Chapter 19

1.6K 31 2
                                    

NINETEEN
— — —

"Here," iniabot sa akin ni Alron ang isa sa dala niyang bote ng tubig. Umupo siya sa aking tabi.

"Sorry," paumanhin ko at binuksan ang bote bago uminom mula rito.

"I should be the one apologizing," aniya nang nakakunot ang noo. "Masyado akong natagalan dahil mahaba ang pila."

Umiling ako. "It's okay. Hindi mo naman alam..."

Nabalot kami ng katahimikan. Umayos ako ng upo sa bench at sumandal. Humigpit ang hawak ko sa bote. Alam kong gusto niyang tanungin kung bakit ako nagkagano'n pero pinipigilan niya ang sarili niya.

Halos alam naman niya na ang tungkol sa nakaraan ko. Alam niyang hindi ako tunay na anak nina Irene at Albion Gallejo. Pero hindi niya alam kung paano ako napadpad sa kanilang pangangalaga. Alam din niyang may masamang memorya ako sa amusement park kaya ayaw kong pumupunta sa mga ganito. I might as well as tell him everything. I know he will understand.

"My guardian..." Tumingala ako sa langit. "Left me in a place like this when I was young."

Bumuntong-hininga ako. "My real parents passed away thirteen years ago in an accident. My mother's sister took me in for a year. She never liked me. Pinagtiyagaan niyang alagaan ako dahil wala sa mga kamag-anak namin ang gustong kumuha sa akin."

"Then, she left me here. Siguro hindi na nakatiis. After all, I was just another mouth to feed." Muli kong naramdaman ang pamumuo ng mga luha sa aking mata. "Iniwan niya ako sa harap ng isang ferris wheel. Dinala niya ako sa isang bayan na malayo sa tinitirahan namin no'n. Ayaw niyang makabalik pa ako kaya dinala niya ako sa malayo at do'n ako iniwan. She left an innocent and defenseless six year old in the middle of an amusement park."

"Louise..." Mahinang sambit ni Alron.

Alam kong gusto niya akong pahintuin sa aking kwento. Nakita niya siguro ang mga nagbabadyang luha ko. Pero hindi ko na makuhang tumigil. I want to tell him everything.

"Naranasan kong matulog sa lansangan," Nauutal kong pagpapatuloy. "Naranasan kong manlimos at maghanap ng makakain sa mga basurahan. Humingi ako ng tulong pero walang ni isang nagmabuting loob. Hanggang sa nakita ko ang mga kinikilala kong mga magulang ngayon."

"They saved me," Napapikit ako nang magsimula nang pumatak ang mga luha ko. "Inalagaan nila ako. Pinakain, binihisan, pinatira sa mansyon nila, in-enroll sa isang prestihyosong paaralan, lahat-lahat. But most of all, they gave me a family. They made me experience the family I was supposed to have before my real parents died. Itinuring nila ako na parang totoo nilang anak."

"Inayos nila ang lahat. Hinanap nila ang tita ko at inampon ako. My gratitude for them is overflowing. Kaya ginawa ko ang lahat para maging isang perpektong anak. Nag-aral ako nang mabuti at sinusunod ko ang lahat ng gusto nila," Ani ko. "Hindi lang bilang pasasalamat kundi dahil ayaw kong dumating ulit sa punto na ipagtabuyan muli ako."

"That's why," Naglakas-loob akong lumingon kay Alron na hindi ko mabasa ang emosyon sa kaniyang mukha. "Hindi ko makuhang tumanggi nang sinabi nilang kailangan kitang pakasalan."

Nanatili ang tingin ko sa kaniya. Ni hindi ko mapunasan ang mga luhang dumadaloy sa aking pisngi. Pilit kong binabasa ang reaksyon ni Alron pero hindi ko masabi kung ano ang nararamdaman niya sa mga sinabi ko.

Teardrops of the Sky (The Skies Series #1)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum