamaan ng liwanag ng araw. Habang sila ay bumubulusok paibaba ay sinaksak ng babaeng drakos ang kaniyang punyal kay Ester. Ngunit gumalaw si Ester kaya sa balikat niya ito naitarak.  Umalingawngaw ang pasigaw na impit ni Ester sa buong akademya.

Shadows Of A Silverharth [COMPLETED]Where stories live. Discover now