Kabanata 6- A Sister's wish

42.4K 679 2
                                    

"Ano? Ulitin mo nga yang sinabi mo!" Sheeks napasigaw tuloy ako. Ito kasing ate ko kung hindi ba naman.... Argghh! Mababaliw ako dito eh.

"What? Calm down, okay?" Kalmado lang siya sa lagay na yan ah samantalang ako muntik na mahigh blood sa kanya. Kasalukuyan kami ngayon nasa kuwarto ko. Kampante akong nagtutugtog ng gitara nang pumasok siya at nagpasabog ng balita. Grabe wala man lang pagdahan-dahan.

Nilapag ko ang gitara at tumayo. Hinarap ko siya. Alam ko mali na sigawan at magalit ako sa kanya pero...

"Nagtaka ka pa ate. What do you expect me to react? Seriously? Ginawa niyo yun ni August nang wala man lang paalam sa akin eh ako yung kapatid mo. Gumagawa ka ng hakbang nang hindi nag-iisip."

"Lorraine! You don't have the right to say na hindi ako nag-iisip. Akala ko pa naman maiintindihan mo ako kapag sinabi ko na sa'yo." Nagagalit na rin siya. Aba wag niya ako sisihin na ganito reaction ko to think na gumawa siya ng decision without even asking me kung ano opinyon ko.

"Pero naman ate. Bakit agad agad? Eh kaka-propose niya lang sayo nung isang araw ah. Don't tell me takot siyang makawala pa kaya tinali ka na agad?"

"Hoy. Wag ka naman masyadong OA Lorraine. Bakit hindi mo na lang ako suportahan sa naging desisyon ko?"

"I can't just support you sa desisyong ginawa mo ate. Hindi mo rin ako masisisi kung nag- aalburoto ako ng ganito dahil diyan sa patago niyong pagpapakasal ni August. Naiinis lang ako na hindi mo lang muna ipinaalam sa akin bago kayo nagpakasal."

"Oo alam ko. Kasalanan kong hindi ko muna sinabi sa'yo. But Lorraine tapos na, at saka hindi pa yun simbahan, it's just civil wedding."

"But that's also the point! Hindi pa kayo kasal sa simbahan pero magsasama na kayo at may balak mo pa akong isama sa paglipat sa bahay nila. H-how can you ate? I thought your rational thinker but how could you end up like this?! At sa palagay mo ba basta basta mo na lang ako mapapapayag na sumama sayo sa iisang bubong kasama ang asawa mo?"

Bumuntong-hininga siya. God ayoko siyang awayin pero ayaw ko talaga sa gusto niya. Bukod sa hindi niya pinaalam sa akin biglaan din ang decision nilang dalawa. Naloloka na ako dito! Kaasar!

"Kapatid kita Lorraine. Napag desisyunan na namin ito at..."

"Oo kapatid kita at ang hirap tanggapin na pinaglihiman mo ako sa bagay na to!"

"Puwede ba makinig ka muna!! This is also hard for me kaya kung puwede intindihin mo naman ako!? I also don't want to do this pero ako nag-initiate kay August na isama kita. Mahal na mahal ko siya at mahal din kita. So please, just this once pagbigyan mo naman ako?" Her tears fell and I suddenly panicked. Argh! Ngayon ko lang nakita ate ko na umiyak sa harap ko at hindi ko yata ito makakaya. Kahinaan ko ang ate ko, at sigurado akong lagot ako kina mommy na pinapaiyak ko ang ate ko. Oh God anong gagawin ko? I sighed. Nag- aaway na naman kami. Ano bang dahilan at nagagawa ni ate Laureen magpakatanga ng ganito? Love?! Putik na love na yan!

I tried to touch her. Hinayaan niya lang ako hawakan ang kamay niya. Ang drama man pero this is life. Madrama talaga ang buhay. Hayst.

"Ate Laureen, I'm sorry. Please don't cry. H-hindi ko kasi maintindihan, bakit mo gagawin yun? P-pwede namang... ugh! I just don't get it kasi eh. Naiinis ako sayo. Don't get me wrong, pero nakakainis talaga desisyon mo. Una hindi mo ipinaalam na may balak na pala kayong magpakasal sa huwes, and then you told me na magsasama na kayo, kung isasama mo ako oo naiitindihan ko cause you don't want me to be alone. Pero kasi ate, ang hirap...ang hirap intindihin." Napakamot ako ng ulo nang nanggigil at naglakad paatras. Nakakaasar ang sitwasyon. Natatakot din akong mapagbigyan ko din siya. Sa lahat ng bagay, pinaka kahinaan ko siya. We are very close to the point na handa kaming mag-give up para sa ikasisiya ng isa. I sighed again and then looked at her, nakayuko at walang patid ang luha. Sa aming dalawa masasabi kong ako ang mas malakas. Hindi na mahina siya pero mabilis bumigay ang ate ko lalong lalo na sa pangalan ng pag-ibig. I hate that stuff.

My Ruthless Professor(COMPLETED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें