CHAPTER 35: Black Shadow, Silverstone and Sunray Pack

Magsimula sa umpisa
                                    

"No. I don't need any fucking one of them." Sagot ko.



Natigilan naman si beta Horace at humarap sa akin ng nagtataka dahil sa sinabi ko.




"Ha?" Tanong niya na nagtataka.




"JUST BRING THOSE THINGS THAT I NEED!" Sigaw ko.



Nabigla naman siya sa pagsigaw ko. At tumango-tango ng ilang ulit bago kumaripas ng takbo palabas ng kwarto ko. Umiinit ang ulo ko ngayon. Tsk.




Lumipas ang ilang minuto ay dumating si beta Horace dala ang first aid kit at isang paper bag na sa tingin ko ay ang ipinapakuha kong damit pambabae para kay Lexa.



Kinuha ko ang box at paper bag. Inilapag ko ito sa mesa at nilapitan si beta Horace.




"Go." Utos ko.



"Okay, call me if you need something alpha Tyler." Sabi niya at yumuko bago tumalikod.




Lumapit naman ako sa pintuan at nilock iyon upang walang makapasok basta-basta. Pumunta ako sa cr para kumuha ng towel at isang bowl ng tubig.




Lumapit ako ay Lexa dala ang mga kinuha ko sa cr. Binasa ko ang towel at pinunasan ang madungis niyang mukha, leeg, braso, kamay, binti at paa. Sa ibang parte ay hindi ko pa nalilinisan. Napalunok ako ng pagmasdan ko ang katawan niyang may manipis na telang nakabalot.




Marami na akong nakitang hubad na katawan ng babae, madalas mga kalaro ko sa kama. Pero iba si Lexa, napapalunok ako. Parang first time ko lang itong gagawin, lintik!



"Nakita muna nga ang hubad niyang katawan sa kagubatan kanina diba? Bakit ka pa nag-aalinlangan ngayon."



Bulong ng isipan ko. Napapailing nalang ako. Pambihira! Bakit pagdating kay Lexa ay nakakaramdam ako ng hiya? Isa akong Vaughn pero nahihiya lang ako sa isang babae? Lintik. Mate ko naman siya ah.



Nakipagtalo pa ako sa isipan ko hanggang nakapagdeicide akong tanggalin na ang manipis na tela sa katawan ni Lexa upang mapunasan ko na siya at malinisan.




Napapalunok nalang ako sa nakikita ko. Binilisan ko nalang ang paglilinis sa kaniya kahit todo pigil ako sa sarili ko na huwag gumawa ng pagsisisihan ko sa bandang huli. I want to mark her! Pero hindi pa tama ang oras para doon.



Binihisan ko na siya ng isang puting dress na hanggang tuhod. Sinuklayan ko rin siya ng dahan-dahan upang hindi siya magising.



Nang okay na siya ay nagpunta na ako sa cr upang maligo. Pagkatapos ko maligo ay nagsuot lang ako ng short at umupo na sa harapan ng mesa upang gamutin ang sariling mga sugat.



Napapadaing ako sa sakit habang ginagamot ko ang braso kong may pinakamalalang natamo, medyo nahihirapan pa akong gamutin ito dahil isang kamay lang ang gamit ko. Pero natapos ko rin naman gamutin ang sarili at nalagyan ng benda ang braso at paa na may sugat.



Nang okay na ay humiga na ako sa tabi ni Lexa upang magpahinga na rin, wala pa akong tulog at pagod pa ako. Mamaya ko nalang kakamustahin si Yxan at Alpha Andreighus.

******

ANDREIGHUS's POV

Ibinilin ko kay beta Horace ang pangangalaga kay Yxan dahil kailangan kong pumunta ngayon sa Sheridan Village. Kagabi pa tumatawag sa akin si beta Thaddeus.


Hindi na ako nakapagpaalam kay alpha Tyler dahil tulog ito kasama si Lexa. Parehas silang pagod kaya hinayaan ko nalang silang magpahinga..




Nagmadali akong makauwi dahil may emergency sabi ni beta Thaddeus. Hindi niya sinabi kung anong nangyari, basta may bisita raw ako na sugatan.




Pagdating ko sa mansion ay binati agad ako ng mga tagapagsilbi. Nasa bungad ng pinto rin si beta Thaddeus kasama si gamma Rufus. Tsk. Oo nga pala nawalan na ako ng time sa kaniya dahil sa kambal.



"Nasaan siya?" Seryosong bungad ko.


"Nasa isa sa mga guest room, alpha Andreighus. Sumunod kayo sa akin." Sabi ni beta Thaddeus.


Naglakad na siya papasok pero ako ay huminto sa tapat ni gamma Rufus na kalmadong kalmado lang. Sinulyapan niya rin ako pero nginisihan ko lang siya na ikinagulat niya.


"Prepare yourself, traitor." Bulong ko bago siya lagpasan na nanlalaki ang mga mata.



Sa guest room ay may nakita akong babaeng nakaupo sa upuan sa harapan ng bintana. Mahaba ang buhok at napakaputi, idagdag pa ang puting kasuotan nito. Wait? Parang familiar siya.




"Miss, narito na ang aming alpha." Sabi ni beta Thaddeus.



Dahan-dahan naman tumayo ang babae, at humarap sa amin, ganoon na lamang ang aking gulat nang mapagsino ang babaeng ito..




"H-herisha!?" Gulat na nasambit ko.



Bahagya siyang tumango.


"Andreighus." Sabi naman niya.



"Leave us alone, beta Thaddeus." Utos ko pero kay Herisha pa rin nakafocus ang mga mata ko.



Yumuko naman si beta Thaddeus bago umalis at isara ang pintuan upang makapag-usap kami ng pribado ni Herisha.




"What......... what h-happened to y-you?" Nauutal na tanong ko at pinasadahan siya ng tingin. Marami siyang sugat sa iba't ibang parte ng katawan pero nagamot na.



"Sinundan nila ako." Sagot niyang seryoso at umupo muli pero iniharap na niya sa akin ang upuan.



Umupo naman ako sa kama at tinitigan siya. May benda ang buong kanang kamay niya hanggang balikat. May mga galos ang mukha at mga paa, napansin kong wala nanaman siyang sapin sa paa.




"Sino?" Tanong ko.



"Black Shadow Pack, Silverstone Pack, at............" Pagbitin nito sa sinasabi niya.




Dalawang pack? Shit, buti at buhay pa siya ngayon kundi malalagot ang mga Bertram at Wilbur. Pero may kasunod pa ang sasabihin niya, sino pa ang sumunod sa kaniya?




".........Sunray Pack." Dugtong niya.


Nabigla ako sa sinabi niya. Ang Sunray Pack kaanib na nila??


"Ha?" Nasabi ko.


Tinaasan niya lang ako ng kilay.


"Wait... Seryoso ka? Paanong pati ang Sunray Pack ay kakampi na nila?" Nagtatakang tanong ko.



"Hindi ba at pinatay ng isang Bertram ang nag-iisang anak ni Marion Seymour?" Dagdag ko pa.




"Sa tingin ko ay may pinagkasunduan sila."  Sagot ni Herisha.




"At anong kasunduan naman iyon?" Tanong ko.



"Hindi ko alam." Sagot niya at yumuko.



Napabuntong-hininga ako, so ang Dark Sky Pack nalang talaga ang kakampi namin at maaasahan. Bumaliktad na ang Sunray Pack. Tsk.




"Anong nangyari sayo?" Malumanay na tanong ko.



Nag change topic nalang ako dahil wala din naman patutunguhan ang usapang Sunray Pack dahil hindi naman niya alam ang rason.




Nagkwento na nga siya ng nangyari sa kaniya habang hinahabol siya ng tatlong pack.

THE SIGHTLESS LUNATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon