Kabanata 38- Startled

16.2K 272 8
                                    


  "The real lover is the man who can thrill you by kissing your forehead or smiling into your eyes or just staring into space." -Marilyn Monroe  



***



Tumagal pa ng ilang oras ang bonding naming apat sa tabi ng swimming pool hanggang umabot ang ganap na ika-sampu ng gabi. Kaniya-kaniya kaming paalam sa isa't isa matapos makapag-ayos. Akala ko ay iiwan na ako ni Thorin nang magboluntaryo siyang ihatid pa ako hanggang tapat ng kuwarto ko. Gustuhin ko mang alukin siyang pumasok, sadyang napagod na ako kaya tahimik na ninakawan ko na lang siya ng halik sa labi. Papasok na sana ako nang hilahin niya akong muli at gawaran ng mariing halik.

Napaungol ako saka mabilisang kumalas. Ngumiti ako. "Goodnight."

"Goodnight." Ngumiti siya saka ako pumasok. Isinara ko ang pinto at mabilis na humiga sa kama ko. Sinulyapan ko ang aking cellphone nang ito'y tumunog. Isang unregistered number ang nagpadala ng mensahe.

"You will regret this Lorraine. Hindi kayo magiging masaya ni Thorin hanggang narito pa ako. Tandaan mo yan. Magiging impyerno ang sandaling magkapiling kayong dalawa!"

Nabitiwan ko ang cellphone ko. Di sinasadyang sinalakay ako ng kaba dahil sa nabasa ko. Anong ibig sabihin nito? Sino ang nagpadala ng text na ito sa akin? Saan niya nakuha ang number ko? Maraming katanungan ang bumaha sa isip ko ngunit nanatili itong walang sagot. Natatakot ako sa maaaring mangyari dulot ng isang maikling mensahe na iyon. Ibig sabihin ay kilala namin siya. Pero sino? Hindi ko maipaliwanag pero sa palagay ko ay may hinala na ako kung sino ito dahil isa lang ang kilala kong nasaktan namin. Ngunit ayaw ko magpakasiguro. Hindi.

Natutulala akong humiga at tumitig sa kisame. Isang pagsubok na naman ba ulit ito?

***

"Kumusta ka naman?" Tanong ni Sheen ilang minuto bago magsimula ang klase kinabukasan.

Marahan akong tumango. "Okay lang. Kayo? Galit pa rin ba siya sakin?" Sinulyapan ko si Carol na tulalang pinapanood ang mga classmates kong nagkukulitan sa harapan. Umupo sa katabi kong upuan si Sheen. Tinunghayan ko ang mata niyang kinababakasan ng lungkot.

"Sa palagay ko hindi na masyado. Hindi mo lang alam pero kapag hindi ka nakatingin sa kaniya, tahimik ka niyang pinagmamasdan. Alam mo ba...ngayon ko lang nakitang nagkaganyan siya. She's always happy and jolly like there is no problem exist. Siguro nga talagang naapektuhan siya. Ano kaya kung mag-usap kayo?"

Umiling-iling ako. "Hindi pa ako handang humarap sa kaniya ngayon. Baka kung ano lang masabi ko."

"Pero ayaw mo bang magkaayos na kayo?"

"Gusto."

"Kaya nga dapat mag-usap na kayo sa lalong madaling panahon. Konting paalala lang Lorraine, at sinabi ko na rin ito sa kaniya, habang pinatatagal ang problema, lalo lang lumalalim ang puwang sa inyong dalawa. Isa pa, ako kaya ang nahihirapan sa inyo. Namimiss ko na yung nagkakasabay tayong kumakain ng lunch kahit pa ilang araw lang yon. Hindi sa masamang pagsabi sayo ha, pero ikaw ang nagkasala sa inyong dalawa. Make a move Lorraine. Suyuin mo na siya."

Napaisip ako at tinitigan ang mga mata ni Sheen na waring doon ako makakakuha ng kahit anong sagot. Para kasing ang hirap lalo na kung nananaig sa akin ang pride. Ganoon naman talaga ang tao eh, kung sino pa yung may mali, siya pa ang hirap na hirap humingi ng tawad.

Ngunit gusto ko na ring matapos agad ang alitan naming dalawa, pero paano? Paano?

"Ayoko siyang pilitin pa muna Sheen. Siguro darating din ang panahon na makakapag-usap kami. Huwag muna ngayon."

My Ruthless Professor(COMPLETED)Where stories live. Discover now