Kabanata 40- Hospitalized

17.7K 301 5
                                    


2 updates! Enjoy!


***


"Don't be stupid Lorraine!"

"Seriously? Ano bang nangyayari sayo? This is crazy."

"Ikaw! Anong nangyayari sayo?! Bakit kailangan mo pang gawin iyon? Why did you two slept together? Nababaliw ka na ba? Anong pumasok sa isip mo at nagawa mo iyon?"

Matindi ang galit na nakikita ko sa mata ni ate. She is very furious. Kung dahil lang sa ginawa ko, bakit parang may hindi tama? Ganon pa man pinilit kong kumalma kahit nasaktan ako sa sampal niya sa akin. Huminga ako ng malalim at pilit tinimbang ang nangyayari.

"I already explain di ba? Masama ang pakiramdam ko kagabi. I don't want to disturb you kaya pinuntahan ko na lang si Thorin. Wala kaming ginawa okay? Wala siyang ginawa sa akin kung iyon ang iniisip mo. Don't be pathetic ate."

"Masama ang pakiramdam? Then you should knock our rooms door. Don't forget that he is a man. Dapat sa akin ka muna pumunta bago sa kaniya. Naisip mo ba kung anong iisipin ko kapag nakita kitang natutulog sa kuwarto niya? Ha? Lorraine?"

"Wait... why are you acting like this ate? Bakit ba galit na galit ka?! I already told you na wala ngang nangyari. At saka ikaw pa nga itong nagtulak sa akin sa kaniya dati. You even support my feelings for him. Bakit ka ba nagkakaganyan?"

Natigilan si ate at bumuga ng napakalalim na hininga. She closed her eyes saka dumilat. Nameywang siya at ginulo ang kaniyang buhok. Para bang bigla siyang nahimasmasan o nabuhusan ng malamig na tubig. Saglit pa siyang natitigilan bago ulit ako binalingan.

"I don't want this to happen again Lorraine. I'm just worried 'bout what I saw. Oo tama ka... I've supported you two. Pero huwag mong asahang kukunsuntihin ko ang pagsasama niyo sa iisang kuwarto sa loob ng isang gabi. That was unethical... I'm sorry."

Napansin kong nanubig ang kaniyang mga mata. Lumapit ako kay ate at humingang malalim. So that means nadala lang siya nang kaniyang emosyon. But still, I was curious. Parang may iba. Sigurado akong may kinalaman dito si August. Batay kasi sa narinig ko kanina bago kami lumabas ng room ni Thorin, may alitan silang mag-asawa. And this sudden madness? Alam kong dulot lang iyon ng kaniyang problema.

Madali para sa akin na mabasa nang ganito si ate Laureen. We are only two who's been together all the time. Kami na ang nagkasama simula pa lang maliit kami kaya basang basa ko na kung anong nararamdaman niya.

Bilang respeto din, hindi na ako nagtangkang magtanong ukol sa hinala ko. Pinunasan ko ang luhang unang pumatak sa kaniyang mukha saka siya niyakap.

"I'm sorry din ate. Hindi ko na ulit gagawin iyon. Naiintindihan kita."

"M-masakit ba ang sampal ko?" Aniya na medyo nahihiyang hinawakan ang kaliwang pisngi ko. Pakiramdam ko nga namula nga talaga ang mukha ko.

Ngumiti ako. "Ikaw kaya sampalin ko para malaman mo?"

"No thanks." Pagsusungit niya. Natawa naman ako. She smiled also.

"Aray." Daing ko nang maramdamang sumasakit na naman ang tiyan ko. Automatically napahawak ako dito.

Nag-aalalang hinawakan ako sa balikat ni ate. "W-what? Anong nangyayari? Are you okay?"

"I'm not. Bumabalik ang sakit."

"Alright. Maupo ka muna." Inalalayan niya ako hanggang sa ako'y makaupo. "Thorin!!" Sigaw niya bigla. "Come here! Quick!"

Namimilipit na naman ako sa sakit! Parang nilalamukos ang sikmura ko. Arggghh! Si ate naman natataranta sa harap ko habang hawak hawak ang magkabilang balikat ko.

My Ruthless Professor(COMPLETED)Where stories live. Discover now