Chapter 14

1.9K 33 1
                                    

FOURTEEN
— —

Maraming mga nakahilerang booth sa labas ng gym. May ilang mga estudyanteng sinusubukan ang mga palaro. Tumigil ako sa tapat ng isang booth kung saan may dalawang taong naglalaro. Pinapaputok nila ang mga lobo na nakadikit sa board gamit ang mga dart. Napatalon sa tuwa ang katabi niya nang matamaan niya ang isang lobo. Inilibot ko ang aking mga mata sa mga premyo na naka-display. Karamihan sa mga ito ay mga stuffed toy, mula maliit hanggang sa pinakamalaki.

"Do you want to play?"

Humarap ako nang marinig ko ang boses ni Alron. He's looking at me with those intimidating eyes of his. He raised a brow at me when I didn't answer immediately.

Umiling ako. "Hindi na."

Sinulyapan ko muli ang booth at nakitang nanalo ang isa sa kanila ng isang maliit na teddy bear.

"Come on." Nabigla ako nang naglakad papunta sa booth si Alron.

Nakita ko ang pagkagulat at pagkamangha ng dalawang babaeng naglalaro pati na ng mga nag-aasikaso sa likod ng booth.

Nanatili ako sa likuran ni Alron at pinanood siyang magbayad para makapaglaro. I made a mistake of glancing at the two girls who were playing earlier and saw them glaring at me. Umirap din ako pabalik sa kanila bago binaling ang atensyon kay Alron na ngayon ay nakaharap na sa 'kin.

Halos tumalon ako sa gulat. "Bakit?"

He glanced at the two girls I was looking at earlier then looked back at me. Inilahad niya sa 'kin ang limang dart.

"Go ahead and play," aniya.

Wala akong maisip na pwedeng sabihin kaya tumango na lamang ako at kinuha ang limang dart mula sa kaniya. Pumwesto ako sa kaniyang tabi at inayos ang aking tindig. I aimed one at the blue balloon in the middle. I released the dart and pouted when it landed on the space in between the two balloons beneath the one I was aiming for.

Kinuha ko ang isang dart at binato muli ito. Muntik akong tumili nang tumama ito sa space sa tabi ng asul na lobo. Nakakainis, bakit hindi ko matamaan?!

Napailing ako at binato ang pangatlong dart pero hindi rin ito tumama. I sighed in frustration.

Narinig ko ang bahagyang pagtawa ni Alron mula sa aking tabi. Tumingala ako sa kaniya nang nakabusangot ang aking mukha.

"Anong tinatawa-tawa mo d'yan?" Asik ko. Kasalanan ko bang hindi ako marunong bumato ng dart?

"Akin na," umiling si Alron pero may bakas pa rin ng ngiti sa kaniyang labi.

Binigay ko naman sa kaniya ang dalawang natitirang dart. Narinig ko ang bahagyang pagtili ng mga babae sa paligid nang makita nilang si Alron na ang maglalaro. I gritted my teeth in annoyance at lalong lumapit kay Alron para hindi makita ng mga nasa side ko.

I heard their annoyed response. Napangisi ako.

Alron released the dart he was holding and it hit the balloon I wanted to hit earlier. Napanganga ako habang tinitignan ang pwesto kung nasaan ang asul na lobo kanina.

I looked at Alron and saw him with his brows furrowed in concentration as he aims the last dart to his target. Pinakawalan niya ito at sinundan ko nang tingin at nakita kong tinamaan nito ang lobo na katabi ng pinaputok niya kanina.

Teardrops of the Sky (The Skies Series #1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant