Kabanata 62- Self Proclaimed

20.1K 337 15
                                    


  "Always do what you're afraid to do.
...
I will prove myself strong when they think I am sick.
I will prove myself brave when they think I am weak." -E.Lockhart, We were Liars   




"Si-no-yan?" Disgusted na sabi ni Carol. Ako naman tinagilid ko ang ulo ko para hindi niya ako makita.

Pasimple kong kinalabit sina Carol to warn them.

"Bakit?" Tanong nilang dalawa.

"Ynna." Mahina kong sabi, sapat na para parehas manlaki ang mata nila. Suminghap sila saka binalingan ulit si Ynna na palakad lakad. Mula sa naaabot nang tingin ko na mga studyante, lahat sila nagtataka kung bakit may babaeng naggagala sa school nang ganyan ang itsura. She's obviously not studying here dahil sa suot nya, yun ang pinagtataka nang mga schoolmates ko.

"Ang ganda niya." Usal ni Sheen pero siniko siya ni Carol. Lumabas din ang pagiging lesbian ni Sheen. Ugh.

Seriously, nagfafashion show ba siya diyan? Anong kaartehan ba pinagagagawa nang babaeng yan dito?

"Oh! There you are!"

Mas lalo akong kinabahan! Alam kong palapit na siya sa akin and so I heard his boots steps. Pumikit ako nang mariin. Wala akong ibang nararamdaman ngayon kundi pangamba. Pangamba kung anong maaaring mangyari kapag nagkausap kaming dalawa.

"She's coming."

And so I waited.

"Hi there! Long time no see!" Hindi ako pinalaking bastos nang mga magulang ko kaya hinarap ko siya nang nakataas noo. Nakaharap siya sa akin, two feets away while Carol and others just watched us.

She speaked seductively. Nakataas pa ang isa niyang kilay. Hindi siya nang hahamon nang away sa itsura niya pero alam kong may kakaiba sa mukha niya. I know there is something in her eyes at kung ano iyon ay tingnan natin kung ano nga bang gagawin niya. Nakakainis lang na bakit kailangan niya pang pumunta dito? Sinong sadya niya?

"Hello." Ngumiti ako nang tipid. Ugh. Ang plastic ko.

"Nice. Having good time here?" Inikot niya ang paningin sa mga kasama ko. Si Ace naman napapanganga na halos sa kakatingin kay Ynna. Samantalang ang katabi ko na si Carol, nakita kong kumikibot-kibot ang labi at ang sama nang tingin kay Ace na nasa tapat namin. Magkakatabi kasi kami nina Carol at Sheen tapos sa gilid namin nakatayo si Ynna. Bandang kaliwa.

"Actually, oo." Pero hindi na nang dumating ka. Muntik ko nang maidagdag. Tss.

Ngumiti siya ulit. "Can I have a seat? You don't mind naman hindi ba?"

Umiling ako. "Sige." Tipid kong sabi.

I halfly opened my mouth nang paglandasin niya ang kaniyang mahahabang daliri sa hibla nang kaniyang mga buhok. Para siyang nang-aakit na ewan. Tiningnan niya at nginitian nang matamis si Ace. Yung isa naman hangang-hanga. What the heck? Did she came here for some beauty show? Para ibalandra kung gaano siya kaganda? Naku, kung si Thorin tong nasa harap ko eh baka mas nagwala ako. Pero hindi kasi yung nasa harap ako ang nangungurot na sa gilid ko dahil sa inis niya. Si Sheen napapailing-iling na lang sa katabi namin.

Sumandal ako sa aking upuan at nag-cross arms. Tinaasan ko nang isang kilay si Ynna.

"Pakilala mo naman ako sa kanila, Lorraine. " Aniya.

Yan, nag-isip pa ako pero pumayag din sa huli. "Carol, Sheen, Ace...si Ynna. Bestfriend ni Thorin. Ynna, mga kaibigan ko." Walang kangiti-ngiti na sabi ko. Tumango lang sina Carol at Sheen. Naglahad nang kamay si Ynna pero hindi tinanggap nang dalawa. Para siyang napapahiyang ngumiti tapos binalingan si Ace na nasa tabi niya.

My Ruthless Professor(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon