Chapter 12

1.7K 33 1
                                    

TWELVE
— — —

"Wait, you mean to say na matagal mo nang alam na may girlfriend ang anak ko?!"

Bahagya akong tumango. "Opo." Tipid kong sagot.

I told them the truth. If I were to fix things, kailangan kong sabihin ang totoo at kumbinsihin sila na huwag nang tanggalan ng mana si Alron. Siya pa naman ang mamamahala ng kumpanya nila kapag nagretiro na sila Tito. Mabuti na lang at medyo kalmado na si Tito mula sa nangyari.

"At... hinayaan mo lang sila?" Marahang tanong ni Tita.

Nasa office room kaming apat kasama si Tito at Mama. Hinanap ko sila nang makatulog na si Alron.

"Opo," Sagot ko. "Hinayaan ko po sila dahil do'n po masaya si Alron." Hanggang sa nalaman kong may ibang lalaki si Kailyn.

Napailing si Tito. "I can't believe this."

"Sobrang nakakahiya," buntong-hininga ni Tita. "Pasensiya na talaga, Louise. Kung alam lang sana namin ay matagal na namin silang pinaghiwalay."

Agad akong umiling. "Hindi na po kailangan no'n dahil tanggap ko po ang lahat ng nangyari. Alam ko po lahat."

"Kaya hindi niyo na po kailangang tanggalan ng mana si Alron," pagpapatuloy ko. "He's always working hard for the sake of your company and preparing himself for his take-over in the future."

"Fine," Tito sighed. "Hindi ko na gagawin 'yon, but that doesn't mean I will let this slide, Louise."

I bit down on my bottom lip. He said it with finality. Mukhang hindi ko na yata siya makukumbinsi na huwag nang parusahan si Alron. That would be pushing my luck too much, at least hindi na siya itatakwil ng pamilya niya.

Kaya tumango na lamang ako. "Thank you, Tito."

"You must love my son very much," Tita said in awe. "Alam mo na ang ginawa niya pero nakuha mo pa rin siyang patawarin... at heto ka pa ngayon, ipinagtatanggol siya sa harap ng pamilya niya."

Ako...? Mahal si Alron? Tita must have mistaken guilt for love... kung alam niya lang sana na ako ang dahilan kung bakit ganito ang nangyayari.

Tipid akong ngumiti at hindi na lamang umimik.

Mahal ko si Alron? Please, bakit ako magmamahal ng isang taong may mahal nang iba? Ano ako, martyr? I know my worth, thank you very much and Heloise Gallejo will never beg for love.

"At saka... hindi ko po ito sasabihin sa mga magulang ko kaya hindi niyo na po kailangang mag-alala."

"Napakabait na bata mo talaga, Louise!" Tumayo si Tita mula sa couch at lumapit siya sa 'kin para yumakap. "I'm very blessed to have a daughter-in-law like you."

"And Tita?" Ani ko at humiwalay mula sa pagkakayakap niya. "Kapag pong sinabi ni Alron na ayaw niya pong ituloy ang engagement namin... please, please, pumayag po kayo."

"What?" Gulat na ani ni Tita. "But— you love him? Hindi ba? Bakit naman kami papayag?"

"I want him to be happy," 'Yon lamang ang sagot ko. "And if his happiness doesn't lie with me, I'll gladly let him go."

Teardrops of the Sky (The Skies Series #1)Where stories live. Discover now