Kabanata 54- Gossips

13K 231 2
                                    

"Teka nga! Ano bang sinasabi niyong buntis ako? Ako talaga?" Mulagat kong tanong sa kanilang dalawa. Seryoso?! Ako buntis?! What the eff?


"Oo.. buntis ka nga ba?" Ani Sheen.


"Tsk! Umayos ka Lorraine. Hindi ako papayag na masira nang ganito kaaga ang kinabukasan mo. Hindi!" Pinangunutan ko ng noo si Carol dahil halos manlaki na ang butas ng ilong niya sa frustration sa kaalamang buntis daw ako.


"Are you my mother? At saka anong buntis- buntis sinasabi niyo? Hindi ako buntis! Ni wala nga kaming ginagawa ni Thorin eh!"


"Ano?!" Gulat na sabi nilang dalawa.


"And I'm not joking. Kanino ba nanggaling ang tsismis na yan?"


"As if we had idea. Wala nga kaming alam kaya nga tinatanong ka namin kung totoo...so,, hindi nga totoo?" Ani Carol.


"No." Napapikit ako dahil hindi ko kinakaya ang nalaman ko. Nakakainis kasi. Kung sino man ang nagpakalat ng balitang yan, ano kayang napala niya? Ugh!


Huminga silang malalim na parang nakahinga ng maluwag. Tsk. Talagang nakahinga sila nang maluwag na hindi totoo ah?


"Now we confirmed na hindi nga totoo, kailangan mong linawin sa schoolmates natin na hindi nga totoong buntis ka...you need to make your name clear." Ani Carol na matamang pinanood ang mukha ko. Siguro ay para makita ang reaction ko.


"But why do I need to do that?" Kunot-noo kong sabi. "Wala akong obligasyong ipaliwanag ang sarili ko sa kanila dahil wala akong pakialam. Bahala na sila kung anong gusto nilang paniwalaan pero hindi ako magsasalita ng kahit ano. " Sinang-ayunan ng sarili ko ang sinabi ko sa kanila. Tama. Hindi ko na siguro problema kung anong dapat nilang isipin tungkol sa akin basta malinis ang konsensya ko. Oo naiinis ako, walang duda doon. Pero ang mag-aksaya pa ako ng panahon na ipaliwanag o ipamulat sa kanila ang katotohanan, siguro ay magsasayang lang ako ng laway. Heck? People are like that and we know that. Paliwanagan mo man ng kahit ano, kung sarado ang isip nila sa mga paliwanag ay wala ding kuwenta. Mapapagod lang ako.


"Ano? Lorraine ano ka ba?" Ani Sheen. "Paano ka kung hindi mo sasabihin ang totoo? Makikinig ka na lang ba na pinaparatangan kang buntis when there's a fact na hindi nga iyon totoo? Ano ba naman?"


Tumango si Carol. "Sheen is right. Girl, you should do that. Please."


Umiling ako at nag-iba ng puwesto. Pinanood ko ang iba ko pang schoolmates na napapalingon sa gawi naming tatlo. Huminga ako nang malalim at nilingon sila. "Hindi...hindi ko alam." Napahilamos ako ng aking palad sa mukha at inisip si Thorin. Does he know already? Siguro ay hindi pa dahil kung alam niya nga ay baka mabilis niya na akong hinanap.


And from right that moment, he showed up in front of us with a worried expression on his handsome face. Para akong nakahinga nang maluwag nang makita ko siya. Niyakap niya ako at nilingon sina Carol.


"I bet you know already sir." Ani Carol.


My Ruthless Professor(COMPLETED)Where stories live. Discover now