Chapter 35

2.4K 41 1
                                    

THIRTY-FIVE
— — —

I stood on the sidelines as I watched the men line up for the garter toss. To my surprise, isa sa kanila si Alron kahit na hindi naman siya tinawag ni Kailyn. I can't believe this. Nagpaparticipate pala sa gano'n si Alron?

I felt someone stand beside me. I looked to see who it was and glared when I saw Kailyn. Pahamak ang babaeng 'to. Hindi naman kami close.

"Sino kaya ang magiging lucky groom mo, hm?" Siniko pa niya ako habang nakangisi.

Hindi ako sumagot dahil baka ano pa ang masabi ko lalo na't kanina pa ako naiinis. Alam ko kung ano ang susunod na mangyayari at baka himatayin ako sa hiya bago pa maganap 'yon.

Muli akong humarap sa mga lalaki at saktong makita ko ang paghagis ni Brian. Sinundan ko ito ng tingin hanggang sa may makasalo nito. Nilingon ko kung sino iyon at nalaglag ang aking panga nang makitang nasa kamay ito ni Alron.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Matutuwa ba ako dahil si Alron ang nakasalo? O mahihiya dahil... dahil isusuot niya iyon sa akin sa harap ng maraming tao.

Mariin akong napapikit. Narinig ko ang masayang tili ni Kailyn na sinabayan niya pa ng palakpak.

"Oh my God! What a coincidence!" Tawa ni Kailyn. "Paghihintayin mo pa ba ang kaibigan ko?"

Inirapan ko siya.

Tinawag ako ng emcee at wala akong choice kung hindi lumapit sa kinatatayuan nila ni Alron. Umupo ako sa upuang nasa gitna. Pinaluhod naman ng emcee si Alron sa isang tuhod na para bang magpopropose ito. Hindi ko magawang tumingin kahit na gustong-gusto ko.

Maingay ang buong venue dahil sa mga tili at pang-aasar ng mga bisita. Napakagat ako sa aking labi at sa ibang gawi tumingin.

"Ay, mukhang nahihiya ang future bride natin!" Ani ng emcee na ikinatuwa naman ng audience. "Okay lang 'yan, 'te. Super pogi naman ng future husband mo!"

Naramdaman ko ang pag-init ng aking pisngi. Someone save me, please!

Dahil napilit ako ng emcee, ibinaling ko ang aking paningin kay Alron habang isinusuot niya sa aking binti ang garter. Mabuti na lamang at hindi ako nakadress. Hindi rin siya makatingin sa akin at saka pa lang siya nag-angat ng tingin nang nasa hita ko na ang garter.

Our eyes met and he smirked. Agad kong iniwas ang aking paningin at pinigilan ang aking sarili na tumili. Goddamn it, ang hirap magpigil ng kilig!

The drive back home was filled with awkward silence.

Pareho kaming hindi nagkikibuan ni Alron mula nang matapos ang nangyari kanina. I felt my cheeks warm up. Gusto kong tampalin ang aking sarili. Tapos na nga at lahat pero kinikilig pa rin ako! Umayos ka nga, self.

Pero totoo kaya 'yung mga sabi-sabi? Kami nga kaya ni Alron ang susunod na ikakasal? That thought made me anxious and excited. Kaso nga lang hindi ko pa nga siya sinasagot tapos kasalan agad? I glanced at him. He was focused on the road in front of us.

Well, that doesn't sound so bad... at saka nasa tamang edad naman na kami. But I can't help but worry, though. Kung ikasal nga kami ngayon, tatagal kaya kami? That's why I let him court me. Para mas lalo pa kaming magkakilala. Plus, hindi basta-basta ang pagpapakasal.

Teardrops of the Sky (The Skies Series #1)Where stories live. Discover now