Kabanata 14- The New's

35.3K 671 34
                                    

"You heard the news?" Napalingon ako sa two girls na nag-uusap, or should I say nagbubulungan dito sa tabi ko. Kasalukuyan akong nandito sa library, choosing books at the book shelves. Bahagya ko ng huhugutin ang librong napili ko nang marining ko ang dalawa. Sa lahat ng lugar na pwedeng pagtsismisan, dito pa talaga sa library? Napapailing- iling na lang ako. Wala na talagang pagpipiliang lugar ang gossips.


"Anong balita?" Sabi naman ng isa.


"May bagong professor ang university. Bussiness department din."


"Talaga? Anong pangalan?"


"I still do not know. But you know what? Usap- usapan hunky daw!" Kinikilig pang kuwento ng isa.


Psh! Basta usapang ganito hindi nila pinalalampas. Nagbabasa na ako ngayon ng libro nang patuloy ko pa rin sila naririnig. Hindi kalayuan ang kinatatayuan ko sa kanila kaya hindi ko talaga sinasadyang makarinig.


Our ear is an open space na hindi pwedeng pigilan kapag may sound waves na pumapasok. At hindi ibig sabihin na nakikinig ako ay gossiper na din ako. I just can't help to listen. Ugh! Hindi ako tsismosa. Cut it out!


Pilitin ko mang ituon ang attention ko sa book , pilit namang inaagaw ng may pagkahaliparot na kuwentuhan ng dalawa sa bandang kanan ko. Nagugusot na mukha ko dito.


But I was curious.


"Hunky?"


"Yup! Pogi at malakas din daw ang dating. He's teaching history."


"Owow. Kasing gwapo ba ni sir Thorin?"


I gulped at the name. Naalala ko na naman siya. Ay naku.


"Nah. Mas gwapo pa rin ang original. I think I heard his name somewhere. Ow-ow-ow...ah basta! Hindi ko na maalala masyado."


"Alamin na lang natin. Wew. Excited na ko makita siya!"


"Ah..." sabi ng isa na tila may naalala. "Another news, there's another person beb!"


"Ha? Meron pa?"


"Yeah. Narinig ko rin na may transferrie sa college of accountacy beb. Guwapo din siya at ito pa. Nakita ko na siya. Sa wakas nadagdagan ng mala artista ang school natin. He's cute!"


"Talaga?!" Bakas pa ang pagkamangha sa boses ng isa at medyo tumaas ang boses. Naiirita na ako sa usapan nila so I looked at them.


"Sshhh! Get out if you were keep on talking. This is library. Hindi lungga ng mga tulad niyo." I said in a bitchy tone.


Umirap ang dalawa sabay sabing "sungit".


Aba? At ako pa ang mali? Malisyosa kahit sino na lang pag-uusapan.


Hindi ko talaga maintindihan ang iba eh. Kaya nga sinabing library, lugar kung saan dapat nagbabasa lang ang tao at hindi puntahan ng mga gustong mag-usap sa buhay ng may buhay. Ano ba napapala nila sa mga ganong usapan? Hirap talagang intindihin minsan ng pag-iisip ng mga tao eh.

My Ruthless Professor(COMPLETED)Where stories live. Discover now