Kabanata 60- Strange Caller

16.6K 239 8
                                    

"Unreasonable? Why? Does being concern for our safety is already unreasonable? Ang isipin ko ba na makaligtas ka ay hindi tama? Lorraine, hindi ako nagagalit dahil sa tatanga tanga sila, nagagalit ako kasi parang wala lang sayo na nag-aalala at natatakot ako na may tangka na sa buhay natin, hindi lang ako but most importantly, maybe, it's you ang maaaring target nila."

Napayuko ako nang bahagya dahil sa mga sinabi niya. He's looking at me intently at hindi ko kaya ang mga titig niyang puno nang emosyon.

Am I wrong here? Bakit parang pakiramdam ko ako na naman ang mali dito?

Huminga siya nang malalim at sumandal. He stretched his legs at tumingala. Well, inangat ko kasi muli ang mukha ko kaya ko nakita. Naramdaman ko kasing hindi na siya nakatingin.

"This is bad. May death treaths na tayong natatanggap. Hindi na maganda ang nangyayari." He looked at me again pero ginalaw niya lang nang simple ang kaniyang ulo patagilid. "Titigil ka na sa pag-aaral sa NEU."

"Ano?" Kalma naman pero nagulat ako sa sinabi niya.

"Come on. Death treaths na. Sa palagay mo ba ligtas ka pa sa labas? Sa ngayon kailangan mo munang itigil ang pag-aaral. Hindi natin alam kung ano pang kasunod nito."

"Pero hindi ko puwedeng gawin yun. Isa pa magagalit si ate."

"Iisipin mo pa ba ang sasabihin ng ate mo?"

"Pero..."

"Kailangan nating mag-ingat. Okay? Alam kong nakakabigla ang mga nangyayari sa atin pero much better kung handa tayo. Hindi natin alam kung sinong may pakana nang mga ito so we need to be safe as of now while we are investigating whoever did this. Please?"

Tumango ako. Oo naiintindihan ko. Hayst. Ano bang nangyayari kasi talaga sa amin? Bakit umabot sa puntong may magtatangkang pumatay sa amin? Hindi ba parang ang OA naman? Sa anong rason? Ang over naman kung tungkol pa ito sa pagiging girlfriend ko ni Thorin. Ugh. Sa palabas nang nangyayari ito eh!

Gusto ko man magreklamo pero tama siya. Siguro nga ay dapat hindi muna ako pumasok habang ganito. Mahirap magrelax nang nakatanggap ka na hindi lang pagwawalang hiya sa pagkatao ko kundi, my God, death treaths na ngayon. Kanina nang makita ko kung ano ang laman nang kahon na yun, sinalakay na ako ng takot. Alam ko ang mga nangyayari kapag nakakatanggap nang ganon. Madalas ay talagang pinapatay nila kung sino man ang binibigyan nila nang ganoon. Kung ano man siguro ang dahilan, o sino man ang mastermind sa mga nangyayari, mas maganda na siguro kung mag-iingat kami. Sabi nga nila, prevention is better than cure. Wow. Nahugot ko saan yun?

"Okay."

"I'm sorry."

"Para saan?"

"Dahil nagalit ako kanina. Hindi ko sinasadyang magalit sa kanila. I just can't help it."

Umusod ako nang konti at sumandal sa kaniyang balikat. Parang biglang ginusto kong maglambing eh. I hold his hands and intertwined mine.

"Okay lang. Naiintindihan ko. Basta, huwag mong aalisin sa trabaho sila kuya. Nakadepende kasi sa trabaho nila ang buhay nang pamilya nila, hindi lang sila ang maapektuhan kundi pati na rin ang umaasa sa kanila kapag nawala ang kanilang trabaho. Okay?"

"But..."

"Oh! Huwag nang umangal...puwede mo naman silang pagsabihan na sa susunod eh wag nang basta basta magtitiwala sa hindi nila kilala. And..maybe we should banned Ynna here. Na huwag na siyang papasukin. Paano kung siya rin pala ang may kagagawan nito?"

"Ynna? No... hindi niya magagawa ang ganito. Kilala ko siya."

"Pero posibleng siya rin ang may gawa nito. Simula nang mabulgar tayo sa school, siya na ang laging lumalabas na may kasalanan. She even...she even scared me that you were going to leave me."

My Ruthless Professor(COMPLETED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat