Chapter 30

2.3K 39 0
                                    

THIRTY
— — —

I stared down at him. Nasisiraan na ba siya ng bait?

"Fuck you."

Nagulat si Alron sa inasta ko. Is he insane? Hindi ba siya kuntento sa fianceé niya? Ano ang peg niya, the more the merrier?

"You have to marry me, first." Meron pa siyang lakas ng loob para ngumisi.

"Nahihibang ka na ba?"

"I'm serious, Louise." Mayamaya ay aniya. Alam kong seryoso siya dahil iyon ang ipinapakita ng kaniyang mukha pero hindi ako matitinag.

"I will not marry you," I scowled at him. "Even if it's purely for business. I can be the CEO without marrying anyone. Kaya kong patunayan sa kanila na karapat-dapat ako pero sa ibang paraan."

"That's the option they proposed. You have to marry another heir who is in the same field as your business," Alron said cooly.

"So that means they're not saying I have to marry you, right?" Tinaasan ko siya ng kilay. Humalukipkip ako. "I can marry someone else as long as he's in the same field as mine?"

Biglang nagbago ang timpla ng kaniyang mukha. "As if I would let you."

My eyes widen at him. Who does he think he is? "You don't get to have a say in this."

"I do, I'm one of the board members of the company." He retorted.

"Ano ba talaga ang gusto mo, ha?" Nauubos na ang pasensya ko. He's being unreasonable at ang kapal ng mukha niya. Wala kaming relasyon sa isa't isa yet he's acting like we're together!

"Sabi mo kailangan kong magpakasal pero ang gusto mo sa'yo lang? Nababaliw ka na ba?" Sunod-sunod kong sabi sa kaniya dahil sa sobrang inis. "May fianceé ka na, hindi ka ba kuntento sa isa?"

"I don't have a fianceé!"

"Oh, really?" Tumayo ako at nagsimulang maglakad papunta sa hagdanan. "Your interviews said so, otherwise."

At may gana pa siyang magsinungaling sa mukha ko. Tsk, what an asshole.

"You can take your leave now." Hindi ko na siya sinulyapan pa at nagdire-diretsong umakyat papunta sa ikalawang palapag ng bahay namin.

Padabog kong isinara ang pinto ng aking kwarto. Mabilis kong tinungo ang kama at ibinaon ang aking mukha sa isa sa mga unan doon.

I let out a frustrated scream. Halos magpagulong-gulong ako dahil sa inis.

Why are you doing this to me, Alcaeus Ephron? Binibigyan mo nanaman ako ng pag-asa sa wala! Why the hell would he offer me to marry him? Pinaglalaruan niya ba ako? Is this payback for abruptly leaving him that night? Hindi ba niya naintindihan na para sa kaniya 'yon? Hindi ba dapat masaya na siya ngayon?

Umayos ako ng upo. I need to get out of here. Baka mabaliw ako sa kakaisip kung magkukulong lang ako sa kwarto ko.

Pumunta ako sa damitan at kumuha ng isang hoodie at itim na pantalon. Nagpalit ako ng damit at inayos sa isang ponytail ang aking buhok. I took my sunglasses and cap along with my sling bag and phone before walking out of my room.

Teardrops of the Sky (The Skies Series #1)Where stories live. Discover now