CHAPTER 34: Primordial Twins

Start from the beginning
                                    

Ang alpha ang pinakamalaking lobo sa lahat, pero nang nakikipag bunuhan ito sa primordials ay napansin kong halos katangkad lang niya ang isang primordial.

Ni hindi ko ma-identify kung sino si Lexa at Yxan sa dalawa, dahil parehong pareho sila ng kulay. Pero sa tantiya ko si Lexa ang nagpoprotekta sa amin dahil mas maliit siya sa isa pa na 2 inches lang.




Napadaing si alpha Tyler nang ihagis siya. Napaangil ang isang primordial dahil sa nangyari kay alpha Tyler, i knew it! Si Lexa iyon at si Yxan ang kalaban ni alpha Tyler.

Pinagtulungan nila ang si Yxan na wala man lang nakukuhang sugat. I don't have a choice but to shift, i need to help alpha Tyler and Lexa to stop Yxan from doing something stupid.



Inabot kami ng ilang oras sa pakikipaglaban at mamaya ay sisikat na ang araw, sa tingin ko ay alas singko na. Pagod na pagod na kami ni alpha Tyler at sugatan na kaming pareho pero ang dalawang primordials ay walang sugat man lang at hindi pa rin sila napapagod. Ibang klase ang lakas na meron sila.

Tumakbo palayo ang dalawang primordials, naghabulan sila. Gustuhin ko man sundan sila ay hindi ko magawa dahil wala na akong lakas pa na natitira sa katawan dahil sa kapaguran.


Hirap man ay nakita kong bumangon si alpha Tyler at umiikang tinakbo ang pinuntahan ng kambal, ang isang paa nito sa likuran ay labis na napuruhan. Tatlong paa lang ang nagawa niyang gamitin sa pagtakbo habang umaangil.

Napadaing ako sa sakit ng katawan. I closed my eyes to rest for awhile. Because I can't take it anymore.

******

HERISHA's POV

It's time.

Sambit ko sa aking isipan at pumikit. Nasa teresa ako ng tree house at inaantay ang pagsikat ng araw. Any minute someone will appear.


It's time.

Para matapos na ang paghihirap ng dalawa. Kapag sumikat ang araw ay babalik sila sa pagiging tao at wala silang maaalala sa ginawa nila.


I hope they can survive it. I know. Makakaya nila dahil malakas sila, sa katawang tao pa lang ay makikitaan na sila ng lakas kaya alam ko makakaligtas sila ngayon.


Pumikit ako at humingang malalim. Napamulat ako ng mga mata, nararamdaman ko sila. Parating na sila sa tunnel. Kailangan ko nang umalis, hindi nila ako pwedeng madatnan dito. Kailangan kong iligtas ang sarili kong buhay.



Kagabi pa ako nakahanda, hinintay ko lang na matapos ang proseso bago lumisan.



Mabilis kong kinuha ang isnag bag at bumaba na. Tumakbo na ako palayo, may short cut sa kabilang daan kung saan ay hindi ko sila makakasalubong. Sikretong daan na ginawa ni Ina nang nabubuhay pa siya, alam niyang mangayayari ito.



Tumakbo lang ako ng tumakbo palayo sa tree house, sa lugar na aking naging tahanan. Lugar kung saan ako lumaki..... At lugar kung saan napaslang ang aking pinakamamahal na Ina.

Kailangan kong makaligtas at makalayo sa kanila.

******

TYLER's POV

Kahit hirap ay tumakbo pa rin ako upang sundan ang kambal. Hindi sila pwedeng makalabas ng territory ko, delikado.

I used my nose to smell their scent to find the way.

I shift into human, kumuha ako sa nadaanan kong sampayan ng isang short at agad na isinuot. Humila rin ako ang dalawang manipis na mga tela para sa kambal, in case na bumalik sila sa dati.


Umiikang naglakad akong muli upang sundan ang kambal habang hawak ang duguan kong kanang braso.


Nakakarinig ako ng angilan sa malapit, at mga nagbabagsakang mga puno. Sinundan ko ang ingay. Napapailing ako sa nakikita at nadadaanan ko, mga mukhang binagyo. No, mas malala pa sa nabagyo ang nangyari sa paligid. Sirang-sira na ang Vaughn Village. Fuck!



Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad hanggang marating ang kinaroroonan nila. Huminto ako sa paglalakad ng huminto rin ang ingay na naririnig ko. Tumahimik ang paligid kasabay ng pagsikat ng araw.


Kinabahan ako, hindi sila pwedeng umalis dito at baka makuha sila ng mga Bertram or Wilbur.

Mas binilisan kong maglakad kahit hinihingal at pagod na pagod na. Wala akong nakitang mga lobo, bagkos nakita ko ang isang lalaking hubad na nakahiga sa damuhan at mahimbing ang tulog, nilapitan ko ito at siya si Yxan. Agad ko siyang binalutan ng isang tela na dala ko.


Hinanap ko si Lexa. At maya-maya nakarinig ako ng iyak, may umiiyak.

"Lexa." Sambit ko at hinanap siya.


Naglibot ako at nakita kong nakaupo siya sa kalayuan habang umiiyak, wala rin siyang saplot kaya mabilis ko siyang nilapitan.


Napapitlag pa siya ng ipapatong ko sana sa kaniya ang telang dala ko. Tinabig niya ang kamay ko at tinignan ako habang umiiyak pa rin.

"Who are you?" Tanong niya at umiiyak pa rin.


Ouch. Nasaktan ako sa tanong niya. Hindi niya ako kilala? O sadyang ngayon lang niya ako nakita? Baka. Wait, nakakakita na siya? Ha?


Pero sasagot pa lang sana ako ng magulat ako ng yakapin niya ako ng mahigpit, medyo nailang pa ako dahil hubad siya.



"Klaude."


Narinig kong sabi niya. Napangiti naman ako ng makilala niya ako. Nakalimutan ko nang magtanong sa kaniya.



Binalot ko sa kaniya ang telang dala ko. At inayang tumayo upang puntahan si Yxan. Sumisinghot pa rin siya habang nakayakap sa kaliwang braso kong walang sugat. Naglakad na kami upang lapitan ang naiwan ko kaninag natutulog na Yxan sa damuhan.





Pero napatigil ako sa nakita ko. N-nawawala si Yxan.




"He's gone." Tanging nasabi ko habang nanlalaki ang mga mata sa gulat dahil sa biglaang pagkawala ni Yxan.



Saan siya nagpunta? Bakit hindi ko naramdaman ang presensya niya? Fuck!

THE SIGHTLESS LUNAWhere stories live. Discover now