Kabanata 3- Hints

41.7K 837 9
                                    

"Every secret of a writer's soul, every experience of his life, every quality of his mind, is written large in his works."
-Virginia Woolf

Introduce yourself.

Introduce yourself.

Paulit-ulit lang sa isip ko ang sinabi niya pero nag-aalinlangan pa rin ako kung gagawin ko. Tila ako isang inutil na hindi makasunod dahil sa nakakakabang mga tingin ng professor na to.

Naglakad na ako patungong harapan ng klase. Kinakabahan man I tried to compose myself.

"Hi! I am Lorraine San Juan. I'm 19 years old." Nilingon ko si sir sa left side ko. Wait, tama ba ako ng nakita ko o hallucination na naman to? He's half smiling and I don't know why. Ngumiti itong ruthless professor na to? Sa akin? Ngunit sa isang pitik din ng segundo bigla ring nawala ang munting ngiti na iyon na tila isang multo na dumaan, para akong namalikmata sa isang bagay na hindi kapanipaniwala. He's back to serious face.

"Is that all, Ms. Lorraine?"

I suddenly notice my classmates reaction nang sinabi ni sir ang pangalan ko. What? Anong kakaiba sa pagbanggit ng pangalan ko? Sa pagkakaalam ko that's the right way of addressing students, first name basis. Weird students. Tsk.

"Yes sir."

"Alright, you may now take your seat."

And the rest of the period continued. Hindi ko na pinansin ang hindi pa rin mawalang reaksyon sa mga mukha nila samantalang yung iba pasimpleng bulungan. Hindi ko talaga sila maintindihan. They were acting na parang mayroong kakila-kilabot na nangyari kanina. I wondered also kung ano yon ngunit sa palagay ko hindi ko na kailangan malaman, wala naman sigurong masama kung hindi ako makikisawsaw.

Lunch break. Kasabay ko si Carol at Sheen talking and arguing again. Naghihinala na rin ako kung tomboy nga ba itong so Sheena dahil mahilig din siyang dumaldal, in a different way nga lang. Bestfriends nga talaga sila, nagkakasundo sila sa ganoong bagay.

"Lorraine, wala ka bang napansin kanina sa period ni Sir Olivar?" Carol asked. So mukhang pati silang dalawa hindi rin nakamove-on tungkol sa nangyari. Curiosity kills at kailangan kong malaman kung ano iyon. I manage to act innocent.

"Napansin? Wala naman, bakit?" Pareho nila ako tiningnan ng kakaiba. Pfft. Ano to interrogation?

"Seryoso! Wala nga?" Ay ang kulit.

"Wala. Seriously?"

They both look at each other. Ugh. Ang ayoko sa lahat binibitin ako sa isang bagay na alam kong dapat kong malaman.

Sheen spoke. "Sir Thorin never addresses his students in their first name! Hindi ba kataka-taka yon? Lahat yata ng studyanteng nahawakan niya dito sa NEU alam ang bagay na iyan."

"Yeah as in super duper right!"

"So? Anong kakaiba sa bagay na yon? People always change and there is always a first time. Pwede ba wag nga kayo paranoid." Sus iyon lang pala. Anong big deal doon? Wag nila sabihing nagkaroon ng special treatment sa case ko? Seryoso? Konti na lang malapit na akong maniwala na may kakaiba sa pag-iisip ng mga students dito. First day pa lang ang dami nang weird na nangyayari, mukhang nadamay na din nga pag-iisip ko. Argh.

"Yeah. Agree kami sa first time na sinasabi mo, pero hindi rin nakaligtas sa paningin namin ang half smiling face niya. At huwag mong ikaila na hindi mo napansin iyon kasi halata sa face mo kanina na nagulat ka. That is more unexpecting. At! Hindi kami magrereact ng ganito at syempre ang iba kung simpleng insidente lang ito. Because he is terrible Thorin Olivar. Nakakabit sa pangalan niya ang nakakatakot na aura at consistent siya sa image niya na yon. Walang sinuman ang nakapansin na may iba sa kanya kahit ang ibang professors dito. Lahat sila ilag. Until kanina!" With matching panggigigil tone na sabi ni Carol. Hindi ba siya galit niyan? Hindi ko rin naiwasang mag-isip sa sinabi niya. Anong meron sa akin? Hindi ako nagyayabang ngunit may pakiramdam akong kilala ako nitong ruthless teacher namin. Iyon ang aalamin ko.

"Well, sabihin na nating kakaiba ang naging treatment niya sa akin kanina. But I have no idea. Alamin na lang natin sa susunod na mga araw. Ang O-OR niyo."

"Anong OR Lorraine?" Si Sheen

"Yeah! Official Receipt?"

"No! Over Reacting!" I smiled. Corny joke, isn't it? Tawa kayo.

"Ahh." Magkapanabay na sabi ng dalawa. Binatukan ko nga. Hindi pa binili minsan na nga lang magbenta.

My Ruthless Professor(COMPLETED)Where stories live. Discover now