Kabanata 23- His Naughtiness

26.2K 531 23
                                    

  "Scared is what you're feeling. Brave is what you're doing." - Emma Donoghue, Room

***


Hindi umabot ng isang oras ang biyahe mula Manila hanggang Puerto Galera. Umalis kami doon ng 4:30 siguro at dumating kami bago mag 5:30 ng umaga. Nagpabook na daw ng hotel si August at ang pangalan ng resort ay Coco Beach Island Resort na nasa bayan ng Sabang. Nabibilang ang Puerto Galera sa Silangan ng Mindoro, I mean Oriental Mindoro. Part pa rin ito ng Luzon at kasama sa rehiyon ng MIMAROPA. Hangang-hanga talaga ako sa ganda ng mga beach dito dahil napakaganda ng mga tanawin, sobrang relaxing at makakalimutan mo talaga ang mga problema mo.


Hindi pa namin napuntahan ang resort na ito nila mommy noong nabubuhay pa sila, siguro we've been here at Puerto Galera two times at sa ibang beach resorts yun.


Nakarating kami sa resort na pinabook na ni August noong mga nakaraang araw. Nauunang maglakad sina August, Thorin at Ynna na nakadikit na naman sa kaniya habang ako kasabay ko si ate. Halos lahat kami hindi mo na mabilang kung ilang beses na napausal ng wow habang naglalakad. Busy kami lahat sa paggala ng paningin sa buong lugar. Puno ng malalagong puno at halaman ang lugar at may bandang mga elevated ang tinutuluyan. Sa palagay ko ay pang VIP iyon. Malakas at napakapresko rin ng hangin, malayong malayo sa hangin na nakasanayan ko sa Manila. This is place is so wonderful! Gugustuhin kong dito na siguro tumira,para rin kasing hinahaplos ang mga mata mo sa ganda ng lugar. Nakikita rin naman ang dagat na kulay dalandan dahil sumisikat pa lang ang araw. Kitang kita ang lawak nito maging ang puting buhangin. Tamang tama lang ang biyahe namin para masulit ang dalawang araw. Para tuloy ayoko nang pumasok sa Monday at maglagi pa ng ilang araw dito. Haaay..


Bahagya ring nawala sa isip ko ang tungkol kay Thorin. Napalingon ako bigla sa kaniya na ngayon ay kausap ni Ynna tungkol sa tanawin.


"Sana pala dito na rin tayo pumunta noong buhay pa sila mommy sis. Para sa akin mas maganda pa ito sa mga napuntahan na natin dati."


"Yeah. Tama ka ate. Ang ganda."


May lumapit sa amin na employee siguro at hinatid na kami sa suit na tutuluyan namin. Apat ang napiling tuluyan ng grupo. Isa para kina ate Laureen at August, isa rin para kay Thorin, sa akin at kay Ynna na napalayo ang suit sa aming apat Hindi naipabook ni August si Ynna dahil biglaan ang pagsama kaya naman kinailangan niya pang maghanap ng matutuluyan.


"Argh. Ayokong malayo sa inyo." Reklamo ni Ynna kay Thorin. Magkatabi na si ate at August habang ako nasa gilid lang din nila, tahimik na nagmamasid sa paligid pero dinig na dinig ko ang pag-iinarte ng feeling girlfriend. Tss. Kanina pa siya nagrereklamo.


"Hindi ka naman namin iiwan. Don't worry dadaanan kita lagi sa room mo."


"Talaga? Ang bait naman ng bestfriend ko!" Sabay kapit sa braso ni Thorin habang ngiting-ngiti. Para naman ako napasong napaiwas ng tingin. Great... Stupid reactions!


"Let's go." Anyaya ni ate.


Pumunta na kami sa kaniya-kaniyang suit matapos iyon. Sa mga oras na dumating kami kanina kapansin-pansin na hindi man lang ako kinakausap o kahit tapunan man lang ng tingin ni Thorin. Nagalit nga ba talaga siya tungkol sa naganap noong nasa sasakyan niya kami?

My Ruthless Professor(COMPLETED)Where stories live. Discover now