Kabanata 10- Heartache

41.2K 630 7
                                    

"Hoy!"


I blinked.


"Anong nangyayari sayo?" Tanong ni Sheen. Umiling-iling ako para mawala kung ano mang pag-aalala nasa isip ko. Kanina pa akong umaga nagkakaganito. Am I really bothered about what's going to happen later?


"Kanina ka pa ganyang morning girl. May problema ba?" Utas ni Carol at sinabayan ng tango ni Sheen. Nandito kami ngayon sa cafeteria. Eating lunch at oo natapos na rin ang english subject kanina. Like usual, sir Thorin is hunk as ever and his teaching ways are horrible. Wala namang bago.


Ito lang naman ang araw na pumayag akong makipagkita kay Owen kaya mukha siguro akong bangag. Pssh. Why am I worried. Kainis ha.


"Huh? Problema?" Maang-maangan kong sagot.


Hindi ko pwedeng sabihin basta-basta ang problema ko. I have traumatic experience about sharing problems like this to my friends.


"Oo mukha kang pinagsakluban ng langit at lupa. Kanina ka pa natutulala first subject pa lang."


"Yeah girl." Sang-ayon ni Carol. "And you know what? May napansin din ako kay sir Thorin kanina."


"Na gwapo siya?" Pabiro ko siyang tinanong habang tumatawa. Sinabayan ko na siya para maiba ang usapan.


"Duh!! Tagal ko ng alam yan kaya nga ako nahulog sa bangin. This is what I noticed, he's looking at you intently kanina habang nagtuturo siya. Grabe akala ko mababali leeg ko kakapabalik-balik ng tingin sa inyong dalawa at ang nakakainis friend tulala ka pa din kahit ganon na siya makatingin sayo! Mabuti hindi ka pinagalitan." Carol exclaimed.


Huh? Tumingin pala siya kanina ng ganon? May problema na naman ba siya sa akin?


"Hallucination mo lang yun." Sabi ni Sheen habang kunot ang noong sumubo ng pagkain.


Pinanlakihan siya ng mata ni Carol. Hindi pa rin ako umimik ngunit nakakunot ang noo.


"Hallucination? It took whole period na ganon siya tumingin kay Lorraine tapos ako naghahallucinate? Mukha ba akong may tama nang mga oras na yon e sa palagay ko nga pati iba nating classmates napansin yun."


"You mean all the time nakatutok paningin ni sir sa kanya?"


Tumango ng dahan-dahan si Carol habang masusing nakatingin sa akin.


"What? As if may ginawa ako sa kanya." Angal ko. Hindi kasi ako komportable sa paraan ng paninitig niya. Nang-uusig.


"Tell us. What happened?" Carol said. Sheen rolled her eyes. Ayan na naman po siya sa pagirly gesture niya.


"Anong sasabihin ko? Ay naku ang oa niyo."


My Ruthless Professor(COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora