Kabanata 56- Terrified

14.5K 265 5
                                    

Hi! UD ulit. :-)

#####


Matapos ang araw na iyon, alam kong marami-marami pa ang magbabago sa mga araw na nasa school ako. We headed to house and bond with the married couple. Si August at ate Laureen kasi masayang nanonood sa sala nang madatnan namin ni Thorin.

"Oy." Bati ko.

"Oy! Musta ang araw nyo? Bakit parang nanghihina kayo?" Ani ate.

"Huh?" Umupo ako sa tabi niya. Si Thorin naman dumiretso sa kusina, para siguro uminom nang tubig. "Anong sinasabi mo ate?" Kunwari natawa ako.

"Wala. Napansin ko lang. Kumain na kayo?"

Tumango ako. Tumabi naman sa akin si Thorin pagkagaling niya sa kusina kaya ang itsura namin dito napapagitnaan kaming dalawang babae at nasa magkabilang side naman si August at Thorin. Umakbay siya sa akin pagkaupo. "Kumain na kami sa labas bago umuwi."

"Okay. Siya nga pala, we're going out of country. Babakasyon kami."

"Talaga? Saan?"

"Sa Europe. Bibisita na din kami kay Daddy." Si August ang sumagot.

"Tell him to visit here." Thorin

"Okay sige."

"Teka, hindi ba masama sayo bumiyahe ate?"

"Hindi naman. May pahintulot na kami nang doktor ko."

Ngumiti ako at tumango. Ilang minuto lang kami nagtagal sa sala at nagtungo na sa kuwarto. Pagkapasok ko pa lang sa pinto ay nagulat ako nang mabilis iyon sinara ni Thorin.

"Hala? Anong ginagawa mo?" Gulat kong sabi. Kagulat naman kasi yung biglaan niyang pagsara na parang may tao pang susunod na papasok. Nye?

Nilock niya pa ang pinto.

"Wala. Mabilisan ko lang sinara dahil baka bigla mo na naman ako pagsarhan. Hindi ko kinaya yung kagabi."

Natawa ako at dumiretso sa kama. Nilapag ko ung bag ko at pabagsak na umupo. Tumabi siya sa akin na sa gulat ko ay bigla akong pinahiga. Oh my God. Nagulat ako kaya mas nagpadagdag yun sa mabilis na tibok ng puso ko. Nanlalaki ang matang tiningnan ko siya nang naglean siya palapit sa mukha ko.

He slowly touched my face with his right hand na parang ang gaan gaan ng pagkakahaplos niya.

"I'm sorry."

"Para saan?" Maang kong tanong.

"For what I've said last night. Hindi ko gustong ipalabas na wala kang pakialam. I....I just think it that way and I'm sorry for not understanding your side."

"Bakit ngayon ka lang nagsosorry? Isang araw na ang nakalipas."

"Last night wasn't a good time. After what reaction I've saw in you when you read that message, hindi na ako naglakas ng loob na pag-usapan ang bagay na yon. Kanina naman sa school, mas lalong hindi dahil mas mabigat ang naging problema doon. This is the right time. ....Hmmmm...." he moved down at sumubsob sa gilid ko. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa paghingi niya ng sorry. I thought nakalimutan niya na, hindi pa pala.

Naamoy ko ang bangong hindi nawala sa maghapon sa kaniyang katawan. Maya-maya pa relax na siyang humihinga sa dibdib ko. I mean, ugh. It's not like that. Nanatili kasi siyang nakangudngod sa gilid ko. Nakangudngod talaga. Haha. Basta.

"Thorin..."

"Hmmm." Parang ungol na lang na sabi niya sa sobrang hina.

"Doon ka na sa kuwarto mo."

My Ruthless Professor(COMPLETED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat