Kabanata 58- Nasty Pictures

16.2K 256 7
                                    

"Ang aadik niyo, ano?" Singhal ko habang paakyat na kami nang hagdan.

"Haha! Grabe talaga. Panalo talaga yung tili ni Lorraine kanina." Tatawa tawang sabi ni Sheen.

"Grabe." Hindi na makahinga halos na tawa naman ni Carol. Nako ang aadik ang lalakas ng tripping. Kung di lang ako masaya kanina baka nasabunutan ko na tong dalawang to. Tama ba namang takutin ako? Di ba? Nasaan ang hustisya doon?!

"Kainis kayo."

"Hey!" Sabay sabay kaming tatlong napalingon sa likod namin nang marinig ang tumawag. Nakasunod na pala si Thorin.

"Hi sir!" Sabay na bati nang dalawa. Mas lalo akong sumimangot.

"Oh? Bakit ganyan na naman itsura mo? Masaya ka naman kanina ah?"

"Yang dalawa. Pinagtripan ako."

"Haha! Sumbungera kay sir si Lorraine. Oh no you don't dare friend." Natatawang sabi ni Carol.

"What's that?" Takang tanong niya.

Umirap ako saka nagpatuloy maglakad. Sumunod na lang sila sa akin habang yung dalawa patuloy pa rin tumatawa pero hindi na kalala tulad kanina. Magkapanabay kami ni Thorin naglalakad pero hindi ako nagsasalita. Maging siya rin. Yung dalawa nagkukulitan naman sa likod.

"Hey, ano bang nangyari?" Ani Thorin sa akin. Bahagya pa akong nagulat nang bigla na lang siyang magsalita. Tsaka bakit ba siya sumasabay sa amin ngayon eh sa faculty ang punta nya?

"Wala." Tipid kong sagot na nasa tonong okay, wala lang.

"Naasar yan sir. Huwag niyo muna kausapin." Sabi ni Carol mula sa likod.

"Ano? Sino ba may kasalanan? May palaro-laro tayo pa kayong nalalaman."

"Haha! Okay sorry na friend!"

"So you two did scare her?" Pagbibigay-hinuha ni Thorin. Tsk. Hindi ko alam pero talagang naaasar ako sa ginawa nilang pananakot sa akin. Hindi naman kasi magandang biro yun, basta naiinis ako. Hindi naman ako naniniwala kanina sa boses bata na yun, but I can't help to get scared. Masisisi niyo ba ako kung matakot ako? Paano kung mga studyante yung nantitrip sa akin tapos idagdag pang may mga masasama akong nasabi kahapon sa kanila? Paano kung binalikan pala nila ako? At mas nakakainis pa na mga kaibigan mo pa ang gumawa nun sayo, dagdag pagkapikon. Although hindi naman ako pikon pero iba kasi ang sitwasyon ngayon na alam kong maaari na naman ako makaranas ng bullying sa ibang studyante. I have experienced it and yet it was so embarassing.

"I'm sorry sir. Natuwa lang naman kasi kami na takutin siya." Sagot ni Sheen. Palapit na kami sa room at nag-uusap habang naglalakad.

"Then you shouldn't do that again. It's something that can't be done as a joke or a play. Hindi na kayo bata. Tingnan niyo ang kaibigan niyo, nagalit."

"Hala? Lorraine, you mad?" Nag-aalala na sabi ni Carol. Hinawakan niya pa ang kabilang balikat ko para pigilan sa paglalakad. We stopped a room before ours.

"Mad? Of course not." Galit nga ba ako? Hindi naman. Nakakainis lang.

"Sorry na."

"Oo nga sorry na."

"Okay." Tipid kong sabi. Nilingon ko si Thorin. "You're not going anywhere?"

"Hala? Nadamay ako?" Cute reaction kaya napangiti ako kahit ayoko. Meron ba non?

"Sira. Anong oras na kasi kasama mo pa kami. Pumunta ka na sa faculty room niyo."

"Later. Magliligpit na lang naman ako nang mga gamit ko. This is my last day but I did said farewell to my other handled years and section yesterday kaya hindi na ako aattend ng classes including your room. Pinapaalis mo na agad ako?"

My Ruthless Professor(COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora