Kabanata 39- Huli ni Ate

18.5K 272 0
                                    

  "That was the thing about best friends. Like sisters and mothers, they could piss you off and make you cry and break your heart, but in the end, when the chips were down, they were there, making you laugh even in your darkest hours." - Kristin Hannah , Firefly Lane



***

"Are you mad?"

Marahas na nilingon ko si Thorin. As usual, ito na naman siya sa aking terrace, he climbed again like he used to do. Nakatalikod ako sa kaniya ngayon, nakatunghay sa madilim na paligid ng bahay. Walang buwan at stars ngayon, siguro ay nagbabadya ng ulan o makulimlim lang.

"Bakit naman ako magagalit?" Tanong ko.

"I don't know. Kaninang pauwi tayo, you didn't say or open a conversation. Tell me, bakit?"

He wrapped his arms around my waist. Ramdam at amoy na amoy ko ang mabango niyang katawan. Suddenly, my heart beats fast. Napabuntong-hininga tuloy ako.

"Wala naman akong sasabihin." Sabi ko sa paraang safe na idadahilan ko.

Sa totoo lang, medyo nairita lang ako sa sinabi niya kay Erika kanina. Kung bakit ay siguro'y nagdamdam lang ako. Ganon nga talaga siguro, nakakaramdam ang tao ng iba't ibang emotion, not knowing why or how. It's just a sudden feeling.

Inamoy-amoy niya ang leeg ko at ikiniskis ang pisngi niyang medyo magaspang na dahil sa papatubong buhok sa kaniyang pisngi. He smell my scent like his life depends on my skin. Naramdaman kong pumipikit na siya.

"Hindi ko alam kung anong dahilan ng ipinagkakaganyan mo. But I'm sorry."

Hindi ako nakasagot. Saglit man akong nag-atubili pero hinawakan ko ang mga matikas niyang braso sa beywang ko. Hinimas at pinisil ko ito.

"Thorin..." usal ko.

"Hmmm...?"

"I don't know if this is pathetic or overthinking... pero may tao yatang may masamang hangarin sakin."

"Huh? Paano mo nasabi?"

Umikot ako at hinarap siya. Half open ang bibig niya habang matamang nakatingin sa akin.

"I received a text message last night."

Kumunot ang noo niya. "What message?"

Dinukot ko sa bulsa ng shorts ko ang aking phone. Hinanap ko ang message at ipinakita iyon sa kaniya. Mas lalong kumunot ang noo niya habang ako pinagmamasdan ko lang ang pagbabago ng expressions niya.

I don't want to keep this to him. Para sa akin mas mabuting malaman niya agad ang mga nangyayari dahil unang una involve din siya rito. Hindi ako maglilihim. It's better if we both know this things.

"Sa palagay mo...sino yan?"

Ibinalik niya sa akin ang phone matapos niya itong mabasa.

"I don't know. Kailan nag-umpisa ang mga ganito?"

"Kagabi lang."

Huminga siya nang malalim at bahagyang umatras. "That's nothing. Don't worry."

"Pero paano kung totoo yan? Thorin hindi natin alam kung ano iyan. Naalala mo yung kanina? Maybe when that girl called me, may maaari nang nangyari sa akin kung hindi ko lang napagdudahan."

"Huwag mong sabihin yan. Walang magtatangka sayo."

"Paano ka nakasisiguro?"

"Because I will protect you. Okay? As long as I'm here, you don't need to worry. Hindi ko hahayaang may masamang mangyari. Malay mo, baka prank lang yan. Hindi natin alam kung totoo nga ba iyon. At yung kanina? I'm not sure pero hindi na yun mauulit, okay? Okay?"

My Ruthless Professor(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon