Kabanata 16- May Bomba!!!

35.2K 832 41
                                    


  "I think I fell in love with you that amazing night on the kitchen floor. Or maybe it was the evening you stepped up and set my arm." Testing things, he reached for her hand, and, to his joy, she glared, but she let him take it. "Or maybe the night I knew I loved you was when I kissed you under the mistletoe on Christmas Eve. It's hard to say because I look at you now and it seems to me there's never been a time when I didn't love you." -Maggie Osborne, Silver Linings 



*****


 

"Ynna?" Ulit niya pa.


"Huh? Sinong Ynna? Sorry hindi ako si Ynna. Ako nga pala si Lorraine, ginising na kita. Pasensya na."


Para naman siyang nagulat dahil tumingin siya sa paligid.


"Uh...I uhh...I'm sorry." Nag-ayos na siya ng gamit at tumayo.


"Thanks." Tipid niyang sabi.


Tumango ako at inayos ang bag na nakasukbit sa balikat ko. Naglakad na kami ng sabay palabas ng room.


Oo ganon kaikli naging usapan namin, ginising ko siya at nagpasalamat siya. Well, hindi rin naman siya nagsasalita na eh. Eh di huwag kausapin.


"Uh, sige maiwan na kita. Library muna ako." Paalam ko nang liliko na ako papuntang library habang siya bababa ng hagdan. Nilingon niya ako nang blanko ang ekspresyon ng mukha.


"Okay." Tumango siya at bumaba na ng hagdan.


Half open mouth ko siyang sinundan ng tingin. Wew? How cold! Hindi pa nga ako nakahakbang nauna na siyang umalis?


Napapailing-iling na lang ako sa taong yun. Humakbang na ako papuntang library na iwinala sa isip ang tungkol sa lalaking yun.


Inaral ko ang ibang lectures at nagbasa-basa ulit sa mga books na nakahilera sa Filipiniana Section at pampalipas oras na rin. Napansin ko sa wristwatch ko ang oras. Twenty minutes pa lang ako dito.


Nagpatuloy ako sa paglalakad ng nakatingin lang sa mga title ng libro na nakahilera. Dire-diresto.


Ano kayang maganda sa mga to?


"Ay!!" Pigil na usal ko. Napayuko ako ng muntik na akong makaapak ng kung ano dahil may nabangga ako.


Luhh?


"Hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo."


Kunot-noo ko naman siyang tiningnan. Weird. Bakit andito na naman siya? Akala ko ba nakauwi na to?


"Richmond?" Di siya sumagot at nagpatuloy sa binabasa. Nakaunat ang isa niyang binti at nakatiklop naman ang isa. Gets niyo? "Bakit ba kasi nandiyan ka?"

My Ruthless Professor(COMPLETED)Where stories live. Discover now