Kabanata 22- Puerto Galera

25K 430 17
                                    

  "Expose yourself to your deepest fear; after that, fear has no power, and the fear of freedom shrinks and vanishes. You are free." -Jim Morrison


***


Maaga akong nagising kinabukasan para sa lakad namin, ang outing sa Puerto. Araw ito ng sabado, mabuti na lang maaga rin akong nakatulog kagabi. Wala akong balita kina ate sa loob ng ilang araw kung matutuloy ba ang lakad ngunit alam kung may isang salita sila kaya maaga rin akong nag-ayos alas kuwatro pa lang bago mag-umaga.


Nag-aayos ako ng gamit sa bag ko nang marinig ko ang katok sa pinto. Bumukas ito at nakita ko si Thorin. Sumilip muna siya habang ako bahagyang nakabend dahil inaayos ko ang gamit na nakalapag sa kama.


"You're ready?" Aniya saka lumapit.


"Not yet. Nakikita mo naman di ba?"


"Yeah I see. By the way, I'm here para sabihing may iba pa tayong kasama."


"Sino?" Natapos ko ang pag-aayos ng gamit at humakbang para maghanda. Natapos na rin akong maligo kanina.


"Ynna's coming with us."


Natigilan ako.


"She wants to come."


"Alam ba ni August?"


"Oo. Nandoon na siya sa baba naghihintay. Mapilit siyang sumama so wala na rin akong nagawa." Umupo siya sa kama ko habang pinapanood akong magsuklay sa salamin. Nakatalikod ako sa kaniya ngunit kita ko siya sa salamin.


"Ah...ganon ba? Okay."


Ewan ko pero biglang bumigat ang pakiramdam ko dahil sa kaalamang sasama si Ynna sa lakad na to. Why did she need to do this? Para akong nawalan ng gana, pumapasok sa isip ko na huwag na lang sumama pero ayoko namang lumabas na nag-iinarte ako. Dali-dali akong nagpulbos at nakikita kong pinapanood ako ni Thorin. Blanko lang expression ng mukha niya kaya hindi ko mahinuha kung ano iniisip niya.


Natapos ako at handa nang lumabas ng kuwarto. Tumayo siya.


Tangka kong kukunin ang gamit ko nang agawin niya ito sa akin.


"Ako na."


He simply smiled at wala na din akong nagawa. Nauna akong lumabas ng kuwarto.


Kumpleto na pala sila sa sala including Ynna. I really hate her guts.


Magkakaharap sila habang nag-uusap at tila seryoso si ate while August is just formal. No expression saka ko naalala na hindi niya nga pala lubos na gusto si Ynna. Well from my source of course.


Lumapit sa akin si ate at bumulong. "I don't like her."


My Ruthless Professor(COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora