Chapter 20

2K 35 0
                                    

TWENTY
— — —

"Leave me alone, Mortimmer!"

"No can do," Mortimmer tsked at the seething girl in front of him. "You owe me, remember? Now, stay here."

Nagtatalo silang dalawa na para bang walang ibang nakakakita sa kanila. It has been two weeks since Fritz's birthday. Nasa gymnasium kami ngayon dahil nagpapractice kami para sa graduation. Kasama ko ngayon sila Alron at ang iba pa niyang mga kaibigan, pati na sila Avy at Gia.

Ever since that day in the amusement park, the atmosphere between Alron and I have changed. I think it's for the better. Mas maayos na ang pakikitungo niya sa akin at kumportable na ako sa prisensiya niya. Sabay na kaming kumakain ng lunch kasama ang iba pa naming mga kaibigan. Minsan ay hatid-sundo niya ako mula sa amin. Naging usap-usapan iyon sa school pero kalaunan ay humupa na rin ang mga chismis at nasanay sila na makita kaming magkasama.

"Hindi ba sila nagsasawa?" Bumuntong-hininga si Ellion habang pinapanood ang kaibigan na habulin ang babaeng kanina pa niya kinukulit.

"He's very persistent, though. Kudos to him," Kumento ni Avy.

"Ano ba talaga ang tea sa dalawang 'yon?" Bumaling sa aming dalawa si Avy.

Sumulyap ako kay Alron na nagkitbit-balikat sa tanong ng aking kaibigan.

Umayos kami sa pila nang magsimula na muli ang practice. Next week na ang graduation kaya naman todo ang pagpapractice namin kahit alam naman na namin kung ano ang dapat gawin. Pangatlo ako sa dulo. Nakaayos kasi kami by average, kaya halu-halo ang lahat ng mga strand. Si Alron ang nasa pinakadulo.

Matapos ang practice, humiwalay ako sa kanila at nagpahatid sa malapit na mall. Ngayon ko kasing balak bumili ng mga graduation gifts para sa kanila. Gumawa ako ng alibi na kailangan kong umuwi ng maaga dahil alam kong magpupumilit na sumama sa akin si Avy kapag sinabi kong sa mall ang diretso ko.

Nag-ikot ako sa mall para hanapan ng pwedeng maireregalo ko kina Gia at Avy. Nakabili ako ng isang sling bag para kay Gia sa mula isang mamahaling brand habang perfume naman para kay Avy. Uuwi na sana ako nang maalala ko si Alron.

Should I also buy him one?

Napanguso habang nag-iisip. Wala naman sigurong malisya kung bigyan ko siya, 'di ba? After all I'm his friend... and his fianceé. Dapat lang na bilhan ko siya, hindi ba?

Determinado akong tumalikod at pumasok sa department store. Nagsend ako ng message sa driver namin at sinabing hindi pa pala ako tapos. Nagpunta ako sa men's section. Ano naman ang bibilhin ko para kay Alron? Wala akong ka-close na kaibigang lalaki kaya naman hindi ko alam kung ano ang pipiliin ko.

Tumingin ako sa mga damit na nakahilera sa rack. Kung damit kaya? Umiling ako. Sigurado akong maraming na siyang damit, kung sapatos naman... gano'n din at saka hindi ko alam kung ano ang size niya.

I sighed in frustration.

"Mukhang naligaw ka yata," Halos tumalon ako nang may nagsalita mula sa aking tabi. Tumingala ako para makita ang nakangising si Mortimmer.

Napaatras ako ng ilang hakbang sa pagkabigla. "Anong ginagawa mo dito?!"

Nanlalaki ang mga mata ko habang tinitignan siya. Nahuli niya ako, bwiset!

Teardrops of the Sky (The Skies Series #1)Where stories live. Discover now