Kabanata 51- Culprit

13K 238 17
                                    

"Gosh. Andiyan na si sir!"

Napakurap ako nang marinig ko ang salitang iyon mula sa harapan ko. Lutang pala ang isip ko mula kanina pa at hindi napansin na nakatayo na sa pinto ng room si Thorin. He's standing there with crossed arms on his chest like he used to do. Kunot ang noo niya at pinapanood ang mga kaklase kong ang tatahimik na tila natuyuan na ata ng laway dahil mula pa kaninang ni hindi ko marining kung nagsisalita ba o sadyang nawala lang talaga ako sa huwisyo. I snapped and sigh. This is not...usual times of his lecture. I think.

Humakbang siya patungo sa kaniyang table sa harap at itinukod doon ang kaniyang magkabilang braso na namimintig pa ang muscles.

Pinagtagis niya ang kaniyang bagang at tiningnan lang kami sa loob ng ilang segundo. Umirap lang ako at naghintay. Dami patalastas talaga nito.

"Ms. President..." aniya bigla kay Wella.

Napatayo siya bigla. "Sir?"

"I don't know how, it happened. But somehow....tha-"

"Ay sir! Sorry po talaga. Sorry po. Hindi ko po ginustong mangyari iyon. Iyong totoo po wala akong alam kung sino ang nagpakalat. I'm sorry kasi kasalanan ko dahil nagpabaya ako bilang president nila. Sana po mapatawad niyo po ako." Halos mangiyak ngiyaka na turan ni Wella. Everybody was shocked when she stand up and beg like it's all her fault. Hindi agad nakapagsalita si Thorin. Bago pa man siya makapagsalita muli ay nagsalita ulit si Wella. "Mapapatawad niyo naman po kami di ba po sir? Kainis po kasi sila hindi sila marunong makinig. Ako na po ang humihingi ng dispensa sa kasalanan ng kung sino man ang nagbunyag ng tungkol po sa inyo ni Lorraine," she paused and continue, "hindi naman po kayo pinatalsik agad di ba po sir?"

"Actually, I was." Ani Thorin na nagdulot nang biglaang usal nang pagkahinayang ng mga kaklase ko.

"Hala sir, totoo po?" Tanong muli ni Wella.

Maging ako ay nagulat pero inaasahan na rin naman namin iyon kaya hindi na sobra sobrang pagkagulat. Magulo ba? Bahala kayo mag-isip.

"Yeah. It's true."

"Ibig sabihin po aalis na rin kayo dito sa school?" Tanong naman ng isa.

"Oh my God."

"Naku magsisi sana ang nagpakalat."

"Oo nga. Usigin sana ng konsensya."

"Eh sir di po ba talaga puwedeng dito na lang kayo magturo? Dito na lang po kayo!"

"I can't. Hindi pumayag ang council at kahit pa magmakaawa tayo, hindi na sila papayag dahil isang matibay na rule na iyon. Nakapagdesisyon na sila."

"Awww..." sabay sabay na sabi nila. Ako naman tahimik lang. Hindi ko kasi alam kung dapat rin ba akong magreact ngayon, kagaya nga ng dati. Inasahan na namin ito. Ginusto na namin ito, iyon nga lang mas napabilis. Baka nga masaya pa ngayon si Thorin na nabunyag na ang sikretong nakakapagbigat daw sa kalooban niya eh.

Oo nalulungkot ako. Dahil nangyari na ang pinangangambahan ko noon na pagkatanggal niya sa serbisyo. But do I have a choice kung ito naman talaga ang gusto niyang mangyari? Tatanggapin ko na lang siguro. Pero...ano kayang mangyayari ngayon sa akin? Aapihin din kaya ako tulad nang nangyari kay Fatima Rodriguez? Bigla na lang pumasok sa isip ko kung ano kayang mangyayari sa akin mamayang lunch break? Pagkalabas ko kaya ng classroom ano kayang sasalubong sa akin?

"Sir...mamimiss po namin kayo." Ani Wella. Nakaupo na siya ngayon.

"Opo sir. Totoo po yon!"

"Dito na lang po kayo sir! Please!"

"No I can't. But thank you. Ms. Wella, hindi mo na nga pala kailangang magsorry."

"Po?" Ani Wella.

My Ruthless Professor(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon