Kabanata 37- His Thoughtfulness

21.2K 307 9
                                    


  "At some point, you have to stop running and turn around and face whoever wants you dead.The hard thing is finding the courage to do it." -Suzanne Collins, Catching Fire  


***


Tunay na nakalulugod sa sinumang puso ng tao ang main-love. Masaya lalo na kung minamahal ka pa ng higit nang taong mahal mo. Wala na siguro akong mahihiling kapag kasama ko si Thorin. Hindi ko akalaing magkakaganito na ako sa ikli ng panahon.

Matapos ang halik na pinagsaluhan namin ni Thorin nang gabing iyon, halos hindi ako nakatulog. That was my first amazing kiss! Naligalig ang buong sistema ko. Nagpabaling-baling ako sa higaan ko at hindi ko na namalayan kung anong oras ako dinalaw ng antok. Ang resulta? Ito...nakaharap ako sa salamin at muntik nang hindi makilala ang sarili. Gulo gulo ang buhok ko at ang mata ko, nangingitim dahil napuyat!

Napasabunot ako nang wala sa sarili. "Arrgggh!!" Nakakafrustrate. Papasok ako nang ganito ang itsura ko! Anong gagawin ko kapag napansin nilang nagkaganito ang mata ko? Na hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Isa pa ay baka matawa sa akin si Thorin dahil walang dudang malalaman niya kung bakit ako nagkaganito. Oh jeez!

Nagdadabog na naligo ako sa banyo. Well natural banyo nga. Hindi naman ako puwedeng maligo sa higaan ko. Inayos ko ang sarili ko pagkatapos saka nagpasyang bumaba para sa breakfast. Ang daily routine. Nilagyan ko na lang ng cream ang ilalim ng mata ko upang di mahalata ang pangingitim. Tss. Pesteng halik yan.

Pagbukas ko ng pinto, may nakalatag na isang piraso ng red rose sa tapat nito. Nagtatakang pinulot ko ito.

Sinong maglalagay ng ganito-----... ah.. Thorin.

Napangiti ako. Palagay ko ito na ang gamot sa masamang gising ko. Naglakad ako patungong hagdan saka bumaba. Nakita ko pagdating sa dining table na kompleto na silang tatlo. Nagtataka naman akong umupo dahil hindi nila ako pinapansin maging si Thorin na tahimik lang kumakain. Anyare? Inilapag ko sa gilid ang bulaklak.

Nagtataka man tumahimik lang ako. Dahil nakataob ang plato, binaliktad ko ito para sana lagyan na ng pagkain ngunit laking gulat ko nang may nakadikit na note dito.

Good morning my sweet lorraine. I love you- THORIN

Napakagat-labi at sumilay ang hindi mapigilang ngiti sa labi ko. Pag-angat ko nang tingin seryoso pa rin si Thorin na kumakain habang sina ate Laureen at August nangingiti-ngiti na nakayuko.

"A-ano to?" Tanong ko kay Thorin. Pinipigilan ang kilig.

Maang na tumingin sa akin si Thorin. "Ang alin?"

"Ito." Tinanggal ko ang note at ipinakita sa kaniya. "Ikaw ang may gawa nito."

"Ako nga." Bigla nginitian at hinalikan niya ako sa pisngi. "Good morning."

"Ayiiieee!!!" Tili ni ate. "Ang corny niyong dalawa! Huwag nga kayo dito!"

Natatawa rin si August sa amin. Pinamumalahan na yata ako ng mukha. Ang init bigla ng pisngi ko. Ayst!! Bakeeeet kaseeeee!!!

"Grabe may flowers na nga may love note pa! Oh eh di kayo na. Kayo na in-love!" Dagdag pa ni ate.

"Inggit ka hon?" Ani August. Itong dalawang to iba't iba ang tawagan sa isa't isa. May babe na may hon pa. Naku. Nasapak ni ate si August at ngumuso.

Natawa na kaming apat. Sinandukan na naman ako ni Thorin ng pagkain. Nagpasalamat ako saka nagsimula na ring kumain.

"What happened to your eyes?" Tanong ni ate.

My Ruthless Professor(COMPLETED)Where stories live. Discover now